9

9 0 0
                                    

"Nate!" Hiyaw na nanggaling mula sa gate ng school. Nilingon ko 'to at nakita ang presensiya ni Klayto na masayang papalapit na ngayon sa akin.

"Hello! Sabay na tayo! Anyway, are you free mamaya?" asked Klayto. Labas ulit, pero okay lang siya naman kasama ko. Huy?!

"Yes, bukas ko pa naman uumpisahan ang review ko for the upcoming quizzes." I replied and then smile. Nakita kong muli ang nagniningning niyang mga mata matapos niyang marinig ang aking sinabi.

"Nice! Wait for me na lang, here sa labas ng gate. I'll get going, see you later, Nate!" Ani nito bago umalis sa aking harapan habang nakapinta pa rin sa mukha ang nakangiti nitong labi at kumikislap na mga mata.

"Class Dismissed, please be reminded of your quiz on Wednesday." Pag-anunsyo nito bago lisanin ang aming section.

That's the last subject before our recess, I need some energy. Nakakadrain mag-aral, bakit kasi ang hirap maging successful na agad? Like, pagkapanganak sa 'yo, isa ka nang multimillionaire na may tatlong company na naghihintay na mailipat sa pangalan mo. Pero siyempre, hindi pa rin mababago ang katotohanan na hindi kahit kailan pa man magiging madali ang gano'n.

Nagtungo ako sa classroom ni Geoff, para may makasama ako papuntang canteen. Nakita ako ni Geoff sa labas ng room nila at kaagad namang nagmadali para kuhanin ang wallet.

Habang nakapila sa canteen, naririnig ko ang usap-usapan ng mga babaeng nakaupo sa gilid.

"Girls! Nakita niyo ba kung gaano kagwapo si Klayto kanina habang nasagot sa recitation?!" Saad ng babae, bago magsitilian. Napukaw ng sinabi ng babae ang aking atensiyon.

"True! Dumaan siya kanina sa upuan ko, and girl! Ang bango niya!" Dagdag naman ng kaibigan nito.

"Ah! Kung tinanggap niya lang 'yong binibigay ko sa kaniyang love letter, baka kami na ngayon. Kaso allergic ata sa magaganda." Baka sa assumera, ate? Nagising ata ang diwa, nang tapikin ako ni Geoff.

"Hoy! kanina ka pang nakatingin sa mga 'yan. Naweweirdohan na sila sa 'yo. Tsaka kanina ka pang inaantay ng tindera, ano raw bibilhin mo!" Sigaw nito sa akin. Agad ko namang inayos ang tindig ko at sinabi sa tindera ang bihilhin, pagkabigay ng binili, ay naghanap kami ng uupuan.

Habang kumakain, "Ano bang meron sa mga babaeng ‘yon? Bakit intrigang intriga ka sa pinag-uusapan nila?" Tanong nito sa akin. Honestly, hindi ko rin alam. Siguro dahil binanggit nung isa ang pangalan nitong si Klayto.

"Ewan, hindi ko rin alam!" Saad ko. "Asus! Narinig mo lang pangalan ni Klayto eh! Akala mo ha!" Pambibiro nito. "Alam mo naman pala, bakit tinanong mo pa?" Pagdadahilan ko.

"Ha? Seryoso? I was just joking.." He said while having that I-got-you face.

Sinusubukan ata ako nito.

Uwian na, hinihintay ko na lang si Klayto. 30 minutes na, pero wala pa siya. Ang inisip ko na lang ay baka may inaasikaso lang kaya natagalan. Hanggang sa nagmula sa 30 minutes, na inabot ng 1 oras. May dumaan na isang babae, namumukhaan ko ito, siya ‘yong babaeng pinag-uusapan si Klayto kanina.

"Hey.. I just have a question po. Nakita mo ba si Klayto sa room n’yo?" Tanong ko rito.

"Ha? Wala ng tao sa room namin, tsaka kanina pa siya umalis. Nagmamadali pa nga eh." Sagot nito sa akin. Nagpasalamat ako sa babae. Nagtaka naman ako, kasi sabi niya maghintay ako dito, tapos siya ‘tong wala. Umalis na ‘ko at nagmessage na lamang kay Klayto na umuna na ‘ko at hindi na makakapaghintay pa.

Tila puno ng kung ano-ano ang isipan ko, kung bakit hindi siya nakapunta, bakit nagmamadali siyang umalis, at huli, bakit hindi manlang siya nagsabi sa ‘kin.

Behind You (Rainbow Series #1)Where stories live. Discover now