chappie 4

225 8 0
                                    

DEITHER LEE AT THE SIDE

---

Xxchapter 4 xX

SCHOOL….

“ hi Kecia, I’m Dharla Lau, alam mo kalat na kalat na sa lahat ang nangyari sayo... oh, poor Kecia “- pagtataray nya then  she cocked an eyebrow

=______=

Parang kabute to ah! Sulpot lang ng biglaan sa harap ko! Baket? hinihingi ko ba pangalan nya?

“Dharla?! at sino ka naman sa tingin mo?!” – pagsusungit ko rin sa kanya   “ basang sisiw?! Im sorry but I don’t know what you’re talking about”- at tinaraytarayan ko rin siya! Ano kala nyo? Papatalo ako?

“oh…ganun,hindi pala KECIA NHICOLE SANTOS  ang nasa video na pinagbabato ng itlog! Hhmm… I doubt kung sino to!”

Aba! Graveh siya ah, kung makapagsalita, sobra pa sa bruhitang monster na antagonist... ang gulo talaga ng mga tao ngayon... pa-FC na nga at may gana pang magtaray...!

Matapos nya kong artehan eh tumalikod na siya kasama ang mala Chanel nyang bag at branded nyang stilettos na obvious naman na mas mahal parin ang mga collections ko kahit hindi ko sinusuot dito! Pero video??? ano nga ba yung tungkol sa video? video ko habang kumakanta? video ko habang natutulog at naglalaway? o ang imposible which is---sex video?!

“hooiii!!” - >O<

habang papalayo na siya sa akin at lumakad na eh tinawag ko siya pero hindi siya lumingon agad sa akin. humarap siya sa ibang direksyon at nagpapanggap na hindi siya ang tinawag ko, tapos lumingon nanaman siya sa ibang direksyon as if na hindi nya ako nakikita... aba!... ang bruhang ito!!

“who?!... me??”-nagtataka nyang tanong at tinuro pa nya sarili nya! Aba! Nagmama-angan

“ yes miss! Why? Is there anybody else im up to?!”

nilapitan ko siya sabay pag-attempt na kunin yung hawak nyang phone... nandun yung video ko at dapat ko’ng malaman ang laman ng video na yun... pero kahit pilit ko pang kunin eh nilalayo nya naman sa akin...

“ a-akin na nga yan!!!!! Video ko yan diba?”

“yep! But, is this yours??”

sabay lapet ng Samsung galaxy daw nyang phone sa mukha ko.. .

“akin na nga sabe eh!”- attempt parin ako nang attempt pero parang tanga lang no? eh kalat na pala video ko RAW!

Umuusok na ilong ko! pramis! pero hanggang ngayon nagtataka parin ako kung anong video?! argh! >O<

tumakbo ako patungong cafeteria, dun may nakita akong nagkukumpulan na mga studyante habang natatawa

“ excuse me” -- sabay tulak ko sa isang student na nakaharang sa daan tapos eh pumunta ako dun sa mga grupo ng mga studyante at kinuha ang phone ng isang student dun... tapos hinalubhob ko yung videos and there!pinanood ko video ko at halos maluha-luha na ako! yun’ pala yung araw na birthday ko at pinagbabato ako ng mga itlog...   +___+

Alangan namang isa-isa kong ipa-delete at kausapin ang mga taong meron ng video ko? Hindi kase uso tanga kahit kanina pa ko natatanga dito! San pa ba pupunta ang ‘sang tulad ko? Edi sa source…

………………

Nilibot ko na ang buong campus.. wala parin siya… isa na lang ang alam ko’ng lugar na siguradong nandun nga siya! Basketball court… sa gymnasium lang naman…

Habang naglalakad ako, nakatingin na silang lahat sakin dahil pulang-pula nako sa galet!!

-----------------------

&quot;LeveLs of ClassificatiOn in LoVe&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon