Chapter 8

81 8 0
                                    


"Nasaan na kayo,Seb?Nagsisimula na yung game."
Ida almost shouted on the other line.

Malakas ang hiyawan sa kabilang linya, halos mga tili ng mga kababaihan.

I rolled my eyes.

"Otw na kami. Malapit na ako sa bahay nila Idris." I calmly said.

"—naknam. Hoy Atlas, bakit mo sa kalaban pinapasa ang bola? Bobo amputa." sigaw niya.

Agad kong inilayo ang phone sa tenga. Kakarindi talaga ang bunganga ng babaeng 'to.

"Si Seb ba 'yan?" boses iyon ni Luciana. "Seb, bilisan nyo at wala sa mood maglaro yung isa. Ang gago,sa kalaban binibigay ang bola—"

Naputol iyon. Si Atlas ba? Ano nanamang problema ng lalaking yun? Sa team niya ako pumusta kaya kailangan galingan niya. Sayang ang 5k.

"H-hello,Hello Seb? Sige,basta bilisan nyo,ang bobo maglaro ni Atlas ngayon. Bye,ingat!" she ended the call.

I shaked my head. I woke up late earlier, ang usapan namin ay Ten-thirty pero nagising ako ng Ten-forty. At ang mga yun,hindi manlang ako hinintay,good thing that Idris is late too. Ang ending, sabay nalang daw kaming pumunta dahil hindi ko alam ang place kung saan gaganapin yung football game ni Lowe at Atlas.

I didn't know that he knows to play football. I just know it last time noong nag yaya silang tumambay sa manggahan ng hacienda. May nag pusta daw kay Lowe at ang ang loko 'pumayag agad.

I parked the car Infront of Idris house. He's already infront of their wooden green gate. Humihikab pa at mukhang puyat na puyat.

I rolled down the car window and open the door. He immediately smiled when he already inside.

I smiled back.

"Buti at late ka 'din, hindi ko pa naman alam kung saan ang place!" nag simula na akong magmaneho, medyo binilisan ko pa dahil paulit ulit sa utak ko yung sinabi ni Luciana sa tawag.

"Akala ko nga hindi ako makakasama eh!" he was yawning and rubbing his eyes.

Puyat na puyat ah! Sino kaya ang pumuyat sa isang to?

"Your eyes are pluffy. Sino ang pumuyat sa'yo?" I asked when I can't take my curiosity anymore.

He only side-eyed me. Sumandal sa upuan at pumikit.

"Just...someone. Idlip lang ako,Seb."

Hinayaan ko na siya dahil naawa na talaga ako sa mga mata niya. Someone,huh? Is that man finally got his balls already?

When we finished at the garden last time, I cursed Ares thru vm's. The asshole called me asking why am I cursing him nonstop. I have no choice but to tell him about Idris. He's totally a fuckup asshole,halatang iniiwasan si Idris dahil kapag ako ang tumatawag o nagtetext, nagrereply naman.

Based on what am I seeing right now, marupok itong katabi ko. Napailing ako. Kahit crush ko palang si Atlas, hinding hindi ako magiging marupok dahil sa lalaking yun. Siya ang dapat maging marupok sa aming dalawa. Ako na 'to eh.

Gumalaw siya at umayos ng upo. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Hindi mo pala alam ang daan"  we both laughed.

Hindi kami hinarang ng guard nang makarating kami sa school nila Atlas. Nagpasalamat muna kami bago nagpark ng kotse. We hurriedly get out. I open the backseat door and get the bottle of Gatorade and a clean white towel.

The school is huge. Tatlong building na may tig tatlong palapag. May nga pine trees sa paligid at matatanaw sa malayo ang malaking canteen nila. Sa gitna ay nandoon ang soccer field, maraming tao at nakakabingi ang sigawan.

El Verlejo #1: Sweetest Symphony Where stories live. Discover now