Xeriel's POV
It's been almost a year since Theo and I dated. We are getting used to each other's presence.
"Why do you keep watching that if you'll just end up crying?" natatawang tanong niya habang pinapalis ang luha mula sa mga mata ko.
"Because it's fun, even if sometimes it is emotional, It's fun to see their family... That sometimes I get jealous...I wish I also had grown up in that kind of family..." I said while telling him some story about Young Sheldon.
He is attentively listening to me.
"Don't get me wrong, I love my Lola! She's the best person ever! But sometimes you know... I just can't help but imagine how life would be so different if my father just didn't cheat... and if Mom didn't leave us for her dreams..." I smile sadly at him. He just watched me with that soft expression on his face. Marahan niya ring hinaplos ang buhok ko habang nakahiga ako sa kaniyang kandungan.
Nandito kami ngayon sa field kung saan maraming puno.
"Ikaw? Do you want to talk about your family?" I asked. Hindi siya nagsalita noong una kaya natahimik kaming dalawa.
"You don't have to tell me if you are uncomfortable, Theo..." Ngumiti ako sa kaniya habang umiling naman siya sa akin.
"No, I just miss it... You know I lost my Mom when I was young... Pagkapanganak kay Troy. Our life before that was happy... Kahit hindi ako tunay na anak ni Papa, tinurong niya ako bilang anak... And My Mom... she was a great mom. Kung sino man ang sumubok manukso sa akin, hindi siya nagdadalawang isip na makipag-away sa mga nanay ng mga batang iyon... Alam mo naman... Hindi kami pareho ng tatay nina Terese. Anak ako sa pagkadalaga ni Mama... Pero hindi nila kailanman pinaramdam na hindi ako kabilang..."
"But then they got into an accident... The accident that changed our life completely. We become the talk in our place. Kahit mga bata pa'y husgang-husga na ng mga tao. I love my Aunties but sometimes they are even the one spreading rumors about us. Mga bata pa kaya hindi kayang ipagtanggol ang mga sarili. Nakakainggit tuwing pinagmamalaki ang mga anak habang ang amin tila nawalan ng kwenta." Kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata habang inaalala ang mga bagay na 'yon.
"You know... Even when I was still young, my memory of how they made me feel small is still vivid in my mind. Tita Jane asked what my dream was, I answered that I wanted to become a doctor but then they laughed while validating their children's dream. Funny how that simple conversation still affects me to this day."
Namuo ang luha mula sa mga mata ko bago ako umahon sa pagkakaupo.
"And now you have me. I'll make sure that I'll be here to support you," I said before hugging him. Mahigpit din niya akong niyakap pabalik.
"Tangina naman. Ang sakit niyo sa mata." Napatingin kami kay Jael na siyang lumapit sa amin. Hindi ko alam kung saan na naman ito galing.
Minura ko siya nang mahiga siya sa kandungan ko. Hindi niya pinansin ang pagkutos ko sa kaniya.
Nagkatinginan na lang kami ni Theo bago siya natawa at nailing.
"I'll always be here, okay?" Bumalik na rin ako sa pagkakahiga sa kaniyang kandungan habang sa tiyan ko naman si Jael.
"Xeriel, 'di ba crush mo si Zachariah noon?" tanong ni Jael sa akin. Nahinto naman kami ni Theo. Agad akong napatikhim. Pinapahamak pa ata ako ng hinayupak na 'to.
"Yeah, he's the only moreno that he likes, he said that years ago but ended up dating another moreno," ani Theo na napasimangot habang nakatingin sa akin ngayon. Napatawa ako nang mahina. That's just happy crush! Ni hindi ko na nga maalala.
BINABASA MO ANG
Unwavering Solace (At Odds Series #2)
RomanceAt Odds Series #2 Xeriel, an athlete from taekwondo who has a rough personality. Kaliwa't kanan ang mga atletang nagkaroon ng ugnayan sa kaniya. But most of them date him not because of love. He gave them what they wanted while playing around. Money...