Chapter 24

1K 27 0
                                    

Xeriel's POV

My promise to Theo didn't happen at all. Natigil lang ng isang buwan ang Tita niya ngunit balik ulit sa dati.

Mas lumalala pala talaga kapag pinagbibigyan. To the point that even the tuition fee of Theo's siblings, nagagastos na nila. Alam ko na nagsisinungaling na lang ang mga ito sa akin sa tuwing nanghihiram, tanga na lang ang hindi makapansin pero paano ko pipigilan ang sarili kung nararamdaman ko ang pagmamahal nila tuwing nakakatanggap ng galing sa akin?

I went to Theo's house, wala siya ngayon. Lagi namang sinasadya ng mga Tita na wala siya kapag nanghihiram ng pera.

Habang naglalakad nga lang sa kanto nila'y kita ko ang tingin ng mga nakatambay roon. Kita ang panghuhusga mula roon.

"Naku, kung ako sa 'yo, Wayne, magjowa ka na lang din ng bading. Tignan mo 'yang sina Jane, laging maraming pera. Lagi ring bago ang mga gadget nila." Humalakhak pa ang isang tsismosa habang kausap ang anak.

"Ayaw ko sa bakla, Ma! Saan ko naman ipapasok? Sa pwet?"

Nagtawanan pa sila roon. Kumuyom lang ang kamao ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

Ibang-iba ang trato nila sa akin kumpara noong hindi nila alam na kami ni Theo. Ibang-iba kapag alam nilang hindi ka nila kapareho. They will treat you like you are a disease. Tila may nakakahawang sakit.

"Bakit hindi mo subukan? Si Theo nga nagustuhan. Tignan mo ipinagmamalaki pa ni Jane ang mga alahas niya dahil panandaliang may sugar Daddy si Theo."

Napuno ng tawanan ang daan. Dire-diretso lang ako sa paglalakad, hindi pinagtuonan ng pansin ang insulto sa bawat salita ng mga ito. Sanay naman na ako pero nakakababa pala talaga ng pagkatao.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nina Tita Jane nanghihintay siya sa akin. Ngumiti siya at pinapasok pa ako sa loob.

"Halika, Xeriel. Anong gusto mo? May juice dito," aniya. Kapansin-pansin ang mga bagong gamit sa loob pero nagagawa pa rin niyang umutang. Madalas ay hindi na nababalik.

"Thank you po. Tubig na lang, Tita Jane. Nandiyan ba ang mga bata sa bahay?" tanong ko sa kaniya.

"Nasa eskwela pa, Xeriel. Nakakahiya man pero pupuwede ko bang hiramin na ang hinihiram ko?"

"Para saan po ba, Tita?"

Mahabang paliwanagan ang nangyari.

"Pasensiya na. Ang dalas din kasing magkasakit ni Jay ngayon, eh. Hindi naman ako manghihiram kung kaya pa."

"Ito lang po ang mayroon ako. Pasensiya na," sambit ko na ibinigay ang ilang libong allowance ko.

"Nako, ayos lang. Sa susunod na lang ulit." Ngumiti ako roon.

Kinwentuhan niya rin ako nang tungkol sa mga bata at nagpameryenda rin. I like hearing stories about the kids kaya nagtagal pa panandalian but Tita Jane also look at the time after a while.

"Magtatagal ka ba? Hindi naman sa pinapaalis na kita pero alam mo namang hindi alam ni Theo na pupunta ka rito, 'di ba?"

Ngumiti na lang ako bago tumango.

"Uuwi na rin po ako, Tita."

Alam ko naman pero hindi ko alam kung bakit para akong tinataboy. Tumayo na ako at nagpaalam na rin.

I shouldn't think about these things. Maayos naman ang trato nina Tita sa akin. Hindi naman siguro ako tinataboy. Ayaw lang sigurong malaman ni Theo na nanghihiram sila sa akin.

Palabas na ako ng eskinita, nang makita ko ang mga tambay sa kabilang kanto. Nag-iinuman at napatingin pa sa akin habang naghihintay ako ng masasakyan. Nasa bungad lang sila ng kanilang kanto.

Unwavering Solace (At Odds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon