I'm a dog who always seeks my owner's attention. - 🐶
---
"She's here a while ago," dinig kong sabi ni Ms. Ysa.
Napapikit ako ng mariin.
Ms. Ysa?
"Maybe she got off after getting enough rest," dagdag pa niya.
Mula sa mga yabag ay alam ko na hindi lang sila dalawa. May mga kasama pa si Ms. Ysa.
"Tsk. That stupid dog!"
Namilog ang mga mata ko ng madinig ang galit na anas ng amo ko.
Naiiyak ako. Lagot na naman ako dahil ang sabi ko lang ay mag banyo ako sandali.
"Should I order some guards to find your maid?"
This time, si Sir Terrence na ang nagsalita. Ang lamig, gaya ng sa amo ko, ng boses niya. Mapagkakamalan ko nga ata na amo ko pa din ang nagsasalita eh.
"I think we should sir. She was shivering when I saw her in the hallways."
Ah, thank you Ms. Ysa. Pero andito po ako. Papalabas na sana ako sa tinataguan ko nang biglang...
"Who's that Lyka you're looking for if I may ask."
Para namang babaliktad na muli ng sikmura ko nang madinig ang boses ni Mr. Lopez.
"She's my little brother's maid," sagot ni Ms. Ysa.
Lumakad-lakad naman si Mr. Lopez. Nakikita ko siya mula sa tinataguan ko.
"Really? Our conversation awhile ago got cut just because of a maid?" Natatawang ani niya ng may nagtatakang tingin kay Sir Terrence.
I'm so sorry po.
"My brother's maid," he corrected Mr. Lopez's word.
"Haha! I didn't know you have this kind of side Mr. Terrence!"
Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi pa din siya nagbabago.
Hindi ko naman nadinig na tumugon si Mr Terrence. Maya-maya's may nadinig akong lumakad sa likuran ko.
Ah.
May tumama sa pwetan ko kaya napalingon ako kung ano 'yon.
Sa-sapatos!
Tumingala ako at nagtama ang tingin naming dalawa. Walang ekspresyon ang kanyang mukha habang ako naman ay parang inaatake na sa puso.
Nasa ilalim ako ng desk ni Sir Terrence kaya naman noong naupo siya ay 'di sadyang natamaan niya ang likuran ko.
Mabilis kong pinagdaop ang mga palad ko at naiiyak na nakikiusap na huwag ako ibuko.
Smirk.
Natigilan ako. Ngumisi ba talaga siya?
"And so?" Biglang sabi niya habang nakatingin pa din sa'kin. "What's wrong with prioritizing my brother?" Dagdag niya tsaka tumingin sa kausap.
Hindi niya ako binuko.
"Tsk. She's too cheerful awhile ago. That's stupid dog," dismayadong tono ng amo ko.
Waf!
"Then just let me know when we can continue our conversation. I don't have time to look for maids," ani ni Mr. Lopez. "I'll just enjoy the rest of the show Mr. Terrence."
"We'll excuse ourselves."
Matapos niyang sabihin iyon ay lumakad na siya palabas ng opisina. Mukhang kasama niya ang assistant niya pero hindi ko manlang naramdaman presensya niya.
That's what he wants.
Kapag sinabi niyang huwag magsalita, you have to obey.
Muling bumalot sa pagkatao ko ang trauma na naranasan ko noon.
"Ysa."
"Yes, Sir Terrence."
"Look for Ysa yourself. I'll give you 30 minutes."
"...I understand sir. Then, I should go."
Dali-dali pero marahan namang umalis si Ms. Ysa na ipinagtaka ko.
"You too Ace."
"Tsk. Yeah. I'll smack that brain of her out when I see her," gigil na sabi ng amo ko.
Naibuka ko ang bibig ko para sabihing nandito ako pero pinigilan ako ni Sir Terrence.
He placed his index finger against his natural red lips.
"Alright. I'll call when my guards found your dear maid."
Hindi agad sumagot ang amo ko. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.
Mabilis ako kumapit sa mga paa ni Sir Terrence. Pleading na palabasin na ako pero ngumisi lang siya.
Ano bang problema niya?
"Nothing really good happen when you're around. Tsk!"
Nagulat ako sa tinuran ng amo ko. How can he say such thing to his older brother?
Nadinig ko nalang ang pabagsak na sara ng pinto.
Tumingala ako at nagtama ang mga tingin namin ng kapatid ng amo ko.
Yung mata niya na kapareho ng kulay ng sa amo ko, pero may kakaibang lamig na dala. Naisip ko na mas nakakatakot siya maging amo.
"Get up," pagputol niya sa paglalayag ng isip ko.
Maingat naman akong lumabas mula sa pagkakatago. Inayos ko ang suot kong dress nang tuluyan nang makatayo sa harapan niya.
Nakatitig pa din siya sa'kin kaya parang gusto ko takpan ang sarili ko.
"Why didn't you show yourself when Ace was here too?"
Unang tanong na lumabas sa bibig niya. Nakatayo lang siya at nakatago sa bulsa ang mga kamay niya.
"K-Kasi po..."
"Did you have a fight?"
Namilog ang mga mata ko.
May pagkamarites kaya siya?
"W-wala sir!"
"Then?"
Nang magtama ulit ang mga tingin namin ay napayuko ulit ako.
"M...Mr. Lopez."
Naramdaman ko naman ang unti-unti niyang paglapit. Lalo akong kinabahan.
"Is that why you begged that much?"
Nang madinig ang mga sinabi niya ay napatingala ako. Nanginginig ang mga mata, hindi, ang buong katawan ko sa takot.
Oh no. Kapag malaman niya ang past ko, masisira ang relasyon ko sa amo ko.
Hindi ako makapagsalita. Gusto ko magpaliwanag pero hindi ako makapagsalita.
"I'll help you," aniya na pawang nagpatigil ng puso ko. "If you agree with what I want."
BINABASA MO ANG
My Grumpy Boss!
Short StorySi Lyka ay isang loyal maid pero dahil sa inosenteng kagandahan ay palagi niyang nakukuha ang atensyon ng kaniyang mga amo. Palaging napapalayas dahil sa mga maling paratang kaya nagpalipat-lipat na siya ng amo. Inakala niyang wala nang tatanggap sa...