CHAPTER 08
hya
⋆˚✿˖°
Nang tuluyan akong makalayo sa lalakeng iyon, nagmamadali akong pumara ng motorsiklo at agad na sumakay. Gusto ko sanang maglakad nalang para makatipid, pero kung minamalas nga naman, may siraulong nambu-bwisit sa 'kin. Kaya heto, no choice ako kundi ang sumakay nalang.
Gusto ko na kasing makalayo agad doon, e. Natatakot akong baka sundan na naman ako ng gagong 'yon at inisin ng todo!
He's so annoyingly hyper. I couldn't even keep up with his energy --- it was overwhelming and downright irritating. I don’t even know where he gets all that energy from, but every time he speaks or does something, I could literally feel my patience slipping away. He's really the kind of friend I definitely don't want to have.
Bakit ba kasi ganoon siya? Napakagaling niyang mang-inis, e. Akala ko chill lang s'yang tao o 'di kaya'y mabilis mauto... pero mukhang mali ata iyong tingin ko.
Ganito rin kaya siya sa iba? Bakit sa mga kaibigan niya'y parang baliktad naman? O baka sadyang... pareho lang sila mag-isip? Birds of the same feather flock together.
"Hija, hindi ba at sa inyo ang sasakyang iyon?" tanong bigla ni manong driver sabay turo sa sasakyang kakadaan lang.
Napatingin naman ako sa dalawang sasakyang magkasunod na dumaan sa gilid namin. For sure, iyong nauna ay sasakyan ni Eziah Jacob samantala iyong kasunod ay kay Ate Juphie. Si Julia lang naman iyong hindi mahilig mag-drive, e. Nakikisakay lamang siya kay Jacob or napapasundo sa driver niyang si Manong Mikhail... ang all rounder worker sa mansion.
Pero wow lang, ah? Kay aga naman atang umuwi ni Ate Juphie ngayon? Wala bang naka-schedule na gala or party-party with her sosyalin friends? Shopping? I've heard from Jacob na super tagal niyang umuuwi ngayong college na siya kasi palaging nakiki-jamming sa barkada niya. Minsan nga raw lasing pa kung umuwi, buti nalang at hindi naman daw siya nahuhuli nina Tito Caleb.
"Ah, sa mga pinsan ko po 'yon," simpleng sagot ko nalang kay manong.
"Kung hindi mo mamasamain, hija, magtatanong sana ako kung bakit palagi kang nagco-commute ngayong meron naman kayong maraming sasakyan? Marami ring nagtataka kung bakit ganoon. Mansyon naman iyong bahay niyo at mayaman rin kayo. Kaya hindi maintindihan ng karamihan kung bakit sa inyong pamilya ay ikaw lang ang nakikita naming sumasakay ng motorsiklo at jeep."
A forced smile immediately crept into my lips.
Kumakalat na pala rito sa bayan namin ang issue tungkol sa 'kin? Hindi naman ako sikat, sadyang iyong mga taong nakatira sa bayang malapit sa amin ay kilala ang pamilya ko.
Siguro isa sa mga dahilan ay iyong kabaitan ni mama. Wala kasi siyang pinipili noon, mayaman o mahirap, ginagawa niyang kaibigan ang lahat. Tumutulong pa ito sa mga nangangailangan.
At saka, kadalasan nga sa mga tao rito ay hindi ako kilala bilang si Hyacinth. Iyong iba, lalo na mga matatanda ay napagkakamalan akong si Constantine -- ang nanay ko.
I prefer living a lowkey life, so the mere thought that people are now slowly envading my privacy by knowing more details about my private life is making me feel uncomfortable.
I really hate it when people started to know deeper things about me. Because... they aren't supposed to know that. I genuinely did not allow them to know that.
"Uhm..." I laughed awkwardly and hugged my bag tightly. "Wala naman pong mabigat na rason. Ayoko lang po talaga sa sasakyang de aircon. Nasusuka at nahihilo po kasi ako sa mga ganoong sasakyan." sabi ko nalang at nginitian si Manong.
YOU ARE READING
When All Else Fails (Light Bearer Series #1)
RomanceSoraia Hyacinth experienced saudade after the devastating loss of her first love. She vowed never to let anyone close to her heart again. Throughout the years, she built strong walls around herself, determined to avoid the agony of heartbreak. But...