7

12 6 0
                                    

Hawak-hawak ang bouquet ng bulaklak, dahan-dahan akong nilingon ni Klayto. Nang magtagpo ang mga mata namin, hindi na maitago ni Klayto ang ngiti niya, sinamahan pa ito ng mga mata niyang kumikinang na parang isang bituin.

"Finally, nandito ka na. Akala ko hindi ka pupunta, eh." bigkas nito habang dahan-dahang lumalapit sa akin.

Para naman akong hotdog na inilagay sa freezer overnight na sa sobrang tigas ay hindi na makakibo. Hindi pa rin mawari ang nangyayari, patuloy naman sa paglapit si Klayto.

The song shifted from "When I Met You" to "Fallen" by Lola Amour.

"What if I told you that I’ve fallen?" Pagkanta ni Klayto. Ang lamig ng boses, ang sarap pakinggan.

"And I like the way you say my name~" sabay sabay na tinig na nanggaling sa bandang tumutugtog.

Dahil sa kanta, hindi ko na namalayang kaharap ko na pala si Klayto. He reached for both of my hands. Habang iniaangat ito, nakatingin siya sa akin.

"I’ve waited for this moment to happen for so long... and finally.. hawak ko na ang mga kamay mo." He said habang dahan-dahang hinihimas ang aking mga kamay.

"Pero bakit mo ba a-"

"Ako muna ang magsasalita, please." Pagputol nito sa akin, itinango ko na lamang ang aking ulo.

"Unang pagkakakita ko pa lamang sa ‘yo noong unang laban ko sa Math Quiz, hindi ka na mawala sa isip ko. Noong una, oo, aaminin ko, nalilito rin ako kung tama ba ‘tong nararamdaman ko. Kaya para makapanigurado, sumali ako nang sumali sa mga contest na sinasalihan mo, thanks kay Khayzie, na lagi akong ina-update sa sasalihan mo.

"Our section’s vice president? Wait, teka, akala ko.."

"And I got my answer when you won the recent quiz bee. I just can’t stop staring at you, minsan kapag dumadaan ka sa room, nawawala ang isip ko sa klase at napupunta sa ‘yo. Ang lakas ng tama mo sa akin, to the point na nawawala ang atensiyon ko at nalilipat sa ‘yo. Hindi ko na namalayan, nahuhulog na pala ako sa ‘yo." Kumikinang ang mga mata nito, nilalaro ang aking mga kamay, sinamahan pa ng harana ng banda sa aming likuran, habang sinasabi ang mga iyon.

"Nate Carozce Manejo, gusto kita."

I finally got my answer, but at what cost?

Hindi pa rin naman ako sigurado sa aking nararamdaman para kay Klayto. Hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga.

"Maghihintay ako. Para sa ‘yo, Nate. Hindi kita pipilitin kung hindi kapa handang sumagot, nasa tabi mo lang naman ako lagi." Saad nito na para bang kaya niyang basahin ang nasa isip ko.

Kinuha ni Klayto ang aking kamay and kissed the back of my hand.

"Handa akong tanggapin ang kahit anong isasagot mo sa akin, no pressure." Mahinhin na pagkakasabi nito habang patuloy sa paglalaro sa kamay ko.

"Salamat, Klayto." Tila parang naubusan ako ng salita at iyon na lamang ang nasabi.

Naghihintay ako sa labas ng school quadrangle habang nagpapasalamat naman si Klayto sa mga tropa at banda na tumulong sa kaniya. Nang matapos itong makipag-usap sa mga ito, bumalik siya sa akin na may ngiting nakapinta sa labi.

"Alam mo.. you made me the happiest person on earth. Ang saya ng araw ko." Bigkas nito, habang dahan-dahang naglalakad palabas ng school.

"Care to explain kung bakit mo ako iniwasan nang ilang araw?" Tanong ko sa kaniya, ngumisi lamang ito.

"Ahh, that? Hihingi na agad ako ng tawad. Gusto ko kasing paghandaan ang pag-amin ko sa ‘yo. I want to show you kung gaano ako kaseryoso sa nararamdaman ko towards you." Pagpapaliwanag ni Klayto. All this time kung ano-ano na iniisip ko, tapos ito lang pala ang rason.

Behind You (Rainbow Series #1)Where stories live. Discover now