Chapter 1

11 0 0
                                    

Chapter 1

Content Creators

"Okay, class dismissed."

Nag-inat ako bago tumayo dahil hindi pa nagdidismiss yung prof ko, naligpit ko na yung gamit ko. What the hell siya, overtime na siya. Bakit ba kasi may 4 hours akong subject tapos Chemistry pa. Bakit ba kasi 'di nalang nila ako sinaksak.

"Nginang yan, sakit na ng pwet ko tapos overtime pa siya. Sagad na nga ako sa 4 hours na Chemistry tapos tinodohan pa niya lalo," reklamo ni Kim na nasa gilid ko na suot-suot na din yung bag.

"Hayaan mo na yun. Ganoon talaga pag panot," natatawang sagot ni Nine habang nakaupo sa upuan pa din niya at nakatingin sa salamin na baon niya. Nakalabas din yung iilang make up niya na nilapitan naman nina Ryll at Kate para makisawsaw.

"Sana sinaksak nalang nila ako kaysa paupuin ako ng 4 hours," dagdag ko habang nakatulala sa malayo.

Sabay naman lahat silang nilingon ako dahil sa sinabi ko.

"Oa!!" Sabay nilang sagot sa akin kaya napatawa naman kaming lahat.

"Tara, gala tayo," yaya ni Ryll sa amin.

"Pass," sabay na sagot nina Nine at Kate.

"May shift ako," sabi ko at nagtinginan naman kami kay Kim para hintayin yung sagot niya.

"'Di ako pwede, may date ako."

Napanguso naman si Ryll dahil walang gustong sumama sa kanya kaya napatawa naman ako, "O'sige na, aalis na ako. Bye," paalam ko sa kanila bago lumabas ng room namin.

Habang naglalakad sa hallway ay laking pagtataka ko nang makitang iilan lang na estudyante ang mga nakikita ko at halos walang tao na agad yung hallway. Tinignan ko naman ang suot kong relo para tignan kung anong oras na. Nakita ko namang 5:16 pa lang. kadalasan sa ganitong oras ay maraming estudyante sa hallway dahil labasan ito.

Nang bumaba ako sa grounds ay nakita ko na maraming estudyante ang nagkukumpulan sa gitna. Karamihan dito ay mga babae na panay hagikgik at tili ngunit 'di ko makita kung sino yung dinadagsa nila. Sakto namang napatingin ako sa gilid ko at nakita ko yung kakilala ko sa 1st year nursing na babae.

Kumaway siya sa akin at nakangiting linapitan ako, "Hello, Aria."

Nginitian ko din siya, "Hello din, ano mayroon dito?"

Tumingin muna siya sa kumpulan ng estudyante sa 'di kalayuan sa kinatatayuan namin. "Ah, ayan? Pinagkakaguluhan lang nila si Kei."

Naguguluhan ko naman siyang tinignan, "Kei who?"

Napatawa naman siya sa tinanong ko, "Wow, 'di mo pa pala siya kilala. Si Keide Shin, yung sikat na content creator sa Tiktok tapos ubod ng pogi."

Para naman akong nabilaukan nung sinabi niyang ubod ng pogi. Hindi lang pala talaga ako yung nag-iisang oa sa mundo. Mas oa pa 'to sa oa. Hilaw na napatawa ako sa sinabi niya at nagpaalam agad. Akala ko naman kung sinong artista, wala naman pala, jusko.

Nagpara lang ako ng tricycle at nagpahatid sa convenience store na pinagtatrabahuhan ko. Agad ko namang binati yung manager ko na nasa counter. Ngumiti naman siya tsaka tumango kaya naman dumiretso na ako sa isa pang pinto para naman mailapag ko na yung gamit ko.

NAPAHIKAB naman ako habang nag-aayos ng mga sigarilyo na nakadisplay. Pasado ala-una na at kakaunti nalang ng mga customer na bumibili. Nag-inat-inat muna ako bago humarap sa counter ulit para tignan kung may tao ba. Natigil ako ng may narinig akong nahulog na gamit sa dulo kung saan banda yung beverages.

Aria's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon