Anong favorite niyong coffee? Creamy Latte like Sir Edward or Espreso like Sir Wallace? -🐶
*
Nakatayo ako sa baba ng grand staircase dahil hinihintay ko ang pagbaba ng aking amo. Malapit na magtanghalian pero tulog pa rin si sir. Puntahan ko na kaya siya?
''Lyka? Is that you?''
Nagpintig ang aking mga tenga nang madinig ang isang pamilyar na boses. Nilingon ko ito at nakita ang napakasexy at napakagwapong si Sir Edward! Mukhang nagpakulay siya ng buhok. Blondy na siya ngayon at may choker pa siya sa kaniyang leeg. OmO
''Magandang tanghali po Sir Edward,'' nakangiti kong bati sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at nameywang sa harapan ko. ''Wow. Mukhang okay ka pa,'' aniya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
''Po?'' Bakit niya sinabi iyon?
Natawa siya sa reaksyon ko kaya mas lalo akong nagtaka. Hala. Anong nangyari sa kaniya? Ilang linggo palang kami hindi nagkikita pero naging weird na si sir.
Umiling siya. ''Nothing. So where's my grumpy brother?'' May palinga-linga niyang tanong.
Hm. May something na nagbago kay sir e. Parang...parang may aura na siya ng pagka-badboy. Oh no! Iyong angel ko?
''Ah...nasa kwarto niya po si Sir Wallace. Napagod po kasi sa pagmamaneho kaya nagpahinga po muna,'' sabi ko kaya muli siyang tumingin sa akin.
''Ganun ba? Eh ikaw? Wala ka bang balak magpahinga? Chance mo na 'to habang tulog pa ang amo mo,'' may pagkindat sa huli niyang sabi.
Ohem. Ang gwapo talaga!
''Ah, kakagising ko lang din po e. Hihintayin ko nalang po siya bumaba,'' sabi ko. Wala naman akong karapatan na gumala dahil siguradong magwawala na naman ang masungit kong amo kapag hindi niya ako agad nakikita. Ako kaya ang dakila niyang maid.
Nag-isip siyang saglit tsaka ngumiti. Hinawakan niya ako sa braso at balak sanang hilain ng pigilan ko siya. Napatingin si sir sa akin na parang nagulat sa inasta ko.
''Sasamahan mo lang ako magtanghalian,'' nakangisi niyang sabi at muli akong hinila pero hindi ako pwedeng sumama.
''Ah eh sir hindi po pwede,'' wika ko na nagpalaglag ng panga niya. ''Sorry Sir Edward pero po kasi mapapagalitan ako kapag hindi ako magbehave.''
Natawa siya sa mga sinabi ko na para bang ito ang pinaka nakakatawang joke na nadinig niya. Sinubukan ko muling bawiin ang braso ko pero hindi niya ito binitiwan.
''Wow. What an obedient maid you are Lyka,'' pagpuri niya sa akin pero may pait sa kaniyang tono. Ano ba ang gusto niyang palabasin?
''Let her go Ed or I'll punch you in the face.''
Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig at nakita si Sir Wallace na nakatayo sa taas ng hagdan. Mabilis ng binitawan ni Sir Edward ang braso ko at itinaas ang mga kamay niya sa ere.
''Sir Wallace!'' Kumakawag na naman ang buntot ko. Ewan ko ba! Masaya ako kapag nakikita na ang amo ko. Woof!
Nakatanggap ako ng nakakatakot na titig mula sa aking amo kaya agad akong natahimik.
''Hi big bro! Kunot na naman ang noo mo,'' pagbibiro ni Sir Edward at sinalubong ng yakap ang kapatid.
Itinulak siya ni Sir Wallace tsaka nilagpasan. Napakurap ako nang lumapit sa akin si sir at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
''Wala akong ginawa sa kaniya. Inaaya ko lang siyang samahan akong magtanghalian kaso ayaw niya kasi magagalit ka daw bro? Hahaha! Napakamasunurin ni Lyka,'' pagkukwento ng kapatid niya.
BINABASA MO ANG
My Grumpy Boss!
Short StorySi Lyka ay isang loyal maid pero dahil sa inosenteng kagandahan ay palagi niyang nakukuha ang atensyon ng kaniyang mga amo. Palaging napapalayas dahil sa mga maling paratang kaya nagpalipat-lipat na siya ng amo. Inakala niyang wala nang tatanggap sa...