KABANATA 16

545 49 27
                                    

GABRIEL INCIDENT

'okay ka lang?' Nilingon ni Fenn ang nagsalita at tipid na nginitian ng makitang si Floyd.

Nandirito siya sa rooftop ng hospital, umalis kasi siya Para iwasan si Ethan dahil hindi niya alam kung  paano ito haharapin ng maayos gayong umaalab sa galit ang dibdib niya.

Nagpapasalamat na lamang siya dahil nakikita niyang maging ito ay naiilang at halatang hindi din nito alam kung paano siya haharapin.

Pati si Gian ay iniwasan niya, hindi siya galit rito bagkus naiilang lamang siya dahil sa biglaang pag-alis niya ng walang paalam 5 years ago.

Tinititigan ni Fenn si Floyd na ngayon ay nakatingin sa kawalan at huminga ng malalim bags nagsalita ulit.

'Siguro nagtataka ka kung bakit kami nandito, at kung bakit magkasama kami despite sa nangyari 5 years ago' Anito

Hindi sumagot si Fenn pero alam niyang alam nito ang iniisip niya.

Huminga ng malalim unit ang binata at bakas sa mukha ang sakit at pait.

Hindi naman alam ni Fenn ang sasabihin, halata naman sa mukha ni Floyd na nasasaktan parin ito katulad niya.

At kahit hindi nito sabihin alam niya kung ano ibig nitong sabihin.

Mahal nito si Ethan kahit ba ginawa lang siya nitong parausan.

'Ang tanga ko ano, kahit hindi naman niya ako mahal at sinaktan lang ako, heto parin ako kasa-kasama siya' naiiling sagot nito.

'Floyd-' akma niya sanang aluin ito ng agad itong umatras.

'Galit ako sayo Fenn, at naiingit ako sayo, sorry kung nakakaramdam ako ng ganito, when infact wala ka naman ginawang masama saakin' putol nito sa pagtawag niya.

Nanatili siya sa pwesto niya at hinayaang magsalita si Floyd.

Alam niyang marami itong gustong ilabas ng sama ng loob.

'Pero sapat na ang rason kung bakit ako galit sayo dahil mahal ka ng taong mahal ko, Ethan loves you, at kahit anong gawin ko Para matutunan niyang mahalin ikaw parin talaga hinahanap niya' mapait na patuloy nito

Nagsalubong ang kilay ni Fenn sa narinig hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

'Sorry Fenn, kung selfish ako dahil masaya akong nawala ka 5 years ago, dahil sa pag-alis mo napunta saakin ang attention ni Ethan, he became gentle to me at naging mahigpit siya saakin pagkawala mo na Para bang takot siyang mawala din ako sa piling niya' Patuloy parin nito.

'I Feel special' nakangiting huling sabi nito.

'Floyd hindi yan healthy-'

'I know! I fucking know! pero anong magagawa ko, even it's not healthy, masaya ako eh' sagot nito tsaka pinahiran ang kumawalang luha sa mga Mata.

'I saw how he react when he finally saw you kanina, at heto na naman ako, praning ulit na baka may gagawin na naman siyang kamalian para sayo, you see he's not himself kapag nasa paligid ka' giit nito at diritsong nakatingin sa mga Mata niya.

And Fenn knows na hindi makikinig si Floyd sa kung anong sasabihin niya.

Na Para bang sarado ang isip nito.

Napatango si Fenn at sineryoso ang mukhang tinignan ito bago bumuka ang bibig para magsalita.

'Anong gusto mong sabihin, may pinupunto kaba Kaya sinundan mo ko dito?' Prangka niya

Hindi niya inaasahan na mag uusap silang dalawa at ito pa ang pag-uusapan nila.

'I am scared Fenn' maluha-luhang pag amin nito.

HATE THAT I STILL LOVE YOU (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon