Xeriel's POV
"Sige, busy ako, eh. Pero malakas si Princess sa akin kaya sige." Napahalakhak ako nang ngiwian ako ni Vince.
"Tangina mo. Si Princess na nga lang bukod tanging inaanak mo sa ating magkakaibigan, hindi ka pa pupunta?"
Mas lalo akong natawa. Panay bading ang tropahan, si Vince lang ang nagkaanak. Nang maka-graduate kami'y agad na nabuntis ang girlfriend na asawa niya na ngayon.
"Syempre pupunta? Mawawala ba ako riyan?"
Lagi naman akong nasa handaan. Never absent ang motto.
"Baka lang. Lalo na't uuwi ang ex mo," aniya kaya natigilan ako habang tinitignan ang blueprint ng bahay ng isa kong kliyente.
"Saglit lang siguro ako. I'll meet my new client," saad ko kaya kita ko ang ngisi sa mukha ni Vince.
"Ah, hindi pa nakakamove-on." Tumango-tango pa siya wari ba'y naiintindihan niya 'yon. I showed my middle finger at him dahilan kung bakit napahalakhak lang siya.
Hindi tinupad ni Theo ang pangako niya. He said when he's already successful, babalikan niya ako pero nakahanap din ng iba sa Japan. Lumabas lang ang statement ng babae nitong linggong 'to. She's beautiful. A model here in the Philippines.
Theo's career boom after his fans known the mistreatment and suddenly exclusion from his team. Mas lalo pang napansin ang galing niya sa paglalaro to the point na naging professional basketball player na siya ngayon. He is in Japan for their basketball league. Nakita siya kasama sa airport kasama ng isang magaling na modelo at aktres dito. Nagmomodelo na rin kasi ng mga sportswear ang ilang men perfumes.
And just this week, lumabas ang statement ni Mirchel na sila na raw.
Siguro ramdam ko ang iritasiyon sa akin dahil hindi pa naman ako nakakamove on. Walang balak kalimutan ang nararamdaman. Pero siguro naiintindihan ko rin. If it's with a woman, no one will question their love. Walang magtatanong kung bakit.
Napangiti na lang ako nang mapait bago ako napakibit ng balikat. But of course, Theo still asshat! He promise me that when things are already light, he'll come back for me.
Ulol pala siya, eh. Pero paki ko?
"Pero incase nakalimutan mo na. Ikaw ang kauna-unahang taong pinili ni Theo para sa sarili. Family oriented si gago pero bigla-bigla kang sumusulpot kaya nasira ang mga plano."
Kumunot ang noo ko. Ang mga gagong 'to, laging kampi kay Theo kaya nang maghiwalay kami, tinanong pa kung ano ang ginawa ko.
"Siya, sige na, una na ako. Mukhang ako pa ang pagbubuntungan mo ng galit. Kunot na naman ang noo mong gago ka," aniya na tumayo na.
"Mga professional, ah. Dito pa kayo sa opisina nagmumurahan. Mga gago," ani Jael na nakakapsok lang. Isa pa ang tangang 'to. Naiirita ako sa ngisi. Mukhang nakaisa na naman bago pumasok, naka-turtle neck pa ang kupal.
"Wow, aga mo, Boss, ah? Ala una na."
Tumawa lang siya na parang tanga bago nag-peace sign.
Jael is the owner of the firm I am working on. Sa sobrang dami ng businesa ng mga Revino, pinamigay na sa kaniya ang firm nila para may kwenta naman daw ang pagiging inhinyero niya.
Dito rin nagtatrabaho si Greg, nasa kabilang opisina lang.
"By the way, the client I am talking about. You'll meet him next week," ani Jael. Tumango lang ako roon.
"You'll meet the architect with him too. Think about the dream house that you want para mabilis ang proseso."
"Alright, I'll think of some suggestions but since I'll meet them first, I'll see what the clients want."
BINABASA MO ANG
Unwavering Solace (At Odds Series #2)
RomansaAt Odds Series #2 Xeriel, an athlete from taekwondo who has a rough personality. Kaliwa't kanan ang mga atletang nagkaroon ng ugnayan sa kaniya. But most of them date him not because of love. He gave them what they wanted while playing around. Money...