KABANATA 22

724 45 21
                                    

Isang malakas na sampal ang nagbalik sa diwa ni Fenn .

Ramdam na ramdam niya ang hapdi dahil sa sampal na natanggap, pakiramdam niya namaga ang mukha niya sa ginawa nito.

Medyo blured pa paningin ni Fenn ng dahan-dahan niyang ibinuka ang mga mata at sumalubong sa harapan niya ang mukha ng babae na nakangisi.

'Masyado mahaba ang tulog mo, masiyado ka naman yata kampanti' ani nito

Agad nag panic si Fenn ng makilala ang kaharap at nilibot ang mga mata sa bawat sulok.

Sa nakikita niya may malalaking iba't-ibang makina at mga malalaking metal na kinakalawang na at kung susuruin nasa Isa lumang abandonado sila ng isang pabrika.

At hindi niya mawari kung anong klasing pabrika sila.

Nabalik ang tingin ni Fenn sa harapan ng hawakan nito ang magkabilang pisngi at pinisil ng mariin. Ramdam niya ang matutulis nitong kuko na nanunusok sa balat niya.

'Hanu! Siguro naman kilala mo ko hindi ba' anito sabay mas pinisil ng tudo ang pisngi niya.

Hindi niya masagot ito dahil may takip ang bibig niya.

'Hindi ka makasagot, pwes ako nalang magsasalita, ako si Felisse or Elisse for short, ako lang naman ang nag iisang babae sa buhay ni Gabriel pero nagka deleche-leche ng dumating kang salot ka!' Sigaw nito sabay pabalang na binitawan ang pisngi niya sabay sampal ulit ng malakas sa mukha niya.

Halos masubsob si Fenn sa lakas ginawa nito.

'I still can't believed Gabriel would replace me someone like you ni wala ka ngang maipagmalaki, look at you, you are Pulubi at - at -at bakla!'

Nandidiring sigaw nito sabay sipa sa dibdib niya kaya naman tuluyang natumba si Fenn sa kinauupuan kasama ang upuan.

Nakatali ang kamay niya at mga paa sa lumang upuan kaya hindi niya din magawang pakawalan ang sarili.

Malakas na bumagsak ang katawan niya at sa lakas ay umumpog ang ulo niya sa sahig.

Namilipit si Fenn sa sakit lalo na sa parte ng ulo niya.

Kahit anong sigaw niya ay hindi maririnig dahil sa naka takip sa bibig, pero kung titignan mo hitsura niya halatang sobra siyang nasaktan dahil namumula ang buong mukha niya at namumutok ang mga ugat sa noo at leeg dahil sa pag ere.

Hindi parin tumitigil sa pagsisigaw ang babae sa galit.

'Dahil sayo everything is ruin! Bakit ka pa kasi nagpakita! Leche ka ginawa ko na lahat para hindi ka niya makita pero haliparot ka talaga! Ikaw pa talaga gumagawa ng paraan para mapalapit sa kaniya!' Sigaw nito sabay lapit sa kaniya at hawak sa mismong buhok niya tsaka hinila ang ulo niya paangat.

Hindi siya nito maiangat kaya nanatili sa buhok niya ito kumakapit at bahagyang inangat para iharap sa nanggagaliting babae.

'Tinigilan na nga kita eh, pasalamat ka nga wala akong ginawa sayo dahil nanatili kang parang patay sa isang sulok dahil sa katahimikan tapos ngayon ngangawa ka, talagang sinusubkan mo ko' anito sabay hugot ng isang bagay.

Agad nanlaki mga mata ni Fenn sa nakitang baril at  itinutok sa ulo niya.

'Elisse! Wala sa usapan natin iyan!' Pigil ng isang binata sa dalaga.

Inis naman binalingan ng dalaga ang kasama.

'Huwag ka mangialam! Hindi porket nagtulungan tayo na kunin siya may karapatan kanang mangingialam!' Bulyaw nito sa kasama.

HATE THAT I STILL LOVE YOU (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon