chappie 46

58 1 0
                                    

Xxchapter 46 xX

YANCY’S P.O.V.

Natahimik naman kaming lahat nang umalis na si Deither sabay akyat na namin sa sarili naming mga kwarto

But yow! I can’t tell pero pumunta ako sa guest room. Ewan ko ba, sadyang feel ko lang na may mali sa pangyayari. Once you already know the feeling of being broken, parang lahat-lahat nase-sense mo. Parang lahat-lahat na mga emosyon na aamoy mo. At yan yung nangyayare saken ngayon, feel ko nasaktan ang mommy ni Deither.

Nakikinig lang ako sa usapan ng mommy at daddy ni Deither. Malabo nga eh dahil sound resistant yung every rooms dito. Mas nilapit ko pa yung tenga ko sa pinto. Humahagulgol ng iyak si tita.

“no! hindi ko alam kung mas maiintindihan pa ni Deither yung paliwanag natin!”

“I'm sure na maiintindihan niya... tahan na, sooner malalaman niya naman yung totoo eh”

“hindi niya yun makakaya. Naging masama ako’ng ina”

“pero yun ang alam nating paraan. Please...”

“hindi... nababaliw na ako! Every time na ginaganun ko siya namamatay ako! Pero... wala akong magawa...”

“tahan na... wala na eh... nangyari na... malalaman niya naman eh...”

“sana maniwala siya”

Ha?! Katotohanan?! Ito yung pinaka-ayaw ko sa lahat eh! CURIOSITY KILLS! At to be honest na iintriga ako... why not diretsuin nalang nila kung anu man ang katotohanang yan diba? Tita is a tiger mom. But she’s being abusive.

Pero dapat ko malaman kung ano man ang katotohanan na yun... argh! No... kung may dahilan naman pala sina tita at tito... alam ko mafi-fix nila yun... for sure... sana nga... at ayoko maki-alam. Dapat ko pa’ng ayusin yung case namin ni Lindley...

KECIA’S P.O.V.

MALAPIT NA MAG MONDAY!!! >O<

Magboboracay na kame! Wiiiii~ nyahahaha!

Pero ngayon sasamahan ko muna gabi-gabi si kuya sa racing. Nanalo kase siya at sabi niya dahil at para yun saken.

“hey baby” sabay kiss ni mommy sa lips ko. Ganyan kami mag-greet. Sweet no?

“mornin’ sis”--kuya

“mornin’ siz”-- Brent

Inisnaban ko lang sila.

“well, sabi ng tita Therese mo na gustong-gusto na niyang bumisita ka raw dun, mag iisang buwan lang kase sila ngayon eh”

“sana nga, di naman ako magtatagal eh, maybe 2 weeks lang ako dun mom. Nandun kase si Jonas and his sister. “

“oh, sana makapunta ako kaso busy dear eh... may meet-up sa Canada ang Vargas royal group eh... and yung estate ng Montereal’s... sorry”

“no it’s ok mom... I will be fine... sasamahan naman ako ng-- chaperone diba?”

“do you need your nanay Fe?”

“ *O* ok lang na si nanay Fe chaperone ko?!”

“of course! The oldy the better!”

“hindi pa ako matanda ah!” reak ni nanay. Natawa na lang kami ni mommy, nanay Fe is turning 53... pero malakas at matibay parin :)

Bar--

Nasa underground ulet ako tapos kasama ko si Hades. Nalaman ko kung bakit Jade ang tawag sa kanya. Johades Johans pala ang tunay niyang pangalan. Sosyal! Umeek-ek ang pangalan niya. Pure English daw siya at lumaki sa Pinas. Grabe. Tapos akalain niyong 20 years old na si Hades?! Gosh... kuyang-kuya ko na siya. Pero hindi ko madeny na mabait nga siya. Caring at sweet pa.

Ganun pa rin. Ang daming nagmumurderan ng lips dito at inuman. Nasa gitna pa rin yung big screen. Actually four big screens pala siya tapos yung dalawang screens, naka-focus yung camera sa race track. Yung ibang dalawang screen naman sa bar naka-focus ang camera. Nagtaka nga ako kung bakit may camera sa bar eh kaya tinanong ko si Hades.

“hoi, bat may spy or whatever camera na nakabantay sa bar?”

“hindi kase alam ng parents ni Clint na ginawa niyang race track ang underground eh. Well, this underground is for their own use kase isang car enthusiast ang father ni Clint as well as his mother. Napag-isipan na gumawa ng track sa underground together with the cooperation of the Vargas’ Royalty...”

“ahh, so this is illegal?” sabay turo ko pa sa daan ng race

“nope... pero hindi nga lang alam ng parents niya, which is not a good idea...”

“ok...”

Maya-maya magsisimula na sana yung race kaso biglang nag off ang lights. Wala kaming nakikita. Ang dilim pati smokes ng cigarettes eh wala rin. Lahat-lahat tahimik. Tapos pansin ko sa iisang direksyon lang kami nakatingin. Sa four big screens. Naka focus ito sa upper part ng bar.

“yan ang father ni Clint” at nandun nga yung tatay ni Clint. “bumibisita kase ang parents niya to check Clint’s business at pati ang underground. Minsan hindi na bumababa dito ang father niya dahil sa hika. Hope not” ang hina nga lang ng boses niya kaya ganun na rin ginagawa ko

“bat naman kayo natatakot malaman ni Mr. Jones?”

“kase pag malaman na ginawang ganito ng anak niya di doom! Wala na... kumikita rin ng malaki si Clint dito and lahat na narito mga barkada niya... nangyari na ring place na namin ‘to” tumango na lang ako... mahirap na maki-echos...

Nagngingitian lang naman si Clint at yung daddy nya. Bigla pang dumating si Kryzza. Woah! Halos lahat ng mga lalake dito napa-woah. Ang hot ni Kryzza, speaking of the bitch. Siya yun eh! ^O^ plan rin ata pampa distract at lumabas naman sila. Biglang umilaw at bumalik lahat sa dati.

“sabi ni Clint eh bababa daw sana ang daddy niya, kaso sinadyang sirain yung elevator at tinawagan ang girlfriend niya” balita samin. Ahh.. wise... grabe! Lahat sila dito takot sa tatay ni Clint?! Buti walang nagplanong pumatay -______-

“nalaman ko na close pala kayo ni Deither” at kumunot yung noo ni Hades

“eh? Dati yun -_____-“

“sus... kinausap nga ako nun eh...”

“talaga?! ano daw sabi niya?! Ako ba yung napag-usapan niyo-- ah... pasensya... di ako dapat nag tanong”

“no it’s ok... and yes, tungkol nga sa’yo... pero ayoko sabihin kung ano ang specific na napag-usapan namin. “

“ok lang...”

“well, bago niya ba yan?” sabay turo niya kaya sinundan ko naman yun. Si Deither. Iba na naman ang kalampungan at mag-re-race rin pala siya. >O< sarap sabunutan ng babaeng kasama niya. Infairness uma-upgrade ang mga tilapiang nilalapa niya ah! Pumapanget! Bwiset!!!! Fudge fudge fudge fudge!!

“chill... pumupula mukha mo! Ang cute” sabay pisil niya pa sa pisngi ko >____<  DjFaBsGpJhTeYr cute?!

DEITHER’S P.O.V.

Argh. I hate it! Bakit ba sila lumalapit saken

“tell me! Ba’t niyo ko laging nilalapitan?”

“simply because you’re hot... ang sarap mo kagatin lalo na’t alam namin na, you’re INNOCENT”

“tsh!... fine! Basta sasakay ka lang habang nagre-race ako ah! Wag mo ko’ng subuin! Baka ikamatay ko pa”

“ang sama mo talaga... ang sweet mo naman...” nandidiri na talaga ako sa tone ng mga whores =_____=

“oh c’mon... basta sasakay ka lang ba... ok lang...” mag re-race kase ako ngayon eh...

pero ayaw mawala ng paningin ko kina Kecia...ang dali naman niyang palitan ang isang Deyder Lee sa isang Joheyds Johans na yan! Nakakabanas. Tapos bukas, Sunday na... may race ako. First class kaya dapat ako yung mananalo, ipapalamon ko kay Johades ang mga alikabok! Saksak niya pa sa baga niya. Ewan ko ba, akin lang kase si Kecia. Tapos ang dami namang pwedeng umaligid sa kanya. Sino namang hindi?! ignorante ng mapuputing kutis ang mga tao dito eh! Argh! =____= tapos pwede naman silang humanap ng iba diba?! Bat si Kecia pa na pagmamay-ari ko na?! fufufufufufufufufufufufu ang laking TOFU!

&quot;LeveLs of ClassificatiOn in LoVe&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon