Epilogue (Part 1)

1.3K 34 0
                                    

Theodore's POV

"Dalian mo na! Sino ba 'yan?"

Dahan-dahan kong pinunasan ang kamay na may grasa. Salubong ang kilay niya before his jaw clench. Tinignan niya pa si Kuya Uno na nakaupo sa tapat ng sasakyan.

Aba, sino din ba siya?

"Sandali lang sabi!" reklamo ni Kuya Uno habang namomroblema sa gulong ng kotse niya.

The guy expresses his annoyance with a sound.

Mukhang ito ang kinukwento ni Kuya Uno na rebelde niyang kapatid. Pikunin at pasaway raw. Namomroblema nga siya kung paano raw ito pagtanda.

Matangkad ang lalaki, mas matangkad lang ako ng kaunti. Mukha ngang rebelde. May piercing sa tainga, mayroon ding maliit na hati ang kilay at nakabukas ang lahat ng butones ng kaniyang polo. Mukha ring mamahalin ang mga suot na hikaw at relo. Pinakagusto ko ang nunal niya sa malapit sa mata.

Wow, bakit ko kailangan gustuhin?

Iritado siyang nagsimulang maglakad pero bumalik siya para banggain ang Kuya niyang nakaupo kaya nawalan ng balanse.

Agad siyang nakatanggap ng mura ngunit tila wala siyang narinig, nagtungo lang sa bench at doon nagselpon.

That's my first time interacting with him. Una pa lang ay hindi ko na gusto ang ugaling mayroon ito.

Our second interaction, I saw him kissing someone inside the locker room in Coach's place. It was with a boy. Sa gulat ko'y mabilis kong naisarado ang pinto.

I'm not against them but they are young and they are still in high school. Is it really fine to have fun? But right, they can afford it. Kahit pa anong gawin ay kaya nilang bayaran dahil may nakahilerang pagpipilian kapag nadapa.

"Theo, pauwi ka na ba? Wala kayong ulam, magluto at magsaing ka na," ani Tita Jane mula sa kabilang linya.

Sa mga katulad kong dukha at nakasalabay ang responsibilidad, hindi ko kayang bayaran ang pagpapakasaya.

"Yabang talaga niyang si Xeriel!" galit na sambit ng isang player ni Coach. Lagi kong naririnig ang pangalan ni Xeriel Nero. Maliban sa magaling na manlalaro, madalas ay mga varsity player ang nobyo at nobya niya.

"Ganiyan ata kapag inggit?" pang-aasar ko dahilan kung bakit matalim ang mga mata nito nang lingunin ako. Isang ngisi lang ang pinakawalan ko. I am friendly with everyone pero 'di ibig sabihin ay kaibigan ngang tunay ang turing sa mga ito. I need to be one if I want a good life.

I need to be one if I want to get a gig. Sa mga estudyante rito ako nagkakaroon ng pera. Sa mga trabahong pinapagawa ng mga ito. Minsan academic commission o 'di naman kaya'y mga sira-sirang bagay sa mga bahay, madalas din ay sinusubukan nila akong i-refer sa mga trabahong puwede kong pasukan. Malalaki rin ang tip sa mga commission base na trabaho.

Sa tulong niyon, nakaka-survive kaming magkakapatid.

"Ano? Anong kaiinggitan ko riyan sa gagong 'yan! Ang yabang! Ang angas-angas, bakla naman! Pumapatol lang naman sa kapareho niya ng kasarian," ani David.

My brows snapped together. Dumaan ang iritasiyon sa akin pero kalaunan ay ngumiti rin ulit.

Kung may ayaw man ako, iyon ay ang mga taong akala mo'y kilala ka kung makapang-insulto.

"May kilala akong doktor, ipakilala kita. Sa pagkakaalam ko, ganiyan sintomas ng inggit," dinaan ko sa biro ang gustong sabihin dito. Napatawa rin ang mga kasama sa team ng taekwando.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na homophobic talaga 'yang si David.

Laging pinupuntirya si Natividad pero lagi ring nahuhuling nakatingin dito, updated pa nga ata si gago kay Natividad kaysa sa sarili niyang girlfriend.

Unwavering Solace (At Odds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon