Xeriel's POV
Theodore Rio Saavedra:
Do we have a problem? Bakit mo ako iniiwasan?
Nakakahalata na nga si Theo. Sino bang hindi makakahalata gayong halos tumakbo ka na kapag nakikita mo, Xeriel?
I long press his message to read it. Pagkatapos ay hindi ako mapakali dahil wala akong balak mag-reply. Ano namang sasabihin ko?
Sa pag-iisip kung magre-reply ba ako o hindi, I just saw myself sharing a meme para i-distract ang sarili. Before I can turn off my phone, I receive a notification that he replied on my shared post. Hindi naman 'yon nagre-reply sa akin kahit anong mention ko sa mga meme na nakikita sa social media noon kaya agad akong napatingin sa reply niya.
Theodore Rio Saavedra: I sent you a message. Please look at your inbox. Thank you.
Agad na nag-reply ang mga schoolmate namin noong highschool. They mentioned me to his comment. Nangunguna pa si Jael doon.
Jallen Elias Revino: Lagot may utang @Xeriel Nero Natividad
Tanya Galician: @Xeriel Nero Natividad
Claudia Marie Flores: @Xeriel Nero Natividad grabe ka na mang-ignore T_T lakas mo
Almost all the replies are just mentioning me.
Agad kong pinatay ang aking selpon. Ano bang nangyayari sa akin? Pabagsak akong dumapa sa kama habang sinusubsob lang ang mukha sa mga unan.
Okay, aaminin ko. Miss ko na si Theodore. I like hanging out with him kaya nga ginagawa ko ang lahat sa abot ng makakaya ko para mawala ito. Hindi na ako nagtangka pang makipaglandian dahil wala ring nangyayari. Ayaw kong manloko.
In the end, sarili ko lang din ang pinapahirapan.
"Alam mo, alam kong kulang-kulang ka nang pinanganak ni Mommy pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kapatid kita," ani Kuya nang makita akong naka-hoodie na black at nakasunglasses pa habang papunta sa school.
"Baka hindi tayo magkapatid. Wala akong kapatid na pangit." Nakatanggap na naman ako ng kutos sa kaniya.
Wala na akong panahon para isipin siya at nagmamadali na lang na nagtungo sa classroom namin para hindi makasalubong si Theo. Sa sobrang laki ng school na 'to, hindi ko alam kung paano ko pa siya nagagawang makasalubong. Well, alam ko naman na nasa iisang department lang kami pero kasi lagi kaming nagkikita ngayon tuwing papasok o palabas ako ng classroom.
Katulad ngayon, hindi na lang basta sa labas dahil nasa tabi pa siya ng upuan kung saan ako madalas umupo, sa upuan ni Jael. Nagkunwari akong hindi siya nakita at umupo sa pinakaharap.
"Uy, Natividad! Sa dating pwesto na! Malabo ang mata ni Ave," saad ng isang blockmates ko. Nagtanong pa siya kung nabayaran ko na rin daw ba ang utang kay Theo. He's known here. Gwapo at student-athlete, eh. Mabango pa. Sympre maraming nagkakagusto, isa na ako.
Hindi ako umalis sa pagkakaupo ko. Kahit murahin pa ako ng mga kaklase, wala akong naririnig ngayon. Hindi ko rin naririnig na tinatawag ako ni Jael at Greg sa likod.
Nahinto nga lang ako nang makita ko si Theo na nasa tapat ko na. Napatingala ako sa kaniya ngunit agad akong napayuko nang makita ko ang seryosong mukha nito. Walang kahit anong ngiti sa labi. His jaw are also clenching. Kita ko na ang ugat sa leeg niya. Tila nawawalan na rin siya ng pasensiya sa akin.
"Lagot ka, Xeriel! Magbayad ka kasi ng utang mo!"
Sana may kapangyarihan akong busalan ang bibig ni Greg at Jael kahit malayo sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Unwavering Solace (At Odds Series #2)
RomanceAt Odds Series #2 Xeriel, an athlete from taekwondo who has a rough personality. Kaliwa't kanan ang mga atletang nagkaroon ng ugnayan sa kaniya. But most of them date him not because of love. He gave them what they wanted while playing around. Money...