"LeveLs of ClassificatiOn in LoVe"

1.3K 19 20
  • Dedicated kay pokie-chan
                                    

Prologue

               Nandito ako ngayon sa National book store, bibili kase ako ng mga bagong novels saka bibili ako ng bagong reference book, sana meron naman ako’ng makita

               Nasa shelf na ako kung saan lahat ng novels written in English nakalagay yung mga libro, arranged ang mga ito sa iba’t-ibang genre ng kwento, ibang shelf para sa horror, romance, fantasy, at comedy iba rin yung shelf...

              Napadaan ako sa isang shelf kung saan puro tagalog ang nakalagay na mga libro at arranged din siya sa iba’t-ibang genre... kaya naisipan ko’ng bumili kase bago lang rin ako dito sa Pilipinas... kararating ko lang kaya kailangan ko na lang magbasa para naman mas maintindihan ko ang Filipino... sa romance may nakita ako’ng kapansin-pansin... aha! ito pala yung published na book ni ate Denny, *O* makabili nga... hmm?.. eeeh ang saya meron din She’s dating the Gangster! saka nabalitaan ko sa mga pages ng wattpad sa fb na meron na din yung Break the Cassanova’s  Heart... mahanap nga

             Naghahanap ako sa libro ng BTCHO kaso bigo naman ako..hindi ko mahanap-hanap yung golden book!  eh sa ganda nun eh!  T^T sayang! hindi pa rin ako sumuko sa paghahanap hanggang sa napatigil na lang ako bigla kase may nabasa akong foul word... love...

             love? ano nga ba ang love? sabi ng nakararami na love is blind, tapos sa kanta, ‘love moves in mysterious ways’ , tapos yung love daw may maraming nasaktan, napaiyak, napatawa, at marami pang iba... mamamatay ba ako dahil sa love tulad ni Athena Dizon? tulad ni Juliet? Sasaya ba ako dahil sa love, tulad ng iba ?

Kase naniniwala ako na may process yan eh... madalas nga sa mga tao ngayon na umiibig ay naakit dahil lang sa panlabas na anyo... physical appearance na ba ang binabasehan ngayon para masabi mo na mahal mo siya? na siya na yung taong makakasama mo habang buhay at bubuo kayo ng pamilya? talaga bang kapag magaganda yung itsura liligawan na? liligawan na nga’t idadaan pa sa text, chat, at ibang panliligaw na hindi pormal... madalas nga kahit hindi nanligaw eh sinasabing sila na daw...

             Naniniwala ka ba na madalas sa mga magkasintahan ngayon ay magkaaway dati? tulad ng mga aso’t pusa, sila yung laging nag-aaway pero tingnan nyo ngayon andaming trending na yung pusa at aso eh nagkamabutihan na at magkatabi pa nga kapag matutulog... yung process na sinasabi ko tungkol sa pag-ibig ay ang the TEN ‘Levels of Classification in Love’

¤LOVE AT FIRST SIGHT ( depends )

¤HATE

¤FRIENEMY

¤FRIENDS

¤LIKE

¤ADMIRE

¤INSPIRED

¤CRUSH

¤IN LOVE

¤DESTINED

ewan ko ba kung bakit nabuo ang Levels of  Cassification in Love sa utak ko...bigla na lang kase ako’ng napaisip... bakit kaya madalas sa mga kwento o pelikula nagkakatuluyan ang mga hindi magkabati dati? bakit kaya si Athena at Kenji nagkatuluyan eh hate na hate ni Athena si Kenji kulang na nga lang patayin na nya si Kenji eh pero sila parin yung nagkatuluyan... si Naomi naman eh ayaw na ayaw kay Stephen dahil sa pagiging babaero nito at Cassanova pa pero sa bandang huli sila parin naman yung nagkatulyan... tapos sa Kaichou wa maid-sama, bakit si Misaki at si Usui yung nagkatuluyan eh diba nga naiinis si Misa-chan kay Usui? edi sana kami na ni Usui ang nagkatuluyan and I dare say na mayroon na sana kaming sampung anak ngayon... dosena pa nga eh…

               Kase ako? nakaka-agaw pansin talaga kase yung mga taong nakakainis para sayo (naiisip ko kasi sila ng madalas)... lalo na kapag lalake.. lalaki na matalino, formal, mabait pa tapos may itsura pa pero hate mo naman talaga kahit kelan at kahit ano pa ang gawin mo talagang panira siya sa araw mo... tapos isang araw napa-isip na lang ako, bakit ayaw ko sa kanya? bakit yung iba nababaliw na sa kanya...kaya nagpaka-spy ako at sinubukang pumasok sa mundo niya... dahil dun na obserbahan ko kung gano siya ka perpekto sa paningin ko hanggang sa nagkamabutihan kami tapos unti-unti ay may nalaman ako na tungkol sa kanya na kahanga-hanga at nagustuhan ko siya, tapos iniidolo ko na siya... hanggang sa siya yung naging inspirasyon ko sa buhay... tapos naging crush ko na siya...kapag nagka-crush kase ako talagang siya lang yung laman ng panaginip ko eh kahit minsan nagiging nightmares pa... hanggang sa naramdaman ko yung tibok ng puso ko na para bang gusto na nyang lumabas at ipagsigawan na inlove ako? tapos malalaman ko lang pala na inlove na rin siya sa akin...na alam niya kung gaano kahirap ma-inlove... hanggang sa naging kami ngunit... talagang may sagabal sa buhay eh...

napatigil na lang ako sa kaiisip kase may nakapansin pala sa akin dito na nakatulala habang hawak ko yung libro na ‘ DEFINE LOVE ‘

“ahm,miss? kukunin mo yan? “- napatingin ako sa kanya...

“hindi, tiningnan ko lang...”

“ talaga? parang kahapon ka pa talaga nakatayo dyan eh, tumutulo na nga yung laway mo”-sabay turo nya sa may labi ko, grabe naman nakakahiya kaya pinahiran ko agad yung parte ng mukha ko na tinuro nya...

“ hahaha,joke lang miss...ikaw naman... sa tingin mo ang isang tulad mo eh basta na lang mag-lalaway sa National Book Store? ang  sosyal mo naman masyado! “-- napahiya ako sa sinabi nya kaya hinagis ko na lang yung libro pabalik sa shelf nito at nagtadyak-tadyak patungo sa counter at kinuha na lang yung isang Euclidean Geometry na libro... nakaka-inis siya ah! talagang panira siya ng araw! gwapo sana, mabango pa tapos ang ganda ng mga ngipin nya nung ngumiti siya!

       maliit lang yung rason ko para magalit pero napahiya talaga ako dun to think na mukha siyang mayaman at ang gwapo nya talaga... ewan ko ba pero nahihiya talaga ako sa mga ganyang lalake... binayaran ko na lang ang lahat ng libro na napili ko... season 1-3 pala ang DNP ...bukas tapos ko na ‘to basahin ^___^

"LeveLs of ClassificatiOn in LoVe"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon