Chapter 5

4 0 0
                                    

Chapter 5

Home Address


Narinig ko ang malakas na tilian at sigawan ng mga tao sa labas ng comfort room kasunod ng ilang pagputok ng baril. Naalala ko naman sila Ryll na naiwan ko sa labas.

Bumakas sa aking mukha ang pag-aalala at sa 'di malamang kadahilanan ay naigalaw ko na ang mga paa ko. Mabilis akong sumilip kung anong nangyayari sa labas.

Nakita ko ang iilang mga taong nakahandusay sa lapag at duguan. May butas sa gitna ng noo nila na mukhang pinasukan ng bala. Marami naman ang nagsisitakbuhan kung saan-saan habang iniiwasan ang mga taong nakaitim. May mga iilan na 'di na makagalaw sa takot at yung iba naman ay patuloy sa pag-iyak. Ang gulo. Ang ingay.

Napatakip ako sa dalawang tenga ko at mariin na pumikit. Ramdam ko ang dahan-dahang pagdaan ng sakit sa aking ulo na parang unti-unti itong binibiyak sa dalawa. Pilit kong inaalis ang mga tunog ng matinding pagtangis ng mga tao.

Nagmamakaawa na 'wag silang patayin. Nagmamakaawa na iligtas sila ng kanilang diyos. Ayoko... ayoko na maalala.

Naramdaman ko ang isang kamay na pilit tinatanggal yung kanang kamay ko na nakatakip sa isang tenga ko. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ito at bumulong siya sa akin.

"Don't listen to them," he whispered, his voice barely audible above the din of the chaotic bar. I suddenly opened my eyes and turned my head to met his, wide with confusion and a flicker of fear. His crimson eyes glistened when the harsh, neon lights of the bar reflected off their surface.

NAPADILAT ako at bumungad sa akin ang pamilyar na kisame. Sinapo ko ang ulo ko na patuloy sa pagkirot habang iginagala yung paningin ko sa paligid. Nasa apartment ako at mataas na yung araw sa labas. Mukhang tanghali na. Nag-inat inat muna ako bago tumayo sa kama. Panaginip na naman ba iyon?

Nakatulala akong nagtotoothbrush habang nakaharap sa salamin ng banyo ko. Laking pagtataka ko kung bakit wala akong maalala na umuwi ako. Napatingin ako sa damit ko na suot ko ngayon. Nakapantulog ako na 'di ko naman naalala na sinuot ko.

"Aria?!"

Napaigtad naman ako ng may narinig akong sigaw na bumasag sa malalim na pag-iisip ko.

"Aria?! Are you there ba?"

"Omg, what if napahamak nga talaga siya?"

"Manahimik ka d'yan, Nine."

Lumabas naman ako ng banyo at nagtungo sa pintuan ko para buksan ito. Sumalubong naman sa akin ang mga mukha nilang nag-aalala na kalaunan ay napalitan ng ngiti nang makita nila ako. Dali-daling yumakap sa akin si Ryll, samatalang inukutan naman ako ni Kate para tignan yung katawan ko. Hinawakan naman ni Nine yung kamay ko at sinipat sipat ito.

"Ano meron?", nagtataka kong tanong sa kanila.

"Okay ka lang? May masakit sa iyo?"

Umiling naman ako bilang pagsagot sa tanong ni Kim. Lahat naman sila ay napabuntong hininga at iginaya nila ako papasok ng apartment ko. Nilock naman ni Kate yung pinto habang yung iba naman ay nagsitalunan sa kama ko.

Inabot ni Kim yung remote ng TV ko at binuksan ito. Sumunod naman ako sa kanila at tumabi dahil interesado din ako sa kinukulikot ni Kim sa TV ko. Nilipat niya yung channel sa balita.

Aria's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon