Nabasa niyo na ba yung Pureblood Vow ni author? -🐶
**
"Kyaa!" Tili ko nang ihagis ako ng aking amo sa kaniyang kama.
Pabalibag niyang isinara ang pinto at inilock ito. Hindi siya agad umalis sa pinto kundi tumayo lang paharap dito. Hinihintay niya siguro na may magwala at kumalampag dito pero iba ang nangyari.
''Who the hell do you think you are?! Isa ka lang namang matandang lalaki na pinagtatyagaan ko! You're nothing compared to your cousin! Damn you WALLACE! I HATE YOU!''
Hindi ko alam ang gagawin nang madinig ang pagwawala ni Miss Roxanne sa baba. May nadidinig din akong mga nababasag na mga gamit! Mukhang balak niyang ubusin lahat ng makikita sa bahay ng amo ko!
''Sir--!'' Natigilan ako nang itaas ni Sir Wallace ang kanang kamay para pigilan ako. ''Pero yung mga gamit po?''
Bumuntong hininga siya bago lumayo sa pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumingon na siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata.
''What else did she do last night?'' Tanong niya kahit pa patuloy lang ang mga ingay sa baba.
Napakapit ako ng mahigpit sa tela ng kama nang maalala ang ginawang paghalik sa kaniya ni Miss Roxanne. Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang sabihin ang mga nakita.
Para talaga silang magkasintahan kagabi.
''Bakit hindi ka nagsasalita?'' Iritado na ang tono ng pagtatanong niya pero hindi pa din ako sumasagot.
Eh paano ko ba sasabihin ng hindi niya makikita na apektado ako? Kainis naman eh!
''Ah!'' Tili ko nang biglang mamatay ang ilaw. ''Yung ilaw!''
Wala tuloy akong makita dahil sa kadiliman. Ang tagal mag-adjust ng mga mata ko. Naku! Baka pati yung kontador sinira na ng ahas na iyon!
''Sobra na talaga sya--?!''
Nakaramdam ako ng pag-alon ng kama kasunod ang malalakas na braso na pumupulupot sa mga bewang ko.
He sighed. ''Whatever. I don't even care. Let's just sleep,'' he said next to my ear.
Hindi ako makagalaw. Hindi makapagsalita. Hindi rin ako...makahinga.
''Sir...''
Hinila pa niya ako palapit sa kaniya kaya mas dama ko ang katawan niya sa likod ko. Ang mukha niya ngayon ay nakabaon sa pagitan ng tenga at balikat ko. Kyaaa! Ang puso ko! Maririnig mo ang pagwawala ng puso ko!
''So...close...'' Kinakabahan kong bulong.
''She's not my woman or anything. She's just working for my family's company,'' aniya habang nakayakap sa akin.
Pero bakit niya sinasabi sa akin ito?
''She's nothing to me,'' dagdag pa niya tsaka ako hinalikan sa balikat. ''Compared to you.''
Huh?
Mabilis akong napaharap sa kaniya dahil sa mga huling salita na binigkas niya. I was shooked when my eyes met his. They're captivating as always. Ang lakas din ng dating. Matatakot ka dahil matatalim ang mga titig niya, pero sa huli ay mahuhumaling ka dahil ang ganda ng mga ito.
''Sirmph?!'' Nanlaki ang mga mata ko pero agad din napapikit dahil sa ginawa niyang pagsunggab ng halik.
Hinila pa niya ako sa aking bewang upang laliman ang paghalik na sobrang nakakaliyo na.
''Aah!'' Kinagat niya ang ibabang parte ng aking labi tsaka ako tuluyang sinakop. ''Hmmp?!''
Mariin akong napakapit sa dibdib niya. My boss is kissing me...again! He's doing it more intense and deep.
BINABASA MO ANG
My Grumpy Boss!
Historia CortaSi Lyka ay isang loyal maid pero dahil sa inosenteng kagandahan ay palagi niyang nakukuha ang atensyon ng kaniyang mga amo. Palaging napapalayas dahil sa mga maling paratang kaya nagpalipat-lipat na siya ng amo. Inakala niyang wala nang tatanggap sa...