10

55 1 0
                                    

CHAPTER 10
hya
⋆˚✿˖°

Kinusot ko iyong mata ko para masiguradong hindi ako namalikmata. Pero kahit ilang kusot pa ang gawin ko, si 'Truly yours, Natoy, with signature over printed name' talaga iyong nakikita ko, e.

Ano bang ginagawa niya rito? Hindi ba at college na s'ya? O baka napagkamalan ko lang s'yang college kasi college rin iyong kasama niya last time?

"Shit, shit, shit!"

Tarantang nanlaki ang mga mata ko at nagmamadaling tumalikod nang humarap siya bigla rito sa side namin.

Shuta! Nakita niya ba ako?

Maingat kong sinilip kung nasaan siya at nakahinga ako ng maluwag nang mukhang hindi niya naman ata ako napansin.

Basta ba at hindi kami magkasalubong ay magiging safe ako. Hindi naman kami rito kakain, e. Aalis din kami agad ng cafeteria. Kaya malabong magtatagpo ulit ang landas namin at magsagutan. Naku! Masisira na naman ang araw ko kung nagkataon!

"Pero..." Mahina kong napukpok iyong ulo ko dahil sa inis. "Hay! Kung minamalas nga naman, oh! Ayoko na sanang makita pa ulit ang pagmumukha niya, e!"

Hanggang ngayon talaga ay naiinis padin ako sa lalakeng 'yon. Hindi ko parin kasi nakakalimutan ang katarantaduhang pinag-gagagawa niya sa 'kin last week, e!

"Beh, nakita mo ba 'yong ngiting 'yon?" napatakip si Zoe sa bibig niya at napatili. "Sinong hindi mahuhulog doon? Fuck, Ravi is so freakin' handsome talaga! Sa anong position kaya siya ginawa?"

Napatitig talaga ako kay Zoella habang nakangiwi. Nainis ako sa inasta niya dahil halos isigaw niya na sa buong cafeteria ang mga katagang 'yon. Ako iyong nahihiya para sa kanya, e. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong hilahin ng konti ang buhok niya.

"Aray ko naman!" she immediately turned her head to look at me and gave me a glare but I wasn't even scared. Tinaasan ko lang siya ng kilay, tinatarayan.

"Umayos ka nga! Kababaeng tao... mahiya ka naman!" inis kong pangaral sa kanya. "Ano ba kasing nagustuhan mo sa tukmol na 'yan?"

Her mouth hanged open as she stared at me in disbelief. When I just rose a brow at her reaction, she gasped so loud before covering her mouth with her palm.

"Seriously, Hyacinth? Anong itinawag mo sa kanya?" sa tono ng pananalita niya'y parang siya pa iyong nainsulto sa sinabi ko.

"Tukmol," taas noo ko siyang hinarap. "Bakit? May problema ka ba roon?"

Mas lalo pang namilog ang bibig niya at hindi makapaniwalang napalingon kay Aisha. Meanwhile, Aisha was just laughing like crazy dahil sa word na 'tukmol'. Ngayon niya lang daw narinig at nakakatawa raw pakinggan. She even asked me where I got the word.

"Here's your order, Ma'am," nilingon ko na muna iyong tindera nang marinig siyang magsalita.

She smiled at me so I genuinely smiled back at her. I also took our orders from her hands before paying, mukhang nahihirapan kasi siya, e. We had it take out kasi doon nga kami kakain sa students park. Ayoko rito, napakaingay. Isa pa, nandito si Truly yours, Natoy, with signature over printed name! Baka bwisitin na naman ako nito, feeling close pa naman ang gago.

Nang palabas na kami ng cafeteria, pangiti-ngiti na ako. Ang sarap kasi sa pakiramdam, eh. Tuwang-tuwa ako dahil panigurado nasa safe zone na ako kapag nakalabas na ako sa naglalakihang double doors ng cafeteria.

Kaso... napatigil kami sa may pinto dahil bigla nalang kinausap si Aisha ng isang lalakeng matangkad. Nag-angat ako ng tingin at nasamid ako bigla sa iniinom kong tubig nang makitang si 'Truly yours, Natoy, with signature over printed name' pala 'yon!

When All Else Fails (Light Bearer Series #1)Where stories live. Discover now