03

63 2 0
                                    

CHAPTER 03
hya
⋆˚✿˖°





When a function is rotated around an axis, it forms a solid of revolution. We use integration to find its volume.

Two Methods:

Disk Method (for rotation around the x- or y-axis)

Shell Method (for rotation around a different line)

Humigpit iyong kapit ko sa papel na hawak. It's full of notes for the upcoming quiz. Assignment lang iyong ginawa namin ngayon pero nag-advance study narin kami habang malayo pa. Ngayon lang ulit ako nakasanay kina Julia at Jacob, ngayon lang din kasi ako nakabalik sa bahay ng mga Belamour.

Sa totoo lang, hindi ko talaga favorite ang calculus, but I can't deny the fact that it teaches us how smallest changes can have the biggest impact. Katulad nalang kung may maisulat tayong isang maling decimal sa test. Napakaliit na mali lang sana pero pwedeng maging dahilan ng pagbagsak mo.

"Theodor Caleb! Why can't you understand? This is very alarming! Julia's professor talked to us already! Pangalawang beses na 'to, Caleb! Iyong una ay 'yong papatapos sila ng grade 11. Tapos ngayon namang first semester nila sa grade 12? This is not good! Paano kung matapos ang semester and our Dearest Julia wouldn't receive any award? She'll be upset! I can't afford to see her sad..."

Napatigil ako sa paghakbang nang makarinig ng seryosong sagutan. Dahan-dahan ko ring naibaba ang hawak kong reviewer. Nandito kasi ako ngayon sa mansion ng mga Belamour dahil nakiusap si Julia na tulungan ko siya sa assignment namin sa basic calculus. Minsan lang ako pumupunta rito. Kung wala namang importanteng dahilan ay hindi na ako bumibisita.

Paalis narin sana ako kasi tapos na kami sa ginawa namin nang mahagip ko bigla ang sagutan ni Lola Thesa, Tito Caleb at Tita Jewel. Kasalukuyan silang nandoon sa loob ng kwarto ni Lola Thesa at bahagya itong nakabukas kaya naririnig ko rito sa labas iyong mga boses nila.

"Right, Julia's grades are dropping low. I'm sure this is all because of that stupid, Hyacinth. She's such a terrible influence to our dearest, Julia." Tita Jewel said angrily. "Wala namang ibang ambag 'yon kundi ang magpakabobo."

"I told you to send her to another school, Caleb, but you did not listen to me! Napakatigas ng iyong ulo! Tingnan mo ang nangyayari ngayon, Julia was influenced badly by that stupid girl!" dagdag pang sabi ni Lola Thesa, halata ang gigil sa kanyang boses. "We did not raise Julia to be stupid just like that useless, Hyacinth. Kaya makinig ka sa 'kin bago pa mahuli ang lahat, Caleb."

"Mom, kung galit kayo 'wag niyo namang ibuntong sa bata. Wala namang ginawang masama si Hyacinth sa inyo, pero kung tratuhin niyo s'ya'y parang may nakakahawa siyang sakit. Pinaalis niyo na nga siya rito sa bahay, pati ba naman iyong pag-aaral niya'y papakialaman niyo?" pagod na sambit ni Tito Caleb. "Hindi niya naman kasalanan kung bakit lumalapit sa kanya si Julia at Jacob, e. My son and daughter likes hanging out with her!"

"No, they were only forced to be friends with her. Paawa kasi masyado 'yang batang 'yan! They don't like her! She's such a terrible influence. So you should send that child to another school, Caleb!" Tita Jewel insisted.

"No, I wo--"

"Caleb, put in mind that you are using the money our family earned for her studies. Dagdag gastusin lang iyang batang 'yan, wala namang pakinabang. She's not even part of this family!" malakas na sigaw ni Lola Thesa.

"Ano bang pinagsasasabi niyo? She is part of our family. She's my sister's daughte-"

"Bunga lamang siya ng pagkakamali, Caleb! So I never ever considered her as one!" Lola Thesa screamed so loud, her voice were firm and full of anger. "And never will I consider her be part of our family. Hindi mo na mababago ang desisyon ko, Caleb."

When All Else Fails (Light Bearer Series #1)Where stories live. Discover now