Chapter 3

9 0 0
                                    

Chapter 3

Black

"Are you for real?"

"No, for fake," tatawa-tawa niyang sagot sa akin. Hindi ko talaga makakausap ng maayos itong lalaki na ito.

"Look, you really need to delete that," mahinahon kong pagkukumbinsi sa kanya.

"Okay, how 'bout this, I'm really curious why're you so eager to delete that?"

Nagpantig naman ang tenga ko at naikuyom ang kamao ko, "You posted that without my fucking consent!!"

Napataas naman yung dalawang kamay niya sa ere, "Fine fine, ayaw ko naman magkaroon ng issue at baka madamay pa yung Tiktok account ko."

May inabot siya sa bulsa ng cargo pants niya tsaka inabot niya ito sa akin, "Here, delete it," sabi niya at inilahad yung cellphone niya. Tinignan ko muna siya ng maigi bago nilipat yung mata ko sa cellphone niya at sa mukha niya ulit.

Inosente lang niya ako tinignan kaya inabot ko naman ito ngunit nung nahawakan ko na ay marahas niya itong hinablot palayo sa akin.

"What the f---"

"Hep hep, easy on the swear words! Pag 'di ka tumigil kakamura mo, hahalikan kita d'yan."

Natigilan ako sa sinabi niya, "Cringe mong animal ka!!"

Tinignan ko siya ng may pandidiri sa mukha ko. Napatawa naman siya sa nagging reaksyon ko, "Didn't expect na hindi tatalab sa iyo iyon. James said na effective siya sa girls."

Hindi ako umimik kaya naman muli niyang inayos ang kanyang sarili at tumikhim, "I have a condition, you see may problem din ako and I need you to help me. Pag tinulungan mo ako, idedelete ko na itong vid mo ngayon na," nakangiti niyang sabi sa akin.

"Pakialam ko sa problema mo," pabalang na sagot ko sabay irap sa kanya.

"Madali lang ako kausap, see you around," sabi niya sabay kindat sa akin at inabot ang doorknob na nasa likod ko.

"Arggh, nakakainis ka. Fine!!"

He smirked at me before giving me his phone again. Kinuha ko agad ito sa kamay niya at medyo lumayo para handa na ko itakbo yung phone niya kapag sakaling hablutin niya ito ulit.

Aliw na aliw siyang pinagmamasdan akong itago ko yung phone niya sa kanya. Mabilis ko naman binuksan yung Tiktok app niya tsaka pinindot yung video ko. Shit, bakit ang daming views? Halos 700k na yung views! Dali-dali kong dinilete yung video kasi baka dumagdag pa yung views.

Binalik ko naman sa kanya yung phone niya na tinanggap naman niya tsaka binulsa, "All right, see you around, my dear Aria."

Ayan ang huli niyang sinabi bago naunang lumabas ng room. Ha! Akala mo makikita moa ko? Hindi na ako magpapakita sa iyo kahit kailan!



NAKANGITI akong umuwi at kinuha yung susi sa bag ko. Halos pasado alas-siete na nang makauwi ako dahil na din naipit ako sa traffic. Bubuksan ko na sana yung pinto ko ng maramdaman ko ang iilang pares ng mga mata ang nakamasid sa akin mula sa malayo. Dali-dali akong lumingon sa likod ko ngunit wala namang tao. May iilang sasakyan na napadaan pero wala naman akong nakitang nakatingin sa akin.

Mabilis kong binuksan ang pinto ko at nilock ko ito agad. Shit, did they find me? Hinawi ko yung kurtina ng bintana ko sabay sumilip kung may mga tao sa labas ngunit wala talaga.

Isinarado ko yung kurtina at hinagis yung bag ko sa kama ko bago magtungo sa mini kitchen ko. Inabot ko agad yung kutsilyo na nakalagay sa lababo at hinawakan ito ng mahigpit. Sakto nito ay pag-alingaw-ngaw sa tahimik kong apartment ang malakas na katok sa pintuan ko. Hindi ako lumapit sa pinto at hindi nagtangkang gumawa ng kahit na anong ingay.

Isang minuto itong katok ng katok hanggang sa tumahimik muli. Hindi pa ako nakakahinga ng maayos nang tumunog ng malakas ang phone ko na nasa bag ko. Damn it. Napakagat ako ng madiin sa labi ko at kinuha yung phone ko sa bag ko.

