Chapter 7

44 2 4
                                    


Jhoanna's POV

"Bakit mo ginawa 'yon!" Sigaw sa'kin ni North.

Hinila nila ako palabas ng cafeteria at dito kami napunta sa may empty classroom. Pinaupo ako ni North sa may upuan nang makadating kami dito. Hinawakan ko naman ang pisngi ko na sinampal ni Stacey, sigurado akong namumula na ito dahil sa lakas ng pag sampal niya sa'kin, pero wala akong pakialam, ni hindi ko nga maramdaman yung sakit. Napahiya ko siya sa harap ng maraming estudyante at alam kong galit na galit na siya sa'kin ngayon.

"For god's sake Jho, hindi ka nag-iisip!" Sigaw ulit ni North.

"Anong hindi nag-iisip? Hahayaan ko nalang bang ganunin lang niya ako?" Sigaw ko pabalik sakanya. "Porket ba mayaman siya pwede na niyang gawin 'yon sa'kin o sa iba pang students dito?"

Sobrang init ng ulo ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan pabalik si North. Ikaw ba naman buhusan ng melted chocolate tapos yung uniform pinahiram lang sayo. Nakita ko naman yung dalawang kaibigan kong nakatayo lamang at tinitignan kaming dalawa ni North.

"Hindi mo alam kung anong kayang gawin sayo ni Stacey." North seriously said.

"Wala akong pakialam kung anong kayang gawin niya sa'kin! Wala naman akong kasalanang ginawa sakanya ah? hanggang kaya ko siyang patulan, papatulan ko siya." Tumulo naman yung mga luha ko. Nakita ko naman ang pag lambot ng expression ni North.

"I-I'm sorry, I was just worried sa kung ano mang gawin sayo ni Stacey." He apologized. Lumapit naman sa'kin si Maloi at niyakap ako.

"Ano ba, wag mo akong yakapin, madudumihan ka." Ngumiti ako sakanya habang pinunasan ang mga luha ko.

"Grabe, sobrang satisfying sa part na binuhusan mo siya ng chocolate drink ko!" Pumalakpak si Sheena.

"Tangina naman Sheena, seryoso naman oh, umiiyak na nga si Jho." Inirapan naman ni Maloi si Sheena.

"Pero Maloi, hindi ka naman sineryoso." Sheena playfully smiled at nag peace sign pa siya.

"Kanina pa ako naiinis sayo, halika nga dito!" At naghabulan na nga ang dalawa na parang mga bata. I giggled as I watched the two of them.

"Ang layo niyo sa mga taong nakilala ko na dito. Napaka masayahin niyo at ang sarap niyong kasama." North smiled.

"Yung ibang friends mo ba? Hindi ba sila kagaya namin?" I asked him.

"May kaibigan ako dati, sobrang masayahin niya, she's actually my favourite friend but she died." Tinignan niya ako sa mata at malungkot na ngumiti. "I have to go now, may class pa ako." Tumango naman ako at nginitian siya. Itatanong ko pa sana kung bakit namatay yung kaibigan niya pero hindi ko nalang tinuloy.

Tumalikod na siya sa'kin at akmang lalakad na paalis pero tumigil siya at lumingon sa'kin. "Please, be careful of your actions towards Stacey, I don't want you to get hurt."

_______________


"Jhoanna, anak!" Sigaw ng mama ko sa baba.

Kanina pa ako dito sa kwarto ko, wala ako sa mood para bumaba at kumain. Sobrang nakakainis ng araw na 'to, gusto kong manampal ngayon. Ang daming nangyari sakin kanina, sigurado akong ako na pinag-uusapan ng mga estudyante. Tangina kasi ng Stacey na 'yon, kasalanan niya to lahat.

Fall For You Where stories live. Discover now