Chapter 1

172 14 4
                                    


Bumaba agad ako matapos maligo para hanapin si Ares. I wore a white shirt and simple short. I let my hair messy dahil mas gusto ko ang ganoon. Pagdating sa sala ay walang tao kaya dumeritso ako sa kitchen. Naabutan ko si Manang Lila na nag aayos ng plato sa lamesa. Napakamot ako sa batok dahil hindi pa ako sigurado sa nabanggit kong pangalan.


Tumingin siya sa akin noong naramdaman niya ang presensya ko. She smiled and i do the same, medyo nahihiya pa. Manang Lila is her in age at 50's.



"Mabuti at gising kana Seb,iho.Umupo kana dito at mag umagahan!" she guided me to sit down. "Ang laki laki mo na talaga.Yung huling dala sayo ni Selena at Francisco eh maliit kapa!" nilagyan niya ng fried rice at hotdogs ang plato ko.



"Ga-ganun po ba,Manang?" I chucked. Umupo sya sa katabi kong upuan at habang tumatango.



"Oo,nalungkot talaga ako nung mabalitaan ko ang nangyari kay Francisco. Kahit noong inaalagaan ko pa yan ay talagang matigas ang ulo at malihim, gusto ay sinasarili ang problema!" she sadly said.



Bakas sa mukha nya ang lungkot dahil mukhang naalala niya yung panahong binata pa si Daddy.



Natigil ako sa pagsubo nang maalala ko ang kalagayan niya sa hospital. I hope he's getting better there, I'll make visit him and mom once I have time.



"Nasaan po pala si Ares, Manang!?" iniba ko ang usapan.



"Ah,ang batang yun ay andoon na sa Rancho. May nanganak kasing kabayo kaninang madaling araw!" tumayo siya at sinalinan ng tubig ang baso ko. I thanked to her.



Naalala ko ang dapat na itatanong ko kay Are. I looked at Manang and hesitate to asked her but still do.



"Sino po pala yung nagsisibak kanina sa tapat ng kwarto ko?" sinamaan ko ng tingin ang baso dahil tuwing naaalala ko ang kayabangan ng lalaki kanina ay talagang umiinit ang ulo ko.



Kumunot ang noo niya. "Si Atlas ba kamo, iho?".



Atlas?So, Atlas pala ang pangalan niya. Umismid ako nang maalala ang kanyang ngisi. At ano namang pake ko kung Atlas ang pangalan niya. Akala mo ang ganda pakinggan? Hindi no! Hindi dahil hambog siya.



"Hindi mo ba siya natatandaan?" nagtatakang tumingin sa akin." Si Atlas ang kalaro mo noon dito tuwing pumupunta kayo, sobrang malapit kayo sa isa't isa."



"Po?Kalaro ko noon si Atlas!?" gulat na gulat ako.



Yung lalaking yun, close ko noon? Imposible. Gusto kong tumawa pero seryoso ang mukha ni Manang kaya hindi ko nalang itinuloy.



Why would I need to be close to that man? I can't imagine. Kung totoo man ang sinasabi ni Manang eh tama talaga na hindi na ako sumama kila Mommy tuwing pupunta sila dito.



"Oo,matanda lang siya ng tatlong taon sa'yo. Sayang talaga at hindi kana bumalik dito. Alam mo bang araw araw yung nakaabang diyan sa gate noon at hinihintay kang bumalik!" Manang said.



Tatlong taon ang tanda niya sa akin? Kung ganun 22 years old na siya. Tsaka bakit niya ako hinihintay araw araw eh hindi naman yata ako nangako na babalik ako. Tsk!



Hindi ko alam pero parang may sumipa sa dibdib ko tuwing naiisip ko na araw araw siyang nakaabang sa gate noon.



I decided to go where Ares are when Manang composed that she have something to do at the kitchen. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Maraming puno ng Mangga at makikita sa malayo ang kulungan ng mga kabayo.



El Verlejo #1: Sweetest Symphony Where stories live. Discover now