Chapter 9

86 7 2
                                    


"Minor injury lang ito. Wag ilakad nang ilakad para hindi lumala. It's better if may aalalay sa lahat nang gagawin nya. Walang nabaling buto kaya madaling gagaling, magbibigay ako ng pain reliever at pam pa lessen ng pula." sabi ng nurse.

I nodded at her. "Thankyou po!"

Iniwan niya kami at binigyan ng time para mag pahinga si Atlas.Kaming dalawa nalang ang naiwan dahil umalis na din ang apat kanina dahil narinig na magpapatuloy pa din ang laro kahit may commotion na nangyari.

We became silent. Hindi siya umiimik kanina pa mula nang dumating kami dito. He was laying on the bed,his eyes closed. Nakapatong sa mata niya ang braso. May benda na ang binti kaya dahan dahan ang kilos sa takot na masagi.

"Are you hungry?" I asked, I know he is not sleeping because his adams apple keep moving.

Hindi siya umimik. Huminga ako ng malalim. I prepared the food. Umupo sa gilid niya at sinilip siya sa mukha.

"Atlas...." I whispered.

He sighed. Tinanggal ang takip sa mata at tumingin sa akin. I bit my lower lip when I realized why he's acting like this.

Nag iwas ako ng tingin.

"Ba't mo ginawa 'yun?" his voice was rough.

"Do what?" pretended that I didn't know what he said.

"Bakit mo sinapak si Gaza?"

Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang styro foam na may lamang kanin at ulam bago siya sinubuan. Akala ko ay tatanggihan niya pero binuka  lang ang bibig habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Ikaw?Kumain kana?" he suddenly asked. I wiped the side of his lips before nodded my head.

Natapos siyang kumain habang tahimik kami. I reached the tumbler and let him drunk.

Niligpit ko ang mga ginamit at nilagay sa side table.

"Sebastian." he seriously called.

I sighed and looked at him. "That asshole deserve it..."

Matigas siyang umiling. Talagang hindi gusto ang ginawa ko kanina. Ginanti ko lang naman siya sa gagong yun ah, bakit sa akin siya nagagalit ngayon?

"Hindi mo na dapat gina–" pinutol ko ang sinasabi niya at sinamaan siya ng tingin.

"What?You think I let what happened passed? He deserve it,Atlas. Buti nga isang sapak lang ang binigay ko sa kanya eh!" galit na galit talaga ako.

"Pasalamat nga siya at minor injury lang 'yan. Pa'no kapag may nabaling buto!?"

Sumandal ako sa upuan at pinag krus ang braso habang nakaiwas sa kanya ng tingin. Ayaw kong salubungin iyon at makita ang itsura niyang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

Sige,magalit ka lang. Kahit anong galit mo,hinding hindi ko pa rin pag sisisihan yung ginawa ko.

"That's not what I me–" pinutol ko ulit siya.

"Then what?Bakit sa akin ka nagagalit eh iginanti lang kita sa kanya." I gritted my teeth in annoyance.

He sighed. Umayos ng upo sa kama at inabot ang braso ko. Nanghina ako dahil doon kaya walang nagawa kundi hayaan siya sa gusto. Nasa gilid pa din ang tingin ko.

I felt his rough hand on my arms, bumaba iyon hanggang sa maabot niya ang kamay ko. I shifted my eyes on him when I felt his thumb caressing my wounds. May kaunting sugat iyon dahil sa sapak ko kay Gaza. Hindi ko manlang naramdaman kanina kung hindi pa haplusin ni Atlas ngayon.

His eyes are softly staring at my hands. Dinadama ko ang dahan dahang haplos ng hinlalaki niya doon. Ang sarap sa pakiramdam!.

"Yeah! He fucking deserve your punch. But...he don't deserve your touch on his face,boss. Hindi bagay na dumampi ang malambot mong kamay sa magaspang niyang mukha!" he whispered.

El Verlejo #1: Sweetest Symphony Where stories live. Discover now