MASAKIT ang ulo ni Fenn pagkagising kinaumagahan pakirandam niya kulang pa siya sa tulog paano ba naman alas kwatro na diya dinalaw ng antok dahil sa pag-alala.
Pag-alala sa anak at kay Gabriel.
Oo nag-alala siya sa binata dahil kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito nang malamang wala na ang Mama niya.
Malakas na bumuntong hininga si Fenn, pumikit saglit baho nagpasiyang bumangon para gawin ang dapat gawin.
Naglakad na papunta sa kusina si Fenn at naabutan niya ang dalawang katulong nag uusap at siya ang pinag-uusapan.
'Hindi ko akalaing makikita iyon ulit, at kinakain na talaga ako ng curiosity kung sino yun sa buhay ni Sir' sabi ng isa.
'Kaya nga, tapos sa kwarto pa siya ni sir pinapahinga' sagot naman ng isa habang naghuhugas.
'Di kaya, bakla talaga si Sir?' tanong ulit ng kasama nito.
'Ano kaba, ikakasal na iyon-'
'Hindi kayo pinapasahod para gawing agahan ang Amo natin!' putol ng mayordoma na kakarating lang sa likuran at naabutan nag tsismisan ang dalawa tsaka pinalo-palo ang mga ito sa mga braso.
'Sorry po' agad na sabi nito
'Hala maglinis kayo doon, huwag na huwag kayo magsasama para iwasan niyong magkalat ng usapan! Oras ngayon ng trabaho kaya bantayan niyo mga kilos niyo!' patuloy pa na sita nito.
Agad naman kumilos ang dalawa at naglakad papunta sa kaniya kaya natigilan ang mga ito ng makita siya.
Nakayukod ang mga ito ng lagpasan siya tila ba hiyang-hiya.
Natahimik naman ang mayordoma habang nakatingin sa kaniya.
'Kabilin-bilinan ni Sir Gabriel, na kumain kayo bago kayo mag umpisa sa trabaho' anito
Napakunot noo si Fenn.
Anong klasing trabaho- iyon ang nasa isip niya
Tila nabasa naman ng Ginang ang mukha niya.
'Ang sabi niya, simula ngayon ikaw ang mamahala sa mga kailangan niya, simula sa pagkain, damit at mga iuutos niya, hindi ko alam sa parte na yan, basta kumilos ka kung ano ang trabahong ipapagawa niya' tumango-tango naman si Fenn.
Walang problema sa kaniya.
'Ngayon hatiran mo siya ng kape sa office niya' natigilan si Fenn.
'Sa office? Hindi ba siya lumabas buhat pagkauwi?' tanong niya.
'Hindi, ganyan yan siya palagi, at kanina ka pa niya hinihintay magising, gusto niyang ikaw ang mag timpla ng kape niya' anito sabay lakad paalis.
Agad naman kumilos si Fenn at ginawa ang mga alam niyang paborito ni Gabriel.
Kung hindi pa nagbago ang gusto nito tiyak magustuhan nito gawa niya.
Tatlong katok ang ginawa niya bago dahan-dahang binuksan ang pintuan at pinasok agad ang bitbit na kape at pagkain, tumambad sa kaniya ang maluwang nitong opisina na punong-puno ng mga libro ang bookshelves, napangiti si Fenn mahilig siya magbasa dati pa kaya maganda sa paningin niya ang libro kahit ba puro mga stories lang naman binabasa niya. Mahina kasi siya sa ibang mga libro.
Nilapag ni Fenn ang pagkain sa mesa at hinanap ang binata pero wala ito roon kaya inikot niya ang paningin at halos atikihin siya sa puso ng makitang lupaypay ito sa sofa na hindi niya napansin kanina pagpasok.
Dahan-dahang lumapit si Fenn para gisingin si Gabriel.
Medyo nakanganga pa ito habang natutulog, halata ang pagod sa mukha nito dahil sa mga trabahong nakatambak.
BINABASA MO ANG
HATE THAT I STILL LOVE YOU (SEASON 2)
RomanceA love that you shared shuttered, because of one mistake.