Prologue

383 19 10
                                    


Dinama ko ang malamig na hangin na humahaplos sa aking balat.  I was staring at the sunset in front of me. Huminga ako ng malalim at humithit sa yosi na hawak ko.

"Can you please stop smoking!?" ani ng boses sa likod ko.

I looked at him at sinimangutan sya. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang umupo sya sa tabi ko.

"Hanggang kelan kaba dito?" tanong nya at inabutan ako ng beer. Kinuha ko iyon at tinapakan ang sigarilyo.

"Why do I feel like you don't want me here!? Kararating ko palang" i smirked at tinungga ang beer.

Sinamaan nya ako ng tingin at tumungga din sa kanyang beer. Alam kong curious lang sya kaya sya nagtatanong at gusto ko lang syang asarin. Pikon pa naman ito.

"Buti alam mo" asar nya pabalik pero sumeryoso din agad. "What's your plan now? We can't tell kung kailan magiging maayos ang lagay ni Tito!" dagdag nya.

Napabuntong hininga ako. Dad is in the hospital,critical because of heart attack. We didn't know about his condition until he passed out in the middle of meeting. He was the only one who knows about it and he didn't tell us.

" I have no choice! Mom was getting old too and she's taking care of Dad. Halos hindi na nga umuuwi ng bahay at gusto daw niyang andoon siya pag gising ni Dad!" I said and sipped to my beer.

" Don't worry, I'll help help you here!" he tapped my shoulder. " At huwag kang mag alala sa naiwang trabaho ni Tito sa Manila, Dad will surely take care of it!"

Isa din yun sa ipinapasalamat ko. I let Tito managed the company for a meantime because I need to focus here in El Verlejo, which is the Hacienda.

Pagdating sa bahay ay agad akong dumeritso sa kwarto para maligo. Hindi na kaya ang lagkit dahil hindi pa ako nakakapag palit ng damit simula nang dumating ako dito kanina. Ares also go to his room after saying he's sleepy.

Kunot noo akong lumabas ng banyo matapos mag shower. Nakatapis ng tuwalya ang ibang bahagi habang pinupunasan ng extrang towel ang buhok.
Umupo ako sa kama. I sighed while thinking what first I am going to do tomorrow. Siguro ay kailangan ko munang libutin ang Hacienda. It's been a while na din noong huli akong dinala nila Mommy dito, I guess twelve years old palang ako? I'm not sure.

After that, hindi na ulit iyon nangyari dahil everytime na gusto nila akong isama ay tumatanggi ako. Ofcourse, probinsya ito at alam kong nakaka boring.

Tumaas ang kilay ko nang maisip ko ang sitwasyon ni Ares. Hindi ba naboboring ang isang yun dito!?Kung ako kasi yun ay baka nabaliw na ako. Well, same situation na din kami ngayon, but the thing is sa Hacienda ako mag popokus.

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas. Tinabunan ko ng unan ang aking mukha pero walang epekto, rinig na rinig ko pa din. Tangina naman!

Inis akong bumangon para silipin sa veranda kung ano ang nangyayari. Nakalimutan ko pa yatang isara kagabi, sa sobrang pagod ay nakatulog na. There, I saw a man. Nagsisibak ng kahoy at walang pang itaas. Humakbang pa ako palapit para makita ko pa ito nang malapitan. Nakatalikod ito sa akin habang abala pa din sa pagsisibak. For fuck sake, alas sais palang yata ng umaga.

"Hey,can you please find another spot at doon ka magsibak!?" agaw ko sa atensyon niya. Humihikab hikab pa dahil kulang talaga ako sa tulog.

Natigilan naman ito sa akmang pag hampas ng palakol sa kahoy. Mukhang nagulat ko pa yata. Gulat itong lumingon sa akin habang nakaawang ang bibig.

I raised my brow to him.Pinasadahan ko sya ng tingin. Pawisan sya at basa na ang buhok, other strands of his hair thouches to his thick eyebrows. His eyes was strong, yung tipong pag tititigan mo ay ikaw ang kusang unang bibitaw. His skin was not dark, yung tama lang. Kahit medyo malayo ay mahahalata mong gwapo siya. Naka khaki short at pawisan ang katawan. Medyo tumagal ang titig ko sa kanyang abs pero umiwas din kaagad at tumikhin bago ibalik ang mata sa kanyang mukha.

"Pasensya na, hindi ko alam na may tulog pa ng ganitong oras dito!" his rough voice filled to my ear. Ngumuso siya halatang nagpipigil ng ngisi.

Nag aasar ba ito? Akala niya yata ay nagbibiro ako. Iritado ko siyang tiningnan. Nawala na ang antok ko dahil sa lalaking ito.

"What do you mean?" tanong ko.

"Lahat kasi sila dito sa bahay ay gising na. Maaga talaga ang gising dahil madaming pang trabaho kaya- " sabi nya na agad kong pinutol dahil iba ang dating sa akin noon.

"Are you saying na dapat ganoon din ako?" iritado kong tanong.

Lumaki ang mata niya dahil sa tanong ko. Kumunot din ang noo kalaunan at nagtaka.

"Ha?hindi ah" tanggi niya. " Pwede ka naman bumalik sa kama mo at matulog ulit!" dagdag niya pa.

Lalong lumalim ang kunot sa noo ko, kulang nalang ay mag dugtong. Sinamaan ko siya ng tingin dahil halata kong nang aasar lang siya. Anong akala nya sakin pikon? Akala niya lang yun.

" Sa tingin mo ba makakatulog pa ako kung pana'y ang pokpok mo diyan sa baba?" sarkastikong saad ko.

"Kelangan na ito eh! Alangan unahin pa kita, walang panggatong si Manang sa kusina!" walang pake niyang sabi.


Wala bang gasul at kailangan pa ng kahoy?Tatanungin ko nga si Ares mamaya.Ha! pero nung punta ko kahapon sa kusina ay gasul ang gamit at wala akong nakita doon na lutuan na ang kailangan ay kahoy. Pinagloloko ba ako ng lalaking to?

" Tsaka probinsya to hindi Maynila, kailangan maaga kang gumising!" dagdag pa nya. Nakakainis talaga. Unang araw palang dito uminit na agad ang dugo ko at walang ibang dahilan kundi ang lalaking hambog na ito.


"Why do you care? Sino ka ba ha?" asik ko sa kanya. Pikon na pikon na. I swear kahit anino niya isusumpa ko.

Ngumisi siya sa akin, nanunudyong tingin. Nagtaka naman ako dahil sa itsura niyang parang aso sa paningin ko. Anong nginingisi  ngisi niya diyan?


"Curious ka na sakin niyan?" nakangisi pa din. Pag sinapak ko ito, ewan ko nalang.

Inirapan ko siya. "Wag ka ngang assuming diyan. Ang kapal ng mukha mo". Tinitigan ko siya sa mata at bumaba ang mata sa kanyang mapupulang labi. "At tsaka, hindi kita type!" I added.

I've seen the hint of amusement to his face. Kinagat niya ang labi at ngumisi habang titig na titig sa mata ko. Nilabanan ko ang titig niya. Anong akala niya magpapatalo ako! Utot niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Na conscious ako sa ginawa niya kaya sinamaan ko ng tingin at handa nang tumalikod.

"We'll see,Señorito!" he chuckled.

El Verlejo #1: Sweetest Symphony Where stories live. Discover now