1

57 9 1
                                    

"Kailan mo ba ako malalagpasan, Nate?" biro nitong si Klayto. Nakakagigil talaga. Nakakauma, nakakagigil. Ang sarap manakal ngayon. Tapos binibiro niya pa 'ko, edi lalo akong nainis sa kanya. Sa isip isip ko, sinasakal ko na siya.

"You're just lucky." ayan na lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

Sino ba namang hindi magagalit o mang-gigigil don, ha? Ang sagot ko ron sa tanong na " Who is the American female scientist who shared the noble prize in medicine for her work in the development of radioimmunoassays of peptide hormones?" ay Roselyn Yalow?!

I was confident pa nung sinusulat ko iyon sa small white board ko. Only to find out na it's not "Roselyn" it's "Rosalyn."

Dapat pala ay letter A at hindi letter E. Parang tanga naman kasi. Halos ginugol ko ang buong dalawang araw ko sa pagrereview. Halos gamitin ko na ata lahat ng method sa pagrereview matandaan lamang ang mga terminologies na iyon, tapos sa Rosalyn Yalow lang pala ako magkakamali?! Ang dali na nung pangalan oh.

"Yeah, right. Just accept it already, na never ka mananalo against me." ani nitong gunggong na 'to. Isa pang biro, mararamdaman nito ang mga kamao ko sa kanyang fluffy cheeks.

FLUFFY CHEEKS? Maja 'yarn?

Bago ko pa man maidampi ang kamao ko sa kanyang pagmumukha ay umalis na ako. Kaso nung makalagpas ako sa kanya, hinawakan nito ang aking mga kamay at hinila papalapit sa kan'ya.

"Better luck next time, baby." bulong ni Klayto. What the f? Bakit niya ginawa 'yon?! Anong rason? Pwede naman niyang sabihin nalang sa maayos na paraan e. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Parang sira. Parang bigla akong nabaliw.
Binitawan niya ang aking kamay matapos niyang sabihin 'yon, at ngumiti.

May something sa ngiting 'yon e. Pero not gonna lie, I got chills nung bumulong siya.

Uwian na at hinihintay ko nalang si Geoff. Kaibigan ko siya mula pa no'ng elementary pa, mula kinder ay kaklase ko na siya, tapos akala ko hindi na kami magkikita pa ulit after nung graduation. Nagulat na lamang ako nang makita ang pangalan niya sa list namin nung grade 7. Duon ko nalang nalaman na parehas pala kami ng school na pinasukan. Ngayon namang senior high ay siya kong muling ikinagulat nang makita ko ulit ang pangalan nito sa ibang section, pero hindi na kami magkaklase.

"Nate!" Familiar na boses ang aking narinig mula sa aking talikuran, hindi ko manlang naisip tignan kung sino ba iyong tumawag dahil sa dami na ng iniisip ko at agad itong niyakap habang tumutulo ang aking mga luha.

"Hindi ako nanalo." sabi ko habang humihikbi hikbi pa. Habang nakayakap ay nagtataka ako dahil iba ang amoy ng pabango nitong si Geoff. Hindi ito ang klase ng pabango na ginagamit niya. Mahilig siya sa mga perfume na matatapang ang amoy, pero ito, sweet scent lang siya. Unti-unti akong kumalas sa pagkakayakap, nang makita kung sino itong aking niyakap ay hindi ko na alam ang aking gagawin, para bang nataranta ako bigla.

It's Klayto.

Agad akong kumawala sa yakap na ako rin naman ang nag-umpisa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakakahiya, nakakauma. Wala na bang ikagaganda pa ang araw na 'to? Araw ba ng kamalasan ngayon? Hindi ko alam kung anong dapat sabihin o gawin. Isisisi ko 'to kay Geoff, lintek siya.

"I-i'm sorry." ani ko habang nakatingin sa aking mga sapatos, tangina kasi. Natalo niya na nga ako, nakita niya pa akong umiiyak.

"Bango mo." biro niya pa. 'Pag tayo talaga, Geoff, nagkita. Humanda ka. Bakit niya naman nasabi 'yon? Inaamoy niya ba ako habang niyayakap ko siya? Tsaka bakit hindi manlang siya umiwas? Niloloko ba ako ng lalaking 'to?

Dahil sa laki ng hiya na aking naramdaman nung mga oras na iyon, ay dali-dali akong umalis sa harap nito, chinat ko nalang si Geoff na umuna na ako.

Bago ko pa man mabuksan ang pinto ng bahay, ay may narinig akong boses na nanggagaling sa garden namin.

Behind You (Rainbow Series #1)Where stories live. Discover now