CHAPTER 09
hya
⋆˚✿˖°The day weighed on me like a storm I couldn't outrun, each second pulling me deeper into something I didn't understand but couldn't escape.
Ang haba ng araw ngayon, iyon bang parang ang hina bigla ng takbo ng oras. Too many things had happened as well and it's draining all my energy.
I could even feel my legs trembling a little, not from tiredness but from the sheer weight of knowing too much. It felt like the universe had decided to pour all its secrets into me at once, and I could feel the weight it carries in every corner of my soul.
Heavy and. . . suffocating.
Worst, my gut is telling me this isn't over yet. That there's still something the world wanted to tell me. Something. . . I'm not really ready to hear. Hindi tuloy ako mapalagay!
Hindi ko na rin natatanaw si Manang. Tuluyan na nga itong nakaalis na puno ng pagkadismaya, panghihinayang at takot ang dibdib. Pero nandito parin ako, hindi makaalis sa pwesto dahil sa bigat nang nararamdaman.
Napahinga ako ng malalim at napatingala sa kalangitan. At kahit hindi ako pala-dasal na tao, ngayon, sa mga oras na ito, ay tahimik at buong puso akong bumulong ng panalangin sa Panginoon.
Lord, pasensya na po kung bihira lang ako makipag-usap sa iyo. Pero alam niyo naman po na naniniwala ako sa iyo, 'di ba? Kahit medyo barumbado akong babae ay naniniwala parin po talaga ako sa iyo. Ngayon po, gusto ko lang sana magkwento, kasi ang bigat po ng pakiramdam ko. At naniniwala po ako na kapag sa iyo ako nagkuwento, gagaan agad iyong pakiramdam ko. Papakinggan niyo naman po ako, 'di ba?
Bahagya muli akong napangiti dahil sa mga bulong ko sa isip. Nanunubig pa iyong mga mata ko habang nakatitig sa langit. Pakiramdam ko kasi ay parang bumuhos lahat ng emosyon ko ngayong nakikipag-usap ako kay Lord.
Iniisip ko po kasi 'yong mga tao na sobrang hirap ang pinagdadaanan sa buhay. Iyong mga taong wala masyadong makain, iyong mga taong walang masisilungan, iyong mga taong kahit ano-ano nalang iyong pinasok... malampasan at mabuhay lang sa bawat araw na lumilipas. Iyong mga taong may halaga pero parang nakalimutan na ng mundo, o 'di kaya'y... trinatong walang halaga.
Alam ko naman po na nakikita mo sila, kasi lagi naman po kayong nandiyan para sa lahat. Pero, Lord, ang bigat lang isipin na habang sobra-sobra iyong natatanggap ng iba, may mga tao naman na halos wala na talagang natitira sa kanila. Ang sakit po sa puso, lalo na kapag naririnig ko mismo mula sa kanilang mga bibig ang paghihirap na kanilang dinaranas.
Kaya, Lord... gusto ko po sanang humingi ng tulong sa 'yo para sa kanila.
Hawakan niyo po ng mahigpit ang kanilang mga kamay lalo na sa mga oras na sobrang bigat na ng hamon ng buhay. Alam ko po na may pagkakataong bumibitaw sila sa inyo at mawalan ng pag-asang manalig dahil sa hirap na pinagdaanan, pero ipakita at iparamdam niyo po sa kanila na hindi pa tapos ang laban... na may liwanag pa sa dulo ng lahat ng ito.
Kung may paraan na magagamit niyo po ako para makatulong sa kanila, please, Lord, gamitin mo ako. Kahit maliit lang, kahit sa napaka-simpleng bagay lang, basta makatulong... magiging masaya na po ako roon. Ayokong dumaan sa buhay nang hindi ko man lang sinubukang gumawa ng mabuti para sa iba. Pasensya na nga lang po kasi nabigo ako sa pagtulong kay Manang ngayon, naging alipin po kasi ako ng emosyon ko, nadala ako sa sariling emosyon. Pero naniniwala naman po kayo sa akin, 'diba? Naniniwala naman po kayo na kaya kong tumulong sa iba?
Pinunasan ko ang isang butil ng luha na tumulo sa mga mata ko. Bihira lang ako nakikipag-usap kay Lord, pero sa tuwing nangyayari 'to, palagi talaga akong napapaiyak. Para akong nalulunod sa libo-libong emosyong hindi ko kayang languyin, pero dahil alam kong hawak ng panginoon ang kamay ko... buong puso akong nananalig na makakaahon ako.
YOU ARE READING
When All Else Fails (Light Bearer Series #1)
RomanceSoraia Hyacinth experienced saudade after the devastating loss of her first love. She vowed never to let anyone close to her heart again. Throughout the years, she built strong walls around herself, determined to avoid the agony of heartbreak. But...