KABANATA 8

601 50 24
                                    

PAGKADATING ni Fenn sa hospital ay nagmamadali siyang lumapit sa tiyuhin niya na ngayon ay panay pahid sa sariling damit para punasan ang luha.

'Tiyo' tawag niya

Parang nakahinga ng maluwag ang tiyo pagkakita sa kaniya at agad siyang nilapitan ng makitang may yakap yakap siya na envelope.

'Nagawa mo?' hindi makapaniwalang tanong nito

Sunod-sunod tumango si Fenn bilang sagot, halos maupo ang tiyuhin niya sa sahig dahil sa narinig.

'Si Gia nasaan?' tanong niya

'Nasa loob, kanina inataki na naman siya pagkagising niya panay hanap sayo kaya nahirapan sa paghinga-'

Hindi na natapos ng tiyuhin ang sasabihin ng agad tinakbo ni Fenn ang kwarto kung saan ang anak.

Pagkalapit niya ay agad niyang nakitang mahimbing jlit ang tulog nito.

Napatayo naman ang Ama ng makita siya at kinumusta ang lakad niya.

Agad niya inabot sa Ama ang pera pang bayad sa operation ng anak.

'Fenn, ang laki nito, paano ka nakahiram ng ganito kalaking pera' takang tanong nito ng makitang sobra sa inaasahan nila ang mahihiram nito.

Napalunok si Fenn sa narinig at nahihirapang sumagot.

'Fenn-' ulit nito

Akmang sasagot si Fenn ng agad sumabat ang tiyuhin.

'Tsaka muna tanungin si Fenn kung paano niya hiniram yan, ang importante maligtas buhay ni Gia, ngayon mas kailangan natin puntahan ang doctor' anito sabay hawak sa braso ng Ama niya at hinila ito palabas.

Napasubsob si Fenn sa katawan ng anak at doon lihim na humagulhol.

'Please Gia anak, please gumaling ka, mahal na mahal kita' bulong habang hinalik-halikan ang likod ng palad nito.

Halos 15 minutes lumipas bago bumalik ang dalawa at basi sa mukha ng mga ito ay masama ang maririnig niya.

'Tiyo, Pa, ano hong problema?' tanong niya

'Kailangan daw ilipat si Gia sa manila hospital para doon operahan at gamutin, kulang daw sila sa facility dito kaya tanging suggest nila ay dalhin sa malaking hospital ang bata' ani nito

Nanlambot si Fenn, masyadong malayo ang manila sa kanila hindi niya alam kung papayagan siya ni Gabriel umalis.

Pero susubukan niya.

'Wala tayong choice kundi pumayag Fenn' ani ng Ama.

Sunod-sunod na tumango si Fenn, kahit saan basta gagaling anak niya papayag siya.

MABILIS umaksiyon ang lahat pagkapayag niya, gamit ang ambulansiya ay isinakay ang anak niya.

5 hrs from their province ang lalakbayin nila para marating ang syudad.

Akmang sasakay na si Fenn ng biglang may hunarang sa daanan niya.

Pagtingin niya ay napakunot noo siya.

HATE THAT I STILL LOVE YOU (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon