The End

0 0 0
                                    

"Tama na yan. Madami ka ng nainom." Awat sa akin ni Kurt na siyang ikinainis ko.
Nandito lang kami sa balkonahe,malapit sa kwarto ko.
Narinig niyang nakailang putok na ang baril ko.
.
"Tigilan mo nga ako!" Angal ko.
.
Nilapitan niya ako at mariing hinawakan ang braso ko.
"Masakit haa?!"
Reklamo ko na may pagbabanta.

Pero hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko.
Itinutok ko sa kanya ang baril.
.
"Sige,ituloy mo." kalmado niyang hamon.

Bigla na lang akong nakaramdam ng panlalambot,sa tuhod,sa buong katawan. Hanggang sa kusa ng nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha ko.
.
"Wala kang alaaam!!"
Gigil na sigaw ko sa kanya at tsaka ibinato sa kanya ang baril.
Hindi ko na napigil ang mga luhang kanina ko pa isinasawalang bahala. Napaupo ako sa kinatatayuan ko.
.
"Haaaayoooop siiilaaaa! Mga putaaaang inaaaa nilaaaa!!! Kinuha nilaaaa ang lahaaaaat sa akiiiin!! Nananahimik ako" sabay turo ko sa sarili.
"Nananahimik ako,ginulo nila akooo! Pinakialaman nilaaaa akooo! Tapos ano?! Kasalanan ko pa?" Sigaw ko.
.
"Wala kang kasalanan,Devon." malambing na tugon ni Kurt sabay yakap sakin.
.
"Bakit parang kasalanan ko pa? Ang mamatay sila? Eh hindi ba iyon ang nararapat para sa kanilaaaa!!!"
.
" Devon,makinig ka sakin. Gusto ko ng magbago,magbagong buhay. Kasama ka,ikaw at ako."
Nagulat ako sa mga sinabi niya.
Natawa ako,hindi ko alam kung masaya ba ako o natatawa lang talaga dahil sa hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.
Si Kurt,na propesyunal sa pagpatay ng tao,sa droga,sa lahat ng ilegal. Ay bigla nalang gugustuhing magbago,kasama ako.
.
"Di mo ako desereve,Kurt!" sigaw ko sa kanya na siya ring ikinatawa niya.
Tumayo muna ito bago sumagot.
.
"Putaaaang inaaaa naman,Devon! Dahil ano? Na rape ka? Ehh ano naman kung na rape ka?! Ilan? Isa,dalawa,tatlo,sampu? Kahit bente o isandaan pa yan,Devon! Virginity lang ang nawala sayo! Kapiranggot na dugo lang! Oo,masakit. Kasi kinuha siya sa paraang hindi mo ginusto,at sa taong hindi mo gusto. Pero hindi yun sapat,para itigil mo ang lahat. Ako,Devon! Akoooo! Tanggap kita! Wala akong pakialam sa nakaraan mo. Ehh ano kung di ka na virgin? Mahalaga pa ba un ngayon? Hindi naman diba? Ang mahalaga,mahal kita! Mahal na mahal ! Handa kitang hintayin." mahabang paliwanag niya.
Nagulat ako sa mga narinig ko. Napatulala ako.

Bakit Kurt,bakit ako pa?
Sayang Kurt.
.
"Please,Devon. Bigyan mo naman ang sarili mo ng pagkakataon para sumaya. Hindi yung puro nalang poot. " dagdag niya sa mahabang sermon niya.

Hinatak ko siya pababa. Hinila ko ang damit niya sa bandang laylayan. Siningahan ko iyon na siyang ikinatawa niya.
Ginulo niya ang buhok ko. Nang mahimasmasan ako,niyakap ko siya na ikinagulat niya.

"I do,Kurt!"
sagot ko.
.
Agad siyang kumalas sa pagkakayakap ko. At hinarap ako ng nagtataka. "Anong I Do? Di pa naman ako nag popropose haa?" reklamo niya.
.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ayaw mo yata ako maging asawa ehh" pagsusungit ko.
.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Nakuha mo na pagkalalaki ko." niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
Sasapakin ko sana pero naawat niya ako agad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now