Chapter 4

6 0 0
                                    

Chapter 4
Crimson

Halos mahilo ako ng ilapag ni Kim ang panibagong bucket ng beer sa lamesa namin.

"Tangina mo, Kim. Pang-lima na natin 'yan. Balak mo ba kaming lunurin sa alak?", natatawang sabi sa kanya ni Ryll.

"Ayoko na, mayayari ako kay daddy," sabi ni Nine habang nakasubsob yung mukha niya sa lamesa.

"Omg, tinatawagan na ako ni mama," nagpapanik namang sambit ni Kate habang nakatingin sa phone niya.

Napahilamos naman ako sa mukha ko bago tinanaw si Keide sa malayong table mula sa amin. As usual, suot suot niya ang kanyang nakakalokong ngiti habang nakikipag-landian sa mga babaeng nakaupo sa tabi niya. Kasama naman niya yung mga lalaki na kalaro niya noon sa soccer field na nag-iinuman din.

Halos dalawang oras na kaming nandito. Dumiretso agad kami dito sa Sunrise bar, pagkatapos namin sa Mcdo. Tuwang-tuwa naman si Kim kasi mahilig talaga siya sa bar pero hindi namin siya sinasamahan.

"May assignment tayo diba sa NSTP?"

"Oh, shat puno. Itikom mo yang bibig mo," mabilis na sinabi ni Kim nung nagtanong ako patungkol sa assignment namin bukas. Nilapagan niya naman ako ng isang punong baso ng beer.

Itinulak ko ito pabalik sa kanya, at umiling. Pinandilatan naman niya ako ng mata niya kaya kinuha ko nalang pabalik at sumipsip sa baso.

Tumayo si Ryll at hinatak si Kim papunta sa gitna para makipagsayawan sa mga taong lasing na din dahil lumalalim na yung gabi. Hihigop na sana ulit ako sa baso nang hatakin din ako ni Nine at Kate sa gitna. Hindi na ako nakapiglas dahil agad akong nakaramdam ng kaunting hilo nang hatakin nila ako patayo.

Tumalon-talon naman silang lahat at sinisigaw yung lyrics kaya gumaya nalang din ako sa kanila. Masakit sa mata yung mga ilaw, para akong mabubulag. Dumadagdag din lalo sa hilo ko yung makukulit na ilaw. Ramdam ko ang lagkit sa balat ko dahil sa pawis ko at unti-unting paglambot ng aking mga tuhod.

Tumingin ako sa kanan ko nang maramdaman ko ang pares ng mata na nakatingin sa akin. Nagulat ako ng magsalubong ang mga mata namin ni Keide. Nakapangalumbaba ito habang tinitignan ako. Hindi man lang ito nag-iwas ng tingin kahit na nakatingin na ako pabalik sa kanya.

Nakangiti lang ito at hindi niya pinapansin yung mga babaeng kumakausap sa kanya kanina. Tumayo siya bigla at tumalikod para maglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong pumunta siya sa bar counter na kung saan yung bartender.

Muli kong binalik ang pokus ko kila Ryll. Sina Kim at Ryll ay may mga lalaki na silang kasayawan, samantalang si Nine ay nagtwetwerk na sa gitna at pinapalibutan siya ng nga tao. Hinanap naman ng mata ko si Kate at namataan ko siya sa gilid na nakatitig sa cellphone niya. Mukhang chinachat pa niya yung nanay niya.

Bumalik naman ako sa table namin at nanonood nalang ng mga tao. Nahihilo na talaga ako. Muling nagawi ang mata ko sa table nila Keide para tignan kung bumalik na ba si Keide ngunit iba ang nakita ko.

Kitang-kita ng dalawang mata ko ang paglagay ng babae sa alak ni Keide ng puting powder bago ito inabot kay Keide na kasalukuyang nakikipag-usap sa panibagong dating na babae.

Tatayo na sana ako kaso may humarang na lalaki sa harapan ko. Mabilis kong sinulyapan ang mukha nito bago binalik ang tingin kila Keide pero sadya niyang hinarangan sila Keide. Iritado ko siyang tinignan ngunit kinindatan lang niya ako.

"Hi, miss."

"Excuse me," sabi ko sabay hawi sa kanya pero hinuli nito ang kamay ko at hinalikan niya ito. Mabilis na umangat yung isa ko pang kamay at malakas na tinulak siya. Napahakbang naman siya patalikod at nabitawan yung kamay ko.

"Ina mo, lumayo ka sa akin. Asim mo," nangangalaiting sabi sa kanya at sinipa yung tuhod niya ng malakas. Halos bumagsak naman siya dahil sa lakas ng sipa ko. Muntik pa akong mawalan ng balanse din dahil nahahalo sa sistema ko ang alak.

Nandidiri kong pinunas yung kamay ko na hinalikan niya sa damit ko bago magtungo sa lamesa nila Keide pero wala na siya doon. Mabilis kong ginala yung mata ko sa loob ng bar at ang tangi ko lang nakita ay yung babaeng naglagay ng powder sa drinks ni Keide. Naglalakad siya palayo... papunta sa comfort room?

Dali-dali ko siyang sinundan, at may nabunggo pa akong ilang mga tao dahil sa pagmamadali ko na maabutan yung babae. Pagdating ko sa comfort room ay mabilis kong sinilip yung pangbabae ngunit walang tao doon. Agad ko naman tinignan yung sa panglalaki ngunit natigil lang ako dahil sarado yung pinto ng comfort room nila.

Kinatok ko ito at pilit na pinipihit yung doorknob ngunit 'di ito nabuksan. Inilapat ko ang tenga ko sa pinto para pakinggan kung ano mang nangyayari sa loob pero wala akong marinig dahil nag aagaw yung lakas ng tugtog mula sa malaking speaker ng bar.

Shit, masama yung kutob ko. Ah, bakit ko ba siya sinusundan sa una pa lang! Bwisit kasing panaginip yan, puro bangungot yung dala. Nag-alala ako sa taong ito eh puro pasakit lang yung dala nito sa akin.

Kinuha ko yung hairpin ko na nakaipit sa buhok ko at saka ito binent para buksan yung pinto. Napangiti ako ng marinig ko ang pagtunog sa loob ng doorknob na nagpapahiwatig na na-open ko yung lock. Dali-dali kong binuksan yung pinto at halos magimbal ako nung makita ko yung mga nakakalat na dugo sa lapag.

Saan si Keide? Tanging tanong ko sa sarili ko habang ginagala yung mata ko sa buong kwarto ngunit wala akong nakita na anino. Muli kong tinignan yung dugo at napansin ko na papunta ito sa isang cubicle sa pinakadulo.

Kahit umaakyat na ang takot sa akin ay sinundan ko ito para tignan kung ano yung nasa dulo ng cubicle. Tila ba'y nawala ang alak sa aking sistema dahil ramdam ko ang lahat. Sa bawat paghinga ko ay siyang pagtambol ng puso ko.

Napahakbang ako patalikod ng makita kong hindi si Keide yung pinagmulan ng mga nakakalat na dugo, kung hindi ay yung babaeng naglagay ng powder sa alak niya. Mulat na mulat ang mga mata nito at tila ba'y umiiyak ito ng dugo. Duguan ang ulo nito at natawag ng pansin ko ang dalawang tuldok na sugat sa kanyang leeg at sa iba-ibang bahagi ng katawan niya.

Mabilis na nanlamig ang buong pagkatao ko ng maramdaman ko ang kamay na mabilis pumulupot sa bewang ko kasabay ng pagpatay ng mga ilaw. Narinig ko ang pag-amoy niya sa buhok ko at pagtawa niya ng mahina.

"You smell sweeter than that bitch."

Hindi ako nakasagot tila ba'y may nakabara sa lalamunan ko na bato. Ramdam ko din ang pamumuo ng pawis sa noo ko at panlalamig ng balat ko.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang pagbaba ng ulo niya sa leeg ko at pagtama ng malamig niyang ngipin sa balat ko. Hindi... sigurado na akong hindi ngipin iyo kung hindi dalawang pangil ito.

He let go of my waist, creating a distance between us.  Then our eyes met, his red gaze a mix of danger and allure. Fear, fascination, and familiarity intertwined as I was drawn into the depths of his crimson stare.

Sa mga sandaling iyon, sinasabi ng isip ko na tumakbo at magtago ngunit tila ba'y napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. I have doubts already that what I saw back then is not my eyes playing tricks on me. I just refused the possibility that he's a...


"Vampire."


Ngumisi siya sa akin bago binasa ang labi niya pulang-pula.

Aria's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon