5

14 5 0
                                    

Ilang araw na siguro akong wala sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa naging sagutan namin ni mama. Pero wala na siguro akong magagawa, kung anong isipin niya sa akin, hindi ko na mababago. Kung tingin niya sa akin ay walang kwenta, mananatili na sigurong ganoon ang tingin niya sa akin.

Sobrang bigat. Sakal-sakal ako ng mga salitang binitawan sa akin ni mama. Kailangan ko ng makakausap, hindi ko na kayang i-keep ang lahat nang ito sa sarili ko. K-kailangan ko ng kau-

"Nate?"

Boses ng isang lalaki na nanggaling mula sa aking harapan. Si Geoff lang pala.

"Ay, hello, akala ko nakauwi ka na." bati ko, kitang-kita ko sa mga mata ni Geoff ang pag-aalala. Alam ko, alam kong sa sarili ko sa kaniya lang ako puwedeng mag-open.

"Handa akong makinig ha. Tandaan mo 'yan." bigkas ni Geoff. Bukod sa pagiging kalog nitong si Geoff, may taglay rin itong maging taga-pakinig kung may problema ka o kung kailangan mo ng makikinig sa 'yo.

"Kaya ko pa." I lied.

Hindi ko pa pala kayang magsabi. Ang gulo, hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin.

Ilang araw na ang dumaan, pero ganoon pa rin kalamig ang trato ni mama sa akin.

Habang naglalakad-lakad sa tabing-dalampasigan, sumaktong pa-hapon na, at sa kaswertehan ko, tumamang palubog na ang araw.

Ang ganda, ang sarap pagmasdan. Pinaghalo-halo ito ng kulay pula at kulay kahel. Ang sarap sa mata, kaya naman umupo ako sa isang tabi, at pinagmasdan ito. Habang nagmumuni-muni, may biglaang nag-flash mula sa aking likod na para bang kinuhanan ako ng picture.

Napalingon ako, pero wala naman taong may hawak ng camera. Come to think of it, this is the second time na nakuhanan ako ng litrato without my consent. Am I being stalked?

"Geoff!" sigaw ko mula sa malayo. Nilapitan ko ito, nang makalapit, hinila ko ito sa isang tabi.

"I think... I'm being stalked.." bulong ko, nakapinta sa mukha ni Geoff ang pag-aalala at pagtataka.

"Ha? What do you mean? P-Paanong you're being stalked?" sunod-sunod na pagtatanong ni Geoff.

"Nung una, noong nag-baywalk tayong dalawa, pero hindi ko siya binigyang pansin kasi akala ko wala lang, tapos nangyari ulit siya kahapon, and to make it weird, it also happen nung pinagmamasdan ko 'yung sunset." pagkwento ko.

"Or baka assuming ka lang?" biro ni Geoff. Nakakainis, parang sira naman, eh.

"Eh, kung sakalin kaya kita hanggang mag violet ka riyan?" Ang seryoso kong nags-share tapos gagan'yan ka.

"Joke lang, eh. Pero hindi ba pwedeng 'yung sunset ang kinukuhanan and you just mistook it na ikaw ang kinukuhanan. Tingin mo ba sa 'yo model ng vouge?" aba tarantado.

"Siguro.. pero paa-"

"Shh, shh, shh. Tama na. Oa ka lang." Pagputol ni Geoff sa akin. Akala siguro nito natutuwa pa ako sa kanya. Isa pang biro nito, baka huli niya na 'yon.

"Anyway, it's good to finally see you smile. Again. Ilang araw na rin kitang inoobserbahan." dagdag ni Geoff.

"Hmm." Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko.

"Sorry, I didn't mean to bring it up. It's just.. seeing you happy, makes me happy too." saad ni Geoff. Tila parang nawala nang biglaan ang bigat na nararamdaman ko matapos na marinig ang mga salitang iyon.

Alam na alam talaga ni Geoff kung anong kailangan ko in times like this.

"Ang asim mo, tara na, late na ako." Pagbibiro ko.

Behind You (Rainbow Series #1)Where stories live. Discover now