CHAPTER 11
hya
⋆˚✿˖°"Class, before I let you go... please don't forget about that important event this coming friday. Everyone should attend. I'll ask Althea to write down the names of those students who's going to attend the program." anunsyo ng guro namin sa P.E. na talaga namang sabay-sabay naming tinanguhan sa kadahilanang atat nang umuwi ang lahat. "Iyon lang, makakauwi na kayo.."
I was spacing out the whole ride going home. Dalawang araw na ang nakalipas mula noong narinig ni Ravi ang wish ko kay wishing fountain pero hanggang ngayon ay hindi parin ako mapakali.
Paano nalang kung hindi matupad 'yon? Sabi pa naman nila na kapag may nakakarinig ng wish mo... may malaking possibility na hindi ito matutupad.
"Manong, pahatid po sa bahay." wala sa sarili kong sabi sa unang motorsiklong nakatambay sa bukana ng street, inaantok at iyong mata ko'y papikit na.
Supposedly, sa apartment ako uuwi ngayon. Kaso nakatanggap ako bigla ng text galing kay Tito Caleb na gusto niya akong makausap. Medyo kinakabahan nga ako, e. Biglaan ba naman kasi. At saka, hindi niya pa sinabi ang totoong dahilan. Napapa-overthink tuloy ako ng malala.
"Buong akala ko ay isang beses sa isang buwan ka lamang pumaparito, hija.." rinig kong sabi ni manong bago binuhay ang makina ng kanyang motorsiklo. "Bakit parang napapadalas ka na ata?"
Nagtataka akong napalingon sa driver, parehong manong lang pala iyong nasakyan ko noong nakaraan. Naku! Baka maging suki na ako nito!
"Ah, ano po... may importante lang akong kukunin, naiwan ko po kasi last time, e." pagdadahilan ko nalang.
Marami pang sinasabi si manong na kung ano-ano, kaso hindi ko ito napapakinggan ng maayos kasi inaantok ako. Pangiti-ngiti at patango-tango lang ako, pero hindi ko na talaga alam kung anong tanong o salita iyong tinanguhan ko. Galing pa akong school at masyadong marami iyong ginawa namin kanina kaya napagod ako ng husto ngayon.
"Kumakalat pala iyong usap-usapan na may jowa ka na raw, hija."
"Po?!" doon lamang napukaw ang attensyon ko nang marinig ang huling sinabi ni manong. "Anong usap-usapan po?"
Bahagyang natawa si manong sa reaction ko pero pinanatili lamang ang tingin sa daraanan.
"May nakakita raw sa 'yo noong nakaraan na may kausap kang lalake roon sa bukana ng street. Tapos hinawakan raw nito ang mukha mo sa sensual na paraan. Sabi nila mukhang nag-aaway kayo at sinusuyo ka noong lalake."
Napakunot talaga iyong noo ko at napaisip ng todo kung sino ang tinutukoy nila. Pagod pa naman ako kaya sumakit talaga ng bahagya iyong ulo ko.
Nag-aaway? Sinusuyo? Huh? Wala naman akong maalalang may sinama akong lalake rit—Hala!
Nanlaki talaga ng todo iyong mga mata ko nang may mapagtanto ako. Napahawak pa ako sa ulo ko at napatili ng mahina. Jusko! Baka si Ravi ang nakita nila! Siya lang naman iyong lalakeng huling nakausap ko sa bukana ng street, e!
"Nandito na tayo, hija."
Kinabahan ako ng todo nang tuluyan na kaming makarating sa tapat ng gate. Sobrang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko. Mabilisan na nga akong nagbayad kay manong at patakbong pumasok sa loob. Binati naman ako ni Manong Kulas at ng iba pang mga tauhan pero hindi ko na sila nagawa pang batiin pabalik, tanging kaway lang ang naisusukli ko sa mga pagbati nila dahil patuloy padin ako sa pagtakbo.
"Dahan-dahan lang, Hyacinth, baka madapa ka sa kakatakbo mo." rinig ko pang sabi ni Manong Mikhail pero hindi ko na siya nagawang sagutin.
Nagmamadali lang ako papunta sa bahay at agad na pumasok sa loob. Nakita ko pa nga si Maria na nagpupunas ng lamesa sa may gilid habang nakatulala, mukhang may malalim atang iniisip. Maingat kong sinarado iyong pinto at agad ko siyang nilapitan.
YOU ARE READING
When All Else Fails (Light Bearer Series #1)
RomanceSoraia Hyacinth experienced saudade after the devastating loss of her first love. She vowed never to let anyone close to her heart again. Throughout the years, she built strong walls around herself, determined to avoid the agony of heartbreak. But...