3

15 7 0
                                    

3 days and 1 week nalang bago ang quiz bee pero tapos na akong reviewhin ang buong reviewer.

"Gustong-gusto mo talagang manalo‚ e, ‘no?" sabi ni Geoff. Nasa isang coffee shop kami ngayon, bumabawi sa kan'ya. Hindi ba naman ako pinansin ng isang buong araw nung napaalala ko sa kan'ya na lumabas kami ni Klayto, kahit ang sabi ko sa kan'ya ay hindi ako p'wede nung siya ang nagyakag.

"No choice, e." I mean I really had no choice, but to win this, or else.. you know. 

"Anyways, tara baywalk? I badly want to watch the sunset, e." anyaya ni Geoff. Does any of you will believe me kapag sinabi kong nakakagaan sa pakiramdam kapag nakakakita ako ng sunset?

Agad naman akong tumango. Nang makarating sa baywalk ay bumungad ang isang napakagandang sunset. Agad ko naman kinuha ang cellphone ko para kuhanan ito, habang inaayos ang anggulo ng cellphone ko para maayos ang kuha, bigla na lang may nag-flash sa likod ko. Para bang may kumuha ng litrato galing sa likod ko, pero hindi ko ito binigyan ng pansin at tinuloy ang pag-kuha ng litrato.

Niyakap ako ni Geoff at yumakap naman ako pabalik.

"See ya sa school!" sigaw ni Geoff. Ngumiti na lang ako. Nang makarating ako sa bahay, kaagad ko namang itinapon ang sarili sa kama, siguro dahil na rin sa pagod.

Linggo ngayon at wala rin akong plano. Nakagala na kami ni Geoff, baka busy na rin siya ngayon. Basahin ko na lang siguro ulit ‘yung reviewer, since 1 week nalang bago ang quiz bee. Matapos ang halos 5 hours of reviewing, naisipan kong mag-open ng fb. While scrolling sa newsfeed ko, may familiar na mukha at pangalan ang lumabas sa people you may know.

Klayto Pantoja. Candid photo pa nga ang profile, e. He was wearing the school uniform, habang hawak-hawak ang isang strap ng kan'yang bag.

Bakit gano'n? Bakit 'pag siya ang nag-pose ng ganon ang cool? Iba rin talaga ang charisma nitong si Klayto, e, ‘no?

Little did I know, ini-stalk ko na pala ang account niya na puno ng motivational quotes.

Lunes na lunes may quiz?! Surprise quiz na nga, 30 items pa! To make it worse, wala rin pala akong tinake na notes sa last discussion! I'm doomed. Nalaman namin ‘to sa kabilang section. Bago mag-umpisa ang quiz, nag-punta ako sa cr.

Matapos mag-hugas ng kamay ay kaagad akong bumalik sa room, thankfully wala pa si ma'am. Habang nag-re-ready ng papel, may napansin akong notebook na hindi naman akin, nang i-open ito, may note na nalaglag. The notes says "Goodluck sa quiz! :)"

After kong mabasa iyon, nilipat ko sa next page, narinig ata ni Lord mga hinaing ko, it’s full of notes! Nang walang alinlangan, binasa ko ito nang binasa para kahit mag-familiarize nalang ako sa quiz.

After the quiz, surprisingly, I got the highest score. Perfect sana, kaso nalito ako sa isang terminology kaya sumablay ng isa, pero the rest, I did good. Si Geoff talaga ang unang tao na pumasok sa isip ko nung iniisip ko kung kanino ba itong notebook na ‘to. Nang makita si Geoff sa labas ng room namin, kinuha ko ang notebook.

"Oh, huhu thank you talaga. Nakatulong nang sobra notes mo!" sabi ko pa.

"Ha? Wala naman akong notebook na ganyan. Baliw ka ba? Parehas lang tayo ng notebook." ngayon ko lang na-realize. E kung hindi kay Geoff? Kanino?

Siguro i-keep ko na lang sa sarili ko? Ibigay ko na lang kapag may nag-hanap.

It's been days at wala pang nalapit sa akin para kunin ‘yung notebook. I wonder if iniwan ba talaga ‘to intentionally sa bag ko, kung sino man siya, hulog siya ng langit.

It’s the day. So far natatandaan ko pa rin lahat ng laman ng reviewer. There’s four round, the easy round, normal round, difficult round, and lastly the expert round na mags-serve as tie breaker if may mag-tie after the first three rounds.

Behind You (Rainbow Series #1)Where stories live. Discover now