II: Angry Boss

36 3 0
                                    

Ako sungit talaga ng amo ko. -🐶

*

''Lyka! Napakatagal mo naman! Ano na naman bang kabobohan ang ginagawa mo?!''

Napapikit ako ng mariin. Ang aga-aga ang init ng ulo ni boss. Tch.

''Eh kasi sir tinapos ko lang po yung mga sinampay sa bakuran para kukunin ko nalang pagbalik natin,'' nakangiti kong sabi.

Hindi ako pwedeng sumimangot dahil magtatabla kaming dalawa. Dapat all smiley lang ako kahit naiiyak na ako sa ugali ng amo ko.

''Tss. Dapat kasi kanina ka pa nagsampay! Sumasabay ka e!'' Singhal niya. ''Dalian mo! Sumakay ka na nang makaalis na tayo agad at makauwi ng maaga,'' aniya tsaka umikot na sa driver's seat.

Sabado ngayon at pinapapunta siya ng kaniyang ina sa main mansion. Halatang ayaw ni Sir Wallace pero ang balita ko ay matanda na si madam at hindi siya pwedeng pagalalahanin o galitin.

Ano ka ngayon sir?

Bubuksan ko na sana ang pinto sa likuran nang sigawan na naman ako ni sir. ''Dito ka sa harap! Pagmumukhain mo ba talaga akong driver?!''

''P-Pero kasi sir--''

''SASAKAY KA O IIWAN KITA?!''

Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng passenger seat at agad na pumasok dito. ''Sir naman baka matanggal baga mo. Kanina ka pa kaya nakasigaw,'' sabi ko pagkasara ng pinto.

''And who the hell's fault is this?'' Nagpipigil ng inis niyang tanong.

Napangiwi ako at nagkamot ng batok. ''Ako po?''

''Kung alam mo pala wag ka nang magsalita pa,'' inis niyang saad tsaka binuhay ang makina ng sasakyan niya.

Nagsasagutan kami buong byahe dahil nagsasalpukan talaga ang ugali naming dalawa. Biruin mo ba naman, nagtanong lang ako kung bakit parang ang sama ng gising niya e sigawan ba naman akong manahimik? Ang hinahon kaya ng pagtatanong ko tapos ang dating sa kaniya e ang ingay ko? Sira na siguro eardrums ni sir. Palagi kasi siyang nakasigaw e.

''I want you to behave while we're there. Don't talk to anyone and don't do anything stupid,'' paalala niya na pumapasok sa kabila kong tenga at lumalabas sa kabila. Ano? Hwag na akong huminga ganon?

Kunwari'y tumatango ako at nakikinig sa mga utos niya para huwag lang siyang magalit. Nakakapagod din makipagsagutan e. Nagugutom na nga ako ngayon pa lang.

Nang makarating kami ay halos manliit ako na gaya sa langgam dahil sa mala-palasyong laki ng main mansion. Buhat-buhat ang mga gamit ni sir ay lumakad kami papasok ng mansyon. Gusto kong magtanong sa kaniya pero parang mas lumala ang kadiliman sa kaniyang aura.

May mangyayari bang masama ngayon?

''Welcome home master Wallace.'' In chorus na pagbati ng mga maid at butler na nakahilera sa dalawang magkabilang linya sa entrance ng mansyon.

Hindi sila pinansin ng aking supladong boss at nagdire-diretso lamang ito sa grand staircase. May humarang naman sa aking lalaki na naka-uniform ng butler.

''Are you master's Wallace personal maid?'' Tanong niya.

Nilingon ko si boss at wala man lang itong pakialam na naiiwan niya na ako. Hay.

''O-Opo. Ako po si Ly--''

''Give me the master's luggage. You can take a rest first in the guest room,'' may pahapyaw na ngiti nitong saad.

''P-Pero po sir--''

''Excuse me. Don't tell me you're thinking of staying in the same room?''

Nang dahil sa sinabi niya ay nag-init ang aking mukha. ''Ay nako h-hindi po! Baka lang po kasi kailangan niya ako...''

Ngumiti siya. ''Don't worry. We can provide the assistance the master needs,'' aniya tsaka tuluyan nang kinuha sa mga kamay ko ang mga gamit ni bosr.

Tama nga naman. Sa dami nila ay hindi na ako kakailanganin pang tawagin ni boss. Iginayak naman ako ng isang maid papunta sa guest room. Parang nawala lahat ng baon kong energy dahil hindi ko man lang mapagsisilbihan ang amo ko.