'Unknown'

Hindi registered yung phone number ng taong tumatawag sa akin. Nakatitig lang ako dito hanggang sa mamatay yung tawag. Muling tumunog ulit ang phone ko sa ikalawang pagkakataon. Dahan-dahan kong sinagot yung tawag at hindi nagsalita. Pati paghinga ko ay wala na ding tunog. Hindi ako sumagot at hinintay na magsalita ang kabilang tawag.

Narinig ko sa kabilang linya ang paghahabol ng hininga ng taong iyon. Maya-maya pa ay nagsalita ito, "Open the door, Aria," a man said, his voice cutting through the silence with unwavering authority.

Hindi ako nagsalita at natulala pilit iniisip kung sino yung nagsalita dahil pamilyar ito, "Aria, it's me, Keide. Open the door."

Magtatanong pa sana ako kung paano niya nalaman yung tinutuluyan ko ngunit binaba na agad niya yung tawag. Kakasabi ko lang kanina na hindi na ako magpapakita sa kanya. Tangina, paano niya ako natunton dito? Diniretso ba naman ako sa bahay ko.

What if hindi siya si Keide? What if doppelganger niya yan? There's no way na pupunta si Keide sa bahay ko kasi 'di ko naman sinabi sa kanya kung saan ako nakatira? Napahilamos naman ako kaya lumapit ako sa pinto na bitbit ko pa din yung kutsilyo na hawak ko para pangtaga ko kung sakaling hindi nga siya iyon.

Dahan-dahan kong ipinihit ang doorknob ng pinto ko at halos mapatili ako ng madatnan ko ang papabagsak na katawan ni Keide sa harapan ko.

He is wearing a fitted black leather jacket, with its subtle sheen, hugged his frame, accentuating his broad shoulders and toned physique. The jacket's zippers and hardware gleamed faintly under the light, adding a touch of edginess to the outfit.

Beneath the jacket, he wore a black, turtle neck shirt that contrasted sharply with the leather, its fabric soft and slightly glossy. His black jeans, slim and tailored, completed the look, the dark hue blending seamlessly with the rest of his attire.

Sinalo ko si Keide gamit ang dalawang kamay ko. Naramdaman ko ang kakaibang lagkit na kumalat sa balat ko. Iniangat ko ang kanan kong kamay habang nakayakap sa kanya. Halos manginig ako ng makita kong dugo ito.

Dahan-dahan akong nag angat ng tingin ng mapansin kong may anino na humarang sa akin. Una kong napansin ang tattoo niyang spades sa pisngi. I felt my body tremble at the sight of that tattoo, its dark ink a haunting reminder of where did I came from.

"Aria... look at me."

Nakatulala pa din ako sa tattoo na nakikita ko ngunit natauhan ako ng tawagin ulit ni Keide ang pangalan ko, "Aria," nanghihina niyang pagtawag sa akin. Sinalubong ko ang mga mata niya.

His eyes were a deep, mesmerizing crimson, glowing with an intensity that was both captivating and unsettling. When he looked at me, those eyes bore into my soul, stirring a mixture of fear and fascination. The intensity of their color was like a flame, unrelenting energy that was impossible to ignore. His eyes are familiar, and I don't know why.



"Huy, Aria!"

Nagising ako sa malakas na pagsipa sa paa ko kaya agad kong naimulat ang mata ko. Napagtanto kong nakatulog pala ako sa lamesa ng Mcdo. Napahilamos nalang ako dahil sa panaginip ko. Ilang araw ko ng napapanaginipan si Keide at simula ng usapan namin na iyon ay hindi ko na muli nakita ang kanyang anino o sadyang magaling lang ako magtago.

Hindi ko naman akalain na masyado akong nabothered sa pula niyang mata na alam ko namang namalik-mata lang ako.

"Ayos ka lang, Aria? Bangag ka pa ba?", tanong sa akin ni Ryll habang may subo-subo siyang fries.

"Oh, eto. Si Keide para naman bumalik ka sa sarili mo," natatawang sabi ni Kim at inabot sa akin yung phone niya.

Taas-kilay ko siyang tinignan pero tinanggap ko din yung phone niya. Nakita ko sa screen si Keide na naka-live at hindi ko alam kung saan yung lugar na nasa likod niya. Mukhang sa bar ito dahil ang daming babae ang umaaligid sa kanya at may maraming nagkikislapang ilaw. Natigil ako dahil yung suot niyang damit ay katulad sa napanaginipan ko ngayon lang. Masama kutob ko.

Tinignan ko naman si Kim at hinarap sa kanya yung phone niya, "Saan 'to?"



Nag-ngisian naman silang lahat, "Sunrise Bar."

Aria's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon