CHAPTER 4

616 49 33
                                    

WHEN FATE PLAYS

'You're Resigning?' hindi makapaniwalang tanong ng HR manager nila pag abot niya ng resignation.

Ilang gabing pinag-isipan niya ng maigi kung tama ba ang gagawin.

Pero wala na siyang pagpipilian, kapag manatili siya dito siguradong mas lulubog lang sila sa utang.

Kaya kahit ayaw niya pero kailangan niya.

'Yes Maam, kailangan ko ho' magalang na sagot niya.

'Fenn, alam kong malaki ang problemang financial ang kinakaharap mo, pero mas kailangan mo ang trabaho' anito

'Kaya nga po, i decide na mag abroad nalang po, hindi po kasi sapat ang kinikita ko para pambayad sa mga bayarin, tapos may maintenance pang iniinom si papa pati si Gia' aniya.

Yes his daughter is sick may sakit sa puso ang anak niya kaya hindi na talaga siya pwedeng maging kampanti.

Dati nakakaya niya pang anak lang niya pinapagamit niya pero ngayon mabigat na lalo't pati ang Ama kailangan may gamot at hindi simpleng gamot ang kailangan nito, ang mamahal ng gamot ng Ama.

'Oh, nakapag apply ka na ba?' tanong nito

'Yes po, mag aasikaso na lang po ako ng papeles na mga kulang' sagot niya.

Nagbuntong hininga na lamang ang Ginang tila walang magagawa.

'Anyway, may Render ka pang kailangan tapusin 30 days iyon, habang tinatapos mo iyon, asikasuhin mo nalang mga papeles mo, okay ba yon?' tanong nito

Nakahinga ng maluwag si Fenn sa narinig at nagpasalamat, sa totoo lang na stress din siya kung ano mangyayari kapag nag apply siya tapos wala siyang trabaho pagkukuhanan ng financial.

'Anyway, kailangan kita mag asikaso ng buffet mamaya sa mansion ng mga De Silva, they had a party' anito natigilan si Fenn sa narinig at tinanong ang Ginang.

'De Silva ho?' tanong niya.

'Oo, bumalik ang Apo ng nag-iisang Henry De Silva na siyang bumili ng Resort na ito, ah! Oo nga pala hindi mo alam dahil one week kang naka leaved' anito

Hindi nakagalaw si Fenn sa nalaman.

Nagpatuloy nagsalita ang Ginang at hindi napansin pagkatulala niya.

'Patay na ang Don noong nakaraang taon, at ngayon lang umuwi ang Apo galing sa ibang bansa, at naisipan asikasuhin lahat ng pinamana sa kaniya ng Don, at ngayon kakatapos lang ma renovate ang bahay kaya mamaya may party at doon mismo gaganapin, he wanted us to manage the party, at dahil kayo ang waiters mas trabaho niyo iyon' anito

'M-Maam, anong oras ho iyon?' tanong niya gagawa siya ng paraan para hindi makapunta.

'8:00 pm ang start kaya dapat 5 nandoon na kayo para ma prepare lahat ng kailangan' sagot nito

'Pero may trabaho ho ako mamaya sa bar' sagot niya

Napatitig sa kaniya ang Ginang tsaka lumapit at hinawakan siya sa kamay.

'Fenn, kakapasok mo lang sa trabaho, at tsaka double pay naman makukuha mo, sorry may iba kasing nag absent kaya mas kailangan kita doon, our boss has high expectations from us, he just seems observe kung tama ba decision niyang bilhin ito, at alam kong doubtful siya sa mga tauhan lalo pa't hiniling ng ating dating amo na huwag tayo tanggalin, kaya may mga oras na ino-observe niya kami kung worth it ba pinapasahod niya. Kaya sana please huwag ka muna pumasok sa part time mo' pakiusap nito.

HATE THAT I STILL LOVE YOU (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon