Chapter 2

8 0 0
                                    

Chapter 2

Amuse me


"Keide!"

Mabilis nakuha ni Keide ang papuntang bola sa kanyang direksyon matapos siyang tawagin ng kanyang teammate sa soccerball.

Naghiyawan naman ang mga babaeng nanonood sa kanan ko pati na din ang mga lalaking nanonood ay hindi maiwasang mapatayo nang makita nilang sinisipa n ani Keide ang bola papunta sa goal.

"Go, Kei!!"

"We love you, Keide!"

"Iyo na 'tong panty ko, Kei. 'Di ko na 'to need, kyaaaa!!!"

Nagtalunan naman silang lahat ng masipa ni Keide ang bola papasok sa goal. Nakipag-apir pa sa kanya yung mga ka-teammates habang siya ay tatawa-tawang bumalik sa bench nila para uminom ng tubig.

May pumunta naman agad na lalaking nagvivideo sa kanya at kunwaring nag-fist bump sila. May mga babae na naglapitan sa kanya para alukan siya ng tubig, Gatorade at juice. Napairap naman ako. Nandito ako sa may damuhan, nagtatago habang naghihintay ng chance na makausap siya ngunit hindi man lang siya nawawalan ng kasama.

"Oh? Aria?"

Nanigas naman ako sa kinalalagyan ko at mabilis na nilingon si Ryll na nasa likod ko na mukhang papuntang canteen. Nagsenyas naman akong 'wag siyang maingay kaya napataas naman kilay niya sa akin, "Hinahanap ka ni Kim kanina pa. Buang talaga 'to."

Saktong pagsabi niya noon ay siyang pag alingawngaw ng boses ni Kim sa 'di kalayuan.

"Ariaaaaaaaaaaa!!!"

Ponyeta talaga, 'di nalang sana ako nagkaroon ng kaibigan. Magkakaroon na nga lang ng kaibigan, sa malakas pa yung bunganga. Gusto kong pakyuhan agad si Kim sa malayo pero naramdaman ko na agad yung maraming pares na mata ang nakatingin sa gawi namin. Mabuti nalang ay nakatalikod ako sa gawi nila Keide kasi nakaharap ako kay Ryll. Hindi pa nakakalapit sa akin si Kim, ay mabilis na akong kumaripas ng takbo sa kabilang way para 'di kami magsalubong ni Kim.

"OHHHHH??? ARIAAAAAA!!!"

Muling tawag sa akin ni Kim. Ahhhh, ponyeta ka talaga Kim! Medyo lumingon ako sa likod ko para tignan kung malayo na ba ako kaso nanlaki lalo yung mata ko nang makita kong tumatakbo din si Kim para habulin ako.

"AHHHHH, GAGO KA. BA'T MO KO HINAHABOL!!!!"

Mas binilisan ko pa yung takbo ko para hindi niya ako maabot. "HOOYY, MAGTA-TIME NA, WALA AKONG ASSIGNMENT!"

Napatigil agad ako dahil sa sinigaw niya. Hingal na hingal siyang naglakad papunta sa akin. Mabilis ko namang hinarang yung dalawang kamay ko sa harapan ko nang makita kong itinaas niya sa ere yung kaliwa niyang kamay.

Inilahad niya yung kamay niya sa akin yung kamay niya, "Akin na. Pakopya ako bago magbago yung isip ko at banatan kita kasi pinatakbo ako. Buang ka, ano pumasok sa kokote mo at tumakbo ka?"

Napanguso naman ako, "Nakakatakot ka kasi."

Pinandilatan naman niya ako ng mga mata, "Ah, talaga ba?", sarkastiko niyang sabi sa akin.

"Nasa room natin yung bag ko, nandoon yung yellow pad ko."

Napabuntong hininga naman siya, "Sige sige."




PAGKATAPOS ng morning class namin ay nag-ayos na ako ng bag samantalang 'di pa din maalis yung tingin sa akin ng iilan kong mga kaklase. Kumaway nalang ako sa kanila at ngumiti para matago ko ang awkwardness na nararamdaman ko.

Aria's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon