Xeriel's POV
Shit.
"Para kang tanga," ani Kuya Uno nang makita akong nakatayo sa hagdan habang sumusuntok sa hangin.
"Wow, lawyer."
Pasado na si Kuya Uno sa BAR exam niya pero kung sa pagiging kapatid ang usapan 3/10.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya na nagsalubong pa ang kilay habang nakatingin sa akin. I just cleared my throat before shrugging my shoulder. Umakto ako na parang walang nangyari.
"Oh, ito na ang ticket na pinabibili mo. Sampung libo 'yan," aniya kahit na Gen Ad lang ang pinabili ko.
"Nadaig mo pa mga hoarder! Triple presyo mo!" reklamo ko sa kaniya. He shrugged bago naglahad lang ng kamay sa akin. Napasimangot ako bago nagbayad. Bumaba siya nang hagdan habang pakanta-kanta pa.
Ang bait na abogado, demonyong kapatid.
Napakibit ako ng balikat at napangisi lang habang nakatingin sa ticket para sa laro nina Theo kalaban ang Malaysia sa linggong ito. Bahagya akong napatikhim nang makitang VIP 'yon. Nope. I won't watch him kung ganito kalapit.
Speaking of the devil, I accepted his follow-up request. Damn me.
We parted ways earlier after he told me that he was back and ready to chase me again. Sinong nagsabing magiging madali para sa kaniya?
Talaga, Xeriel?
Mukhang mas mahirap pa para sa akin dahil natagpuan ko na lang ang sariling nasa Sports Stadium para lang manood ng laro ni Theo.
Hindi manonood, huh?
Hindi ko natiis dahil gusto ko lang manood. Madalas ko namang ginagawa kahit noong hindi pa kami nagkikita ulit. Iyon nga lang ay laging tago. Madalas ay Gen Ad ang ticket ko. What if makipagpalit na lang ako ng ticket? O dapat ay hindi na lang talaga ako nanood.
Pero sige dahil mahilig ako sa basketball at sayang ang sampung libong nadekwat ng kapatid ko, panoorin ko na rin.
Kwentuhan mula sa mga manonood ang naririnig when I went to my sit. Nagtilian ang lahat nang pumasok ang mga manlalaro sa loob ng court. Isa-isang pinakita ang player ng Malaysia. Marami ring magagaling na manlalaro mula roon.
Mayamaya lang ay ang mga player naman na ng Pilipinas ang pinapakita sa screen. Punong-puno ng tilian nang ipakita ang ilang atleta mula sa Pilipinas. Halos mayanig ang stadium nang si Theo ang pinakita roon. Isang ngiti ang pinakawalan niya bago siya kumaway sa camera.
Okay, sino bang niloloko ko?
I'm here because I am still his fan. Even if I won't be in the front row to support him, I still want to be here watching him even from afar pero pucha, medyo malapit nga ako ngayon. Hindi ko dapat talaga pinagkakatiwalaan si Kuya kapag ganito, eh.
After a while, the buzz finally beat, hudyat na magsisimula na ang laro. Nanaig ang langitngit ng mga sapatos before the anmouncer started to speak.
Hindi naman ako ang maglalaro, hindi rin naman ako nagkape pero ramdam ko ang pagpaltipate ng puso. Inayos ko ang suot kong sombrero bago ako sumandal sa aking upuan.
I cheered with the girls beside me when the first 2 points is for the Philippines.
While watching Theo, I can't help but admire him. Binitawan niya ang pangarap na maging inhinyero para sa kaniyang pamilya, hindi iyon madali but this man always do his best in everything.
Siguro kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya kahit ako ang binitawan niya sa dami ng pwedeng bitawan dahil alam kong noong panahong ginawa niya 'yon, sarili niya ang unang binitawan.
BINABASA MO ANG
Unwavering Solace (At Odds Series #2)
RomanceAt Odds Series #2 Xeriel, an athlete from taekwondo who has a rough personality. Kaliwa't kanan ang mga atletang nagkaroon ng ugnayan sa kaniya. But most of them date him not because of love. He gave them what they wanted while playing around. Money...