Chapter 4

404 10 0
                                    

Hijo, bakit hindi mo pa ituloy ang balak mo sa lupang iyon?" ani Donya Ana sa anak habang magkaharap silang nanananghalian.

"Nagdadalawang-isip na ako, 'Ma," sagot niya sa ina.

"Nagdadalawang-isip? Akala ko ba'y ideal ang lugar na iyon para sa binabalak mo?"

"Saka na lang, 'Ma," ani Ross na nagpunas ng bibig. "Besides, marami pa naman akong dapat asikasuhin dito sa rancho."

"Bahala ka," anang matanda. "But that Enriquez girl, I hope, hindi siya ang dahilan ng pagbabago ng plano mo para sa lupang iyon."

"Well..." Nangiti si Ross sa sinabi ng ina.

"Well what, hijo?" Umarko ang kilay nito.

"Mukhang may naaamoy ako na hindi maganda."

"'Ma, that woman is a tigress," nakangiting sabi ni Ross. "Pakiramdam ko ay gustung-gusto akong kagatin sa tuwing magkakaharap kami."

"Don't tell me, na-challenge ka?" ani Donya Ana na ibinaba ang hawak na kubyertos.

"Sort of."

"Diyan ako natatakot kapag babae ang involved," walang kangiti-ngiting sabi ng matanda. "Alam kong may dahilan kung bakit nagbalik ang babaing iyon dito sa Sto. Niño, at iba akong kumutob."

"Don't worry, 'Ma," ani Ross na nang makainom ay tumayo at tinapik sa balikat ang ina. "Kahit anong bangis niya, mapapaamo ko rin siya."

"Rosauro!" anang mama niya na hindi nagustuhan ang sinabi niya. Ngunit humalik lang siya sa pisngi nito at lumabas na.

"Buo na ang plano ni Lyda. Inihinto niya ang kotse sa lugar kung saan alam niyang madaraanan siya ni Ross Violago. At saka sadyang binutas ang goma sa unahan.

Naka-walking shorts lang siya at simpleng T-shirt na naka-tuck-in sa shorts niya. Nagmukha siyang bata at presko sa ganoong kasuotan.

Hindi siya nagkamali. Ilang sandali pa ay nakita na niyang parating ang Pajero ni Ross. Nagkunwa siyang kinukuha sa compartment ng kotse ang reserbang gulong. Huminto ang sasakyan ng lalaki at bumaba ito.

Gusto yata niyang matulala nang makita ang guwapong lalaki na nakapantalong maong na hapit at T-shirt na nakabakat ang maganda nitong katawan.

What a hunk, naisaloob niya at pinilit na iiwas ang mga mata.

"Well, well, well," anito habang lumalapit sa kanya. "It seems that you need my help."

Nakangiting tinanggal nito ang suot na shades.

"Yes, I need help right now, but not from you!" mataray niyang sagot.

Umangat ang kilay nito. "Paano mo papalitan ang gulong? Marunong ka ba?"

"I can manage," aniya na hirap na ibinaba ang reserbang gulong.

Pilitin mo akong tulungan, dasal niya.

"I am a good samaritan. At kahit tinarayan mo ako kaagad, I'll help you anyway."

Napahinga siya nang malalim. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?" Humalukipkip siya at kunwa'y inirapan ang binata.

Hindi nito pinansin ang pag-irap niya. Ngunit hindi nakatakas sa paningin niya ang pagsulyap nito sa kanyang maputi at makinis na mga hita.

Tumayo siya sa tabi ng ginagawa nito at sumandal sa kotse. Kunwa'y pinapanood niya ang ginagawa ng lalaki. Alam niyang madidistract ito, lalo at halos katabi na nito ang kanyang mga hita.

"Tapos na," anito. Tumayo at pinunasan ang kamay na nadumihan. Inilagay na nito ang gulong na may butas sa compartment ng kotse.

Sa unang pagkakataon ay nginitian niya nang matamis si Ross.

Mahal Kita, Kahit Hindi Dapat - Jennie RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon