CHAPTER 07
hya
⋆˚✿˖°
I swear to God, as I plopped down on this jeepney seat, wedging myself in a corner, I was extremely hoping for one of those rare, peaceful rides, where I could just stare out of the window in blessed silence.
Pero syempre, dahil hindi naman ako ganoon kalakas kay Lord, heto at may nakasalamuha na naman akong kampon ng kadiliman.
He flashed me a smile, all teeth and definitely full of confidence like he just scored the seat next to a celebrity he so loved to see. But, of course, I gave him the opposite look, which is an intense, angry glare. I was silently hoping that by looking at my facial expressions, he’d finally get the idea that this wasn’t the jeepney ride I wanted to experience today.
Pero mahina lamang siyang tumawa at sinilip si Manong driver doon sa baba na busy maghanap ng pasahero. Mukha pa siyang kawawang bata habang nakasilip sa labas.
"Manong, bababa nalang po ako. Mukhang ayaw ata nitong isang pasahero mo na nandito ako. Ang sama ng tingin, e. Natatakot ako..." Madrama niyang pagsumbong.
Nagkasalubong talaga agad iyong kilay ko, lalo na noong tinignan ako ni Manong at para pang nagalit. Gago, pahamak naman, oh! Ang mature niya, ah!
"Salamat po at pinaupo niyo ako rito ng ilang segundo. Sa susunod nalang po ako sasakay.."
Akmang bababa na talaga sana siya nang pigilan siya agad noong driver.
"Hindi, hijo, d'yan ka lang. Hindi niya naman pag-aari 'tong sasakyan, e. Wag kang bababa. Siya nalang iyong pababain natin."
What the hell?!
I literally bit my lower lip so hard, holding back an eyeroll. Napaka-gago kasi, dinadamay niya pa talaga si Manong Driver sa mga baduy niyang trip sa buhay. Hayun, sakin tuloy nagalit!
"Ay, hala," agad siyang umiling-iling, bahagyang nataranta. "Wag po, Manong. Binabawi ko na po. Hindi na po ako bababa..."
Hindi na nagsalita si manong. Bahagya lamang siyang lumayo sa bababaan ng jeep at tinitigan ako ng ilang segundo, parang galit padin, bago tuluyang tumalikod. Lihim tuloy akong napamura sa sarili ko at sinamaan ng tingin iyong lalake.
Biwist s'ya! Kung kanina lang gusto ko siyang sabihan na maling jeep itong sinakyan niya, ngayon ay wala na akong pakialam kahit saang lupalop ng mundo siya dalhin nitong sasakyan na 'to.
"Pasensya na, masyadong clingy si manong. Ayaw akong pababain, e." malungkot niyang sabi.
As if!
Hindi ko na talaga napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko bago nag-iwas ng tingin. Itinuon ko nalang ito sa labas kung saan may maraming tao na dumaraan.
"Tara, tara, sakay na! Maluwag-luwag pa, oh."
Kanina pa talaga tawag nang tawag ng pasahero si Manong pero hanggang ngayon ay wala paring sumasakay. Hindi ko na nga alam kung ilang minuto o oras na kaming nakatambay dito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami umuusad.
Kung minamalas nga naman! Huminga nalang ako ng malalim pagkatapos ay sumandal ulit sa gilid ng jeep. Pinagkrus ko iyong braso ko at pipikit na sana kaya lang ay tumunog bigla iyong cellphone ko.
Huh? Sino naman kaya ang nag-text?
Hindi ko ugali ang maglaro-laro ng cellphone sa jeep kasi baka ano pa ang mangyari. Kaya sinilip ko nalang kung saan galing iyong message, hindi tuluyang inilalabas ng bag. Kaya lang, nang makita kong galing pala kay Kenzo ay tuluyan ko na talaga itong inilabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/374036001-288-k484197.jpg)
YOU ARE READING
When All Else Fails (Light Bearer Series #1)
RomansaSoraia Hyacinth experienced saudade after the devastating loss of her first love. She vowed never to let anyone close to her heart again. Throughout the years, she built strong walls around herself, determined to avoid the agony of heartbreak. But...