Naalimpungatan si Fenn ng maramdaman masyadong tahimik ang paligid at tama nga pakiramdam niya ng hindi makita si Gabriel sa pwesto nito.
Mabilis napatuwid ng upo si Fenn at nilinga-linga ang paligid kung nasa ibang sulok ba ang binata pumwesto pero wala kaya naman agad siyang tumayo at inayos ang nagulong buhok.
Nilapitan niya ang mesa para tignan kung maayos na yun at ng makita niyang hindi doon niya napagtantong hindi pa ito tapos sa tinatrabaho.
Tahimik na lumabas si Fenn para hanapin ang binata, hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pangamba ng hindi makita ang lalaki.
'Saan kaya nagpunta iyon' bulong ni Fenn at pinagpatuloy ang paglalakad.
Hindi niya alam kung bakit papunta sa main door ang punta niya.
Nakakasalubong niya ibang katulong, hindi niya magawang magtanong dahil naiilang pa siya kaya naman tuloy-tuloy lang paglalakad niya.
Malapit na si Fenn sa pintuan at tatlong hakbang nalang ay makakalabas na siya ng matigilan siya at tinignan ang taong nakasalubong na ngayon ay natigilan din ng makita siya.
'Fenn' anito
'Uhm, w-wala ka kasi sa office kaya hinanap kit-' hindi natuloy ni Fenn ang gusto sabihin ng mabilis nakalapit sa kaniya si Gabriel at hinawakan siya sa pulsuhan at agad siya hinila pabalik.
Akala niya babalik sila sa opisina kaya nagtaka siya ng paakyat sila sa taas. Hindi na niya nakuhang magtanong lalo pa't mahigpit ang paghawak ni Gabriel sa pulsuhan niya.
'Gabriel, may problema ba?' iyon ang agad na tanong niya pagdating nila sa loob.
Pero hindi sumagot at tumuloy sa banyo, ayaw makiusyuso ni Fenn dahil alam niya kapag ganito ang lalaki ay nangangahulugang may problema ito.
Rinig niya sunod-sunod na pagmumura ni Gabriel halatang galit ito sa kung saan ito galing.
Inilapat ni Fenn ang tenga sa banyo pilit pinapakinggang kung anong sinasabi nito.
'Make them leave Lohan!- I know, I know- Yeah! Tell them mag stay sila sa resort, they can fo everything there, mamaya ko sila haharapin, for now make them out of here!'
Napakunoot noo si Fenn, hindi niya masyado naririnig ang sinasabi nito basta ang alam niya galit talaga ito.Maya-maya bigla bumukas ang pintuan at pareho dilang nabigla ng mahuli ang isa't-isa, si Gabriel dahil ayaw niyang malaman ni Fenn nandito ang grupo, si Fenn naman dahil nahuli siya nito sa aktong gusto makiususiyo.
Tuloy-tuloy naglakad si Gabriel at pumunta sa isang room kung saan nakalagay ang lahat ng klasing damit, sapotos, bag at mga alahas katulad ng relo at mga susi ng mga sasakyan.
Nakasunod lamang si Fenn habang nakatingin sa binata.
Gustong-gusto niya magtanong ang kaso hindi niya magawa lalo pa't namumutok ang ugat sa kamay nito, halatang galit sa kung ano man kinagalit nito.
Akma sana siya magtanong ng tumunog ang Cellphone nito.
'What?!' asik nito sa kabilang linya.
Kitang-kita niya pag buntong hininga nito dahil sa kung anong sinabi sa kabilang linya.
'Yeah, okay- Good, i am going there, tell them pupunta ako' anito.
Napakagat si Fenn mukhang aalis si Gabriel at halatang hindi siya nito isasama.
'Gab-' tawag niya ng makitang nakapili na ang binata at binitbit nito tsaka nilapag sa ibabaw ng kama.
Bago ito pumasok sa shower room ulit ay hinarap siya nito.
BINABASA MO ANG
HATE THAT I STILL LOVE YOU (SEASON 2)
RomanceA love that you shared shuttered, because of one mistake.