02

258 5 0
                                    




CHAPTER 02
hya
⋆˚✿˖°




"Creator of heaven and earth, bakit po ang pogi ni, Ravi? Pambihira, mukha niya palang parang nakakabuntis na. Haaaay..." walang tigil na dumaldal si Zoella kahit tahimik lang kaming dalawa ni Aisha sa tabi niya. "Kahit titigan ko ata s'ya hanggang sa tumanda ako ay hindi ako magsasawa."

I purposely ignored her words, and decided to get drowned by the beauty of nature instead. Dahil nasa grass field naman kami at mahinang naglalakad, I looked up to watch the sky, and I can't help but to smile a little.

She looked so beautiful, definitely beautiful. She remains unbothered by the weight of the world, yet still opens her arms to hold the quiet ache of every brave souls who look up trying to search for peace. She silently whispers to them, that peace is not something we should seek, but rather something we should oath to become.

I want to be like her. Because to me, her beauty is a constant reminder that peace isn't found; it is simply given, in the spaces we learn to inhabit.

"Kahit anong kulay, maliwanag man o madilim. Ang ganda ng langit... Aray ko!"

Napahawak ako sa batok ko at inis na napalingon sa mga kaibigan ko. Walang-hiya, nagda-drama sana ako rito, umi-epal naman sila!

"Sino 'yong nanapak, ha? Sapakan tayo?" maangas kong tanong, may nahid ng inis ang boses.

Tawang-tawa lang si Zoella habang nakatingin sa mukha kong hindi na mahitsura. Samantalang si Aisha ay masyado pa ring busy kaka-cellphone habang umiinom ng grape juice. Halatang-halata tuloy na si Zoella 'yong may gawa. Magugulat pa ba ako? Bukod sa 'kin, siya lang naman talaga ang napakahilig manapak sa aming tatlo.

"Para kang tanga d'yan kakatingin sa langit, beh. May pangiti-ngiti ka pang nalalaman. Muntik mo na tuloy maapakan 'yong tae ni 'Mehehe' kanina." Tinuro niya iyong kambing na mapayapang kumakain ng damo sa likuran namin. "Swerte ka at kusang umilag 'yong tae."

"Tanga, paano naman mangyayari 'yon? May sariling paa ba 'yong tae, ha?" Inis ko paring sabi, kinakamot iyong likuran ng ulo ko na sinapak niya ng mahina kanina.

Mas lalo lang naman s'yang napahalakhak. "Gumulong, beh!" parang bata at excited na sigaw niya. Bahagya pang nanlaki iyong mga mata niya bago naningkit muli dahil sa pagtawa. "Kita mo naman 'yon parang munchkin!" Mas lalo pa talagang lumakas iyong tawa niya matapos sabihin 'yon.

"Kadiri ka, Zoella." Napangiwi nalang ako, pero bahagyang na rin namang natatawa sa kakulitan niya. "Ewan ko na talaga sa 'yo."

Binawi ko iyong tingin ko at napatingala na ulit sa langit. Hay, ang bilis talaga ng araw. Days seemed to slip through my fingers like sand, parang kahapon lang nanunuod pa kami ng sport competition during University Week, the next thing I knew, Christmas was already knocking at my door, and it was immediately followed by welcoming of another year, in which of course, hindi ako ready harapin.

Matapos pa ang medyo mahabang Christmas Break, as usual, pasukan na naman ulit. If you'll look at the calendar, it seemed to be a long holiday. Dagdag pa na kakatapos lang ng sinulog kaya third week of january ang balik ng pasukan. Pero pakiramdam ko ang konti parin, e! Pwede bang mag-request na gawing isang taon iyong christmas break?

Halos hindi ko nga maalala kung anong ginawa ko sa mga araw na 'yon. Kung hindi natutulog at nakikipag-usap sa mga halaman at manok ay nagbabasa lang ako ng libro.

I'm not fond of technologies or more specifically gadgets, kaya kahit may cellphone ako ay hindi ko ito masyadong ginagamit. Iyong social media accounts ko nga ay inaamag. Hindi ko ito masyadong nabibisita, maliban nalang sa messenger account ko sa tuwing may klase kasi roon nag-u-update iyong mga profs, e.

When All Else Fails (Light Bearer Series #1)Where stories live. Discover now