4

22 7 2
                                    

Uwian na at kinamalasan ko, cleaners nga pala ako. Habang nag-iisod ng upuan, may tumawag sa akin mula sa labas.

"Nate!" boses pa lang alam na kung sino, it's Geoff.

"Hilo, bakit?" tanong ko naman agad.

"Hinahanap ka ni Klayto, may sasabihin ata sa ‘yo." sabi ni Geoff. Ano naman kaya?

"Wait lang kamo, patapos na rin naman ako." sagot ko naman.

"Sige, anyways, una na ako, hindi kinakaya ng mata ko ang pagpapakitang tao mo." biro pa nito. Naglilinis naman ako, sadyang ayaw na ayaw ko lang maglinis ng room. Sino ba namang gaganahang maglinis kapag ang walis e putol na nga ang hawakan, bungal pa.

"Gagaya mo pa ako sa ‘yo. Bye, ingat!" boses kong nag-echo sa buong room.

Nang matapos akong dakutin ang mga winalis ng kaklase ko, pinatay ko naman ang ilaw at hinugot ang mga nakasaksak.

Pag-labas ko ng room, nandoon si Klayto. Nakasagbit ang bag sa isang balikat habang nakasandal sa corridor.

"There you are." banggit naman nito.

"Uy, hello! Hanap mo raw ako, may need ka ba sa ‘kin?" tanong ko naman, siguro out of curiousity na rin.

"Yes, you."

"A-ako?" Bakit ako nauutal? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Tangina?

"Oo, ikaw. Busy ka ba?" is this guy asking me on a date? Ay, ang oa.

"Not really, bakit?"

"Uhm, labas tayo? That is.. if you're ok-"

"Sige." I mean I had no other plan naman, e. So, why not?

"Oh. That was quick. Anyways, let's go?" he asked, I just nod my head.

Hindi ko naman alam na sa kotse niya pala ako isasakay. Akala ko mag c-commute lang kami. This guy is something. Dinala niya ako in some oceanside boardwalk. Hapon na rin, kaya saktong sunset ang naabutan namin.

Ang ganda. It's those type of sunset na halo ng purple to pink siya. Agaran ko namang kinuha ang cellphone ko para kuhanan ito ng litrato. Habang busy ako sa pagkuha ng litrato, tinawag ako ni Klayto.

"Smile!" saad nito, sabay click sa kanyang cellphone. Aba, tarantado.

"Hoy, mukha akong ewan diyan! Hindi pa ready ‘yung tao, eh. Isa pa. Pangitiin mo muna kasi ako." sabi ko kay Klayto bago hampasin ito ng isa sa braso.

"Pinangiti naman kita ah? I said "smile" naman ah." aba’t pinaglaban pa talaga.

"Sige na nga, smile!" he said.

Agad naman akong ngumiti.

“Ang cute mo”

"Patingin!" Lumapit ako sa kanya kaso bigla akong natisod sa isang bato, agad niya naman akong hinila papalapit sa kan'ya, sa sobrang dikit namin, amoy na amoy ko ang perfume niya na sweet scent lang. I see, his not a fan of matatapang na amoy siguro.

Pero he doesn't seem to let go of me, and I have to say.. it’s kinda awkward.

"Ay, sorry. Clumsy lang. Anyway, patingin ako ng pictures." I said in an awkward way.

"Okay lang, nandito naman ako para saluhin ka." UHM?

"H-ha? Hatdog. Ewan ko sa ‘yo!" That caught me off guard. Gan’to ba ‘to sa mga kaibigan niya?!

As I was checking every picture, I heard him say something.

"Palangiti ka ba?" tanong niya. Ako kasi depende sa sitwasyon ko o sa nakakasama ko, kung comfortable ako sa isang tao, you’ll see me smiling every second.

Behind You (Rainbow Series #1)Where stories live. Discover now