KABANATA 6

889 52 27
                                    

THE PAYMENTS THAT HE WANTS 2

TULALANG nakatingin sa kawalan si Fenn, kanina pa siya dito sa labas ng bahay nila habang nakaupo sa may kawayan at malalim ang iniisip kung paano at saan siya kukuha pambayad ng pera kay Gabriel.

Hanggang bukas nalang palugit na binigay nito, oo dalawang araw na ang lumipas buhat magkaharap sila at sinabi nito ang mga kondisiyong gusto nitong mangayaring kabayaran at hanggang ngayon wala siyang pera kahit isang libo para ipambayad sa lalaki.

'Fenn' matamlay na nilingon ni Fenn ang tumawag sa kaniya pero agad napatayo ng makilala ang Ama ang siyang lumapit. Agad niya itong inalalayan sa pag-upo.

Hirap pa ang Ama sa pagkilos kaya mahina pa ito.

'Pa, baka mahamugan kayo' sabi niya

Ito ang unang besis na nilapitan at kinausap siya ng Ama sa loob ng limang taon.

'Okay lang ako, medyo makirot pa pero nakakaya ko na' anito sabay haplos sa tiyan.

'Fenn, alam kong hindi na tayo katulad dati pagkatapos mawala ng Ina mo, at patawad dahil sayo ko isinisisi pagkawala niya' anito

Agad nag unahan ang luha ni Fenn sa pagbagsak dahil sa sinabi nito.

'Wala iyon pa, huwag na natin pag-usapan' aniya

'Hindi, gusto kong ilabas ito, gusto kong humingi ng kapatawaran dahil isinisi ko sayo lahat at pinabayaan kita, ngayon hindi ko alam kong paano haharapin ang Mama mo sa kabilang buhay dahil naging pabaya ako' subod-sunod na umiling si Fenn at lumuhod sa harapan ng Ama.

'Pa, wala po kayong kasalanan, ako-ako po iyong may kasalanan, kung sana hindi ko sinabi kay mama sitwasyon ko dati, siguro hindi agaran umuwi si mama, di sana kasama pa natin siya, patawad papa, patawad dahil saakin maagang nawala ang mama' hagulhol niya hababg nakasubsob sa paanan ng Ama.

Rinig niya ang pag- iyak ng Ama, ito ang kauna-unahang narinig ni Fenn ang pag iyak ng Ama. Kahit minsan hindi niya ito nakitaang umiyak.

Kaya mas lalo siyang nasaktan at kinakain ng konsensya.

'Aaminin ko sinisisi kita pagkawala ng Mama mo, alam mong si mama mo ang kalakasan ko kahit pagod na pagod na ako sa pagtatrabaho ginaganahan parin ako dahil alam kong bubunga ang lahat at kunting ipon lang makakauwi na ako at tutuloy dito sa probinsya at dito na kami tatanda dalawa, oo kaming dalawa dahil alam kong bata ka pa may mga gusto kapang mangyari sa buhay mo, kaya ang plano ay dito nalang kami habang hahayaan ka kung saan ka masaya, pero lahat ng iyon nawala na parang bula' patuloy nito

'Patawad kung pinaramdam ko sayong ikaw ang dahilan kung bakit maagang nawala ang Mama mo, patawad dahil minsan nahiling ko na sana ikaw nalang ang nawala at hindi ang mama mo, na sana hindi nalang ikaw ang naging anak namin baka hindi ganoong mangyari sa Mama mo, at patawad dahil nag isip ako ng ganoon anak, mahal kita kapantay ng pagmamahal ng mama mo, alam kong malaki pagkukulang ko dahil pinili ko magpakalayo para magtrabaho at patawad dahil kinain ako ng galit at pangungulila kaya sayo ko nabunton lahat' anito at hinawakan ang mukha ni Fenn paharap sa kaniya at hinalikan siya noo habang pinapahiran ang luha niya.

'Patawad anak' mas lumala ang iyak ni Fenn sa narinig at niyakap ang Ama ng mahigpit sa bewang hanag nakaluhod.

Ngayon lang siya ulit nito tinawag ng anak kaya hindi niya alam kung paano dalhin ang emosiyong naramdaman.

'Patawad papa' hingi din ng kapatawaran.

Dahan-dahan siyang hinila ng Ama patayo at pinaupo sa tabi nito

'Salamat Fenn, dahil binigyan mo ko ulit ng rason para matauhan at mabuhay' anito

Naguguluhang napatitig si Fenn sa Ama.

HATE THAT I STILL LOVE YOU (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon