Apir tayo sumakit ang ulo - 🐶
**
Matapos ang mahabang byahe ay nakarating na kami sa event kung saan si Sir Terrence talaga ang nag invite sa amin.
"Waaa. Sobrang daming magagandang tao naman dito sir Wallace!," sabi ko habang nakasilip sa bintana ng sasakyan.
Hindi naman niya ako sinagot at hinayaan lang na magmasid sa labas.
"These poeple are fashion designers, models, artists, and even CEOs of big companies. I really applause Terrence for making these huge personalities come in one event," ani ni mr blondy na hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang pangalan. Huhu.
"G-Ganon po ba? Siguro kasi magaling siya makiusap at makitungo sa mga tao," dagdag ko.
Naaalala ko pa noong unang beses kaming magkita. Sobrang nakaka-intimidate ang aura niya na tipong hindi ka kaagad makakapagsalita.
"Tss," dinig kong reaksyon ng amo ko sa mga sinasabi ko.
"P-Pero syempre amo ko pa din ang pinaka as in PINAKA mabait sa lahat ha ha ha," kinakabahan at pinagpapawisan kong sabi kay mr blondy na ikinatawa niya ng sobra.
"HAHAHAHA Oh my gosh Lyks, you really made my day!"
Oh, you also made me dig my own grave. *whines*
Ibinaba kami ng chauffeur sa main entrance. Bababa na sana ako ng pigilan ako ng aking kanina pa bad moon na amo. Lumabas siya at iniwan ako sa loon.
Waaa! Eto ba ang parusa ko today? Magbabantay lang ata ako ng kotse.
Habang nagdaramdam ay biglang bumukas ang pinto sa tabi ko. Bumungad sa akin ang aking amo. Inilahad niya ang kanyang kaliwang kamay sa akin.
Hindi ko mawari ang nararamdaman ko nang matitigan ko ang mga mata niya. Seryoso at wala na iyong masamang aura sa paligid niya. Para na siyang prinsipe na tutulungan ang kaniyang prinsesa na bumaba sa kabayo.
"Lyka," pagbanggit niya ng pangalan ko.
"Y-Yes po!" ani ko na pilit nagtunog normal kahit sa loob ko ay gusto kong tumili.
Ang gwapo ng amo ko!
Paglabas ko ng sasakyan ay bumungad sa amin ang mga photographers na walang bahid kumuha ng litrato.
"Ah!" Gulat ko nang masilaw sa flash ng camera.
Iniyakap naman ng aking amo ang kanang braso ko sa kaliwang braso niya at inilapit pa ako lalo sa kaniya. "Stay close to me," aniya.
Namumula ang mukha na lamang akong tumango.
Pagpasok ay binati agad kami ni miss Ysa. Ang secretary ni Sir Terrene. She smiled to us, pero halata ko sa kaniya na pagod na siya kahit umpisa palang ng event.
"G-Good afternoon miss Ysa," pagbati ko sa kaniya.
Hindi naman agad sumagot si miss Ysa. Natulala siya ng mga ilang segundo bago ako binati pabalik.
"You look gorgeous in yellow dress miss Lyka," nakangiti niyang saad pero may ibang tinititigan ang mga mata niya.
Nakaramdam naman ako ng paghigpit sa braso ko at doon ko lang napansin na mga braso namin ng amo ko nakatingin si miss Ysa.
Aalisin ko na sana ang kamay ko sa pagkakalingkis neto sa braso ni Sir Wallace nang pigilan niya ako.
"Don't you dare," pagbulong niya na nagpatayo ng mga balahibo ko.
After ng greetings ay lumakad na kami papunta sa table namin.
"Sir, ang daming pagkain. Parang ang sarap ng cupcakes," naglalaway kong sabi. "Pwede po ba akong kumuha?"
"No."
Ah! Please pakawalan mo na ako!
Balewala lahat ng rason ko. Hindi niya talaga ako pinapayagang umalis sa tabi niya. Nahihiya kasi ako at baka kung anong isipin ng mga tao sa kaniya. Kung bakit may kasama siyang maid sa table niya.
Marahan kong hinila ang dulo ng suit niya. "S-Sir, tatayo nalang po ako."
Hindi lang siguro pinapansin nitong amo ko pero ramdam na ramdam ko mga tingin ng mga tao sa amin.
Alam ko ang iniisip nila. Na dahil lang sa mabait sa akin ang amo ko eh tini-take advantage ko na.
Slap!
"M-ma'am-"
"Who do you think you are?!"
Nang maalala ang isang pangyayari sa buhay ko, parang nahirapan akong huminga. Pumikit ako at sinubukang huminga ng dahan-dahan.
Kahit gaano pa kabait ang amo ko noon, hindi niya pa din ako nagawang ipagtanggol sa asawa niya na binigyan ng maling kahulugan ang trabaho.
"You said you wanted to go," ani ni sir wallace na nagbalik sa akin sa reyalidad.
In the end...
"Don't mind them," dagdag niya.
Huh?
Tumingala ako para sa makita ang ekspresyon sa mukha niya pero mas nagulat ako nang bigla niya akong subuan ng matamis at malambot na pagkain.
"A-Ang sharaaaapp!" Masyang sabi ko ng may kinang sa mga mata.
Gulp.
"Ano yun sir? Ang tamis!"
"Wag ka nga maglaway!" Bulyaw niya pero kitang-kita sa mukha ang malaking ngisi.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko matapos takpan ang bibig ko.
"Nagda-drