"Jho, halika nga dito!" Tawag ni Maloi sa 'kin nang makapasok kami sa bahay. Lumapit naman agad ako kay Maloi at inilagay ang bulaklak sa sofa namin.
"Bakit?" Pagtatakang tanong ko sakanya dahil napakaseryoso ng mukha niya.
"Upo ka muna." Seryosong sabi niya at agad naman akong umupo sa tabi niya. "Ikaw ha, bakit may hug na naganap?" Tumawa siya at agad ko naman siyang sinapak sa balikat niya.
"Aray!" Sigaw niya at nag drama pa talaga, kala mo naman talaga malakas yung pagkakasapak ko sakanya.
"Tita oh si Jho, sinapak ako sa balikat!" Sumbong niya kay mama pero tinawanan lang siya. Pati din si Sheena at ate Aiah ay natawa din.
Si papa naman at si Harvey ay masayang nag-uusap habang nag p-prepare sa lamesa. Si Harvey ang naglagay ng mga plato at si papa naman ay sa mga spoons. Ang bait ni Harvey, even though mayabang siya minsan ay may tinatago naman siyang kabaitan at napaka respectful niya when it comes to my parents.
"Uy, inaadmire niya yung future husband niya." Asar ni Maloi sa'kin. "Akala ko ba mag-aasawa tayo ng owner sa isang airline?" Dagdag pa niya na ikinatawa ni Sheena at ate Aiah.
"Tumigil ka nga!" Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya at nagsumbong ulit kay mama.
"Wag mo naman awayin ang batang 'yan, kawawa naman maglalakad pa 'yan mamaya pag-uwi niya." Tumawa naman kaming lahat sa sinabi ni mama, pati din si papa at Harvey ay natawa din.
"Tama ka tita, maglalakad talaga 'yan mamaya pag-uwi niya." Tumawa naman ulit si ate Aiah.
"Tama, walang maghahatid kay Maloi mamaya, napaka ingay niya, kanina pa yan siya maingay sa sasakyan ni ate Aiah." Sabi ni Sheena at nagtawanan ulit kami.
"Ang sama niyo sa 'kin!" Nagtatampo na si Maloi, she's pouting like a cute little kid.
"Ang cute naman ng baby na 'yan, nagtatampo na." Pinisil ko yung pisngi niya at pabiro naman niya itong sinampal. I giggled at the sight of her pouting. Maloi's older than us, older lang naman siya ng isang buwan. She's the mature one pero at the same time, siya ang baby namin.
"Tama na 'yan, kakain na tayo!" Mahinang sigaw ni mama habang nilalagay ang panghuling ulam na niluto niya sa lamesa.
"Tara, gutom na ako!" Masayang sabi ni Sheena at hinila naman niya si ate Aiah papuntang lamesa. Mukhang close na talaga sila sa isa't isa, para na silang magkapatid ngayon.
"Tara na loi, wag kanang mag tampo dyan." Tinapik ko naman siya sa balikat niya dahil kanina pa siya naka cross arms at naka pout. First year college na siya pero parang bata pa rin siya kung mag tampo.
"Ayoko, nagtatampo ako sainyo!" Inirapan naman niya ako. Aba, ang kapal naman. Siya nga 'tong nauna siya pang may ganang umirap.
"Sige ka, kung hindi ka kakain maglalakad ka talaga pauwi." Biro ko sakanya. "Sasabihan ko si ate Aiah na hindi ka ihahatid."
"Ay joke, ano kaba, joke lang naman." Tumakbo siya papuntang lamesa at umupo doon. Ako naman ay naiwan dito sa sofa, kita mo na nga 'tong babaeng 'to.
"Jho, let's eat" Harvey softly said at agad din akong pumuntang lamesa at umupo sa tabi niya. No choice ako kasi yun lang ang available na upuan, sinadya talaga nila para tabi kami ni Harvey.
Napansin ko din ang malolokong ngiti nila, pati na ang parents ko. Paano ba 'yan, eh wala akong feelings kay Harvey. Atsaka ex niya ang nag-iisang Stacey Aubrey Gonzales, baka mapatay na talaga ako ng babaeng yun kapag naging jowa ko 'tong si Harvey.
"Sige na, kumain na tayo." Masayang sabi ni mama at kumuha na ng pagkain. Sila naman ay kumuha na din ng mga pagkain na niluto ni mama.
"Here." Ngiti ni Harvey sa'kin habang nilalagyan ng ulam ang plato ko. "Ang sarap mag luto ng mama mo."
YOU ARE READING
Fall For You
FanfictionJhoanna Elise Dizon decided to study in crestwood university, which is her dream school since she was just an elementary student. She thought her student life there will be easy, not until she met Stacey Aubrey Gonzales.