Umupo ako sa kama at niyakap ang mga tuhod ko. Nakakainis naman si boss. Sana pala hindi nalang niya ako isinama kung makukulong lang pala ako dito. Sana pala naglinis nalang ako ng bakuran sa mansyon. Ayoko pa naman sa lahat ay hindi nagagawa ang trabaho ko.

''I SAID BRING ME TO HER!''

Napaangat ako ng tingin sa pinto ng makadinig ako ng mga sigawan sa labas. Nagpunas ako ng luha at nagmamadaling bumaba ng kama. Pero hindi pa man ako nakakatapak sa sahig ay lumipad na ang kawawang pintuan.

''Ay pusa! Ano ba yan?'' Gulat akong napabalik sa kama gawa na din ng takot.

''Master Wallace please calm down,'' pagpapakalma ng butler kanina sa nagwawala.

Sir Wallace?

''Shut the fck up!'' Pero itinulak lang siya ng galit kong amo.

Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at parang aso na kumakawag ang buntot na masayang sumalubong sa kaniyang amo.

''Sir Wallace!''

Natigilan siya at ilang minuto akong tinitigan. Nakangiti lang ako at masayang nakatingin din sa kaniya. Sabi ko na hindi ako matitiis ng mahal kong amo e.

''Hoy ikaw nananadya ka ba talaga?! Nasan yung susi ng bag ko?! Pahirap ka talaga kahit kailan e!'' Talak niya sa akin sa harap ng mga maid at ni kuyang butler.

''Ay hala. Nasakin sir,'' natataranta kong sabi. Agad kong iniabot sa kaniya ng mga susi pero imbes na ang susi ang kunin ay hinawakan ako ni sir sa pulsuhan tsaka mabilis na hinila at isinama sa kaniya. ''S-Sir...''

''Shut up. Pagod ako kaya itikom mo 'yan bibig mo,'' malamig ang boses niyang sabi kaya nai-zipper ko agad ang bibig ko.

Umakyat kami ng grand staircase at nagtungo sa kaniyang kwarto. Natigilan ako nang nasa may pinto na kami nito.

''Sir? Kung matutulog ka e bakit sinama mo pa po ako di--''

''We'll stay in my room.'' Mabilis niyang sabi tsaka binuksan ang pinto. Nalaglag ang panga ko nang tuluyan na kaming makapasok.

Magsasalita sana ako ng bigla siyang humarap. ''Don't talk and behave yourself. No question,'' aniya tsaka ako tinalikuran.

Hinubad niya ang kaniyang jacket at inihagis ito sa isang sofa. Paharap siyang sumalampak sa maputing kama kahit hindi pa niya nahuhubad ang kaniyang sapatos.

Ewan ko ba kung bakit mas gusto ko ang ganito. Gusto kong palagi siyang nagsusungit at pinapakita sa akin ang kapangitan ng ugali niya kaysa hindi ko siya napagsisilbihan. Sa tagal ko na marahil sa puder niya ay nasanay na akong may ganitong bossy at grumpy na amo.

Lumapit ako at maingat na tinanggal ang kaniyang mga sapatos. Kinuha ko din ang kumot at ikinumot sa kaniya. Dinampot ko ang kaniyang jacket at iniayos ito ng pagkakasampay. Binuksan ko ang mga luggage at iniayos sa cabinet ang mga damit niya. Pandalawang araw lang ang dalawa naming damit dahil ayaw din niyang magtagal dito.

Bakit kaya?

Matapos mag-ayos ay lumakad ako sa veranda ng kwarto niya. Kita mula rito ang malawak na hardin ng mansyon. Wala pa ang iba niyang mga kapatid kaya sinusulit niya ang pagtulog.

''Siguro dapat ay magpahinga muna din ako.''

Dahil may mga batas dito na dapat kong sundin kaya bumalik ako doon sa guest room. Pinagtitinginan ako ng ibang maid pero hindi ko nalang sila pinansin. Mabuti nalang at pinayagan akong lumipat ng isa pang kwarto dahil sinira ni sir iyong pinto ng kanina. Naka backpack ang mga gamit ko para nadadala ko ang mga ito kahit saan. Umidlip muna ako para may lakas ako mamaya. Siguradong apurido na naman si boss mamaya.

Pero higit sa lahat, kailangan ko ng lakas dahil ito ang unang beses na makikita ko ang nanay ng amo ko. Hay. Sana hindi sila pareho ng ugali.

My Grumpy Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon