Xeriel's POV
"I don't want to. Pinipilit mo ba ako?"
Siya naman ang naningkit ang mata ngayon. Napangisi ako roon. Hindi talaga magpapapilit.
"Whatever. Try to get rid of that feeling, I'll make you fall harder. I'll continue liking you. Just so you know you can take back what you said. No hard feelings," I said, smirking. Now that I know he likes me too, para akong nakalutang sa ere. Kahit pa hindi kami, to be loved and to be able to freely love makes me feel overwhelmed already.
"You think you can stop?" tanong ko pa habang nakasunod sa kaniya. Para bang pinag-iisipan niya kung tama ba ang desisyon niya sa buhay. Napatawa ako.
"Mahirap, ikaw rin. Hindi nga ako halos makakain kakaisip sa 'yo. Sumasakit pa ang dibdib minsan because I thought you like Ame." Nahinto siya roon bago napatingin sa akin.
"What?"
"I thought you like Ame and I thought there's something wrong with my heart. Nagseselos ata ako." Lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya.
"I don't like Ame. You don't have to be jealous. Ikaw lang ang gusto ko." He licks his lips.
Ako naman ang napahinto. Napahawak pa ako sa dibdib ko kaya nagtataka siyang napatingin sa akin. "You'll say you like me tapos hindi puwedeng maging tayo? Grabe namang torture 'yan, Theodore."
Iniwas niya lang ang tingin bago napatikhim. Napangiti ako bago sinabayan ang hakbang niya. Bumalik kami sa classroom ko, walang prof kaya agad nang-asar ang mga kaklase sa loob.
"Grabe namang sinisingil 'yan, nakangiti pa."
I just shrugged before I looked at Theo who was about to go now.
"I'll go to the café later. Baka mamiss mo ako," I said, still having a feral grin on my face. Napakurap siya sa akin at mukhang nataranta. Mas lalo namang lumapad ang ngisi sa labi ko sa ideyang gusto ako ni Theo.
Nang pumasok tuloy sa classroom, halatang-halata ang mukha ko.
"Judging for your face. Looks like you and Theo are fine now. Kayo na?" tanong ni Jael sa akin kaya agad na napatingin si Greg na nanlalaki ang mata.
"Umamin na si Theo? Gusto mo rin siya?"
"Huh? Alam mo?" Bakas ang gulat mula sa aking mukha.
"Alam naming lahat, ikaw lang ang hindi." Alam nilang lahat na may gusto sa akin si Theo?
"So the two of you are together now?"
"Not yet. Hindi pa ako sinasagot. Hindi pa siya handa," sambit ko na nangisi pa. Napatawa naman si Jael.
"Well, good luck. Theo's principle is hard to break. Basta sinabi niya, gagawin niya," ani Jael.
"But he also breaks those principles when it comes to Xeriel so I think he'll break it. Pustahan?"
At nagpustahan na nga silang dalawa. Parang ang sarap nilang kutusan. Ginagawa pang laro ang buhay namin ni Theo.
Wala nga lang makakapang-inis sa akin ngayon. Para pa rin akong nakalutang sa ere. Ganito pala feeling ng ma-crushback?
Just like what I said, I went to the café. I ordered food while I was watching Young Sheldon on Netflix. I just like watching it, minsan pinapamukha na bobo talaga ako.
Sinimulan ko ring gawin ang plates ko sa isang subject. Minsan ay napapatingin ako kay Theo because I think it's not a good day for him. Ilang palpak na order ang nangyari sa ilang oras ko pa lang na pananatili rito. When he's almost done, I organize my things bago ako nangalumbaba habang nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Unwavering Solace (At Odds Series #2)
RomanceAt Odds Series #2 Xeriel, an athlete from taekwondo who has a rough personality. Kaliwa't kanan ang mga atletang nagkaroon ng ugnayan sa kaniya. But most of them date him not because of love. He gave them what they wanted while playing around. Money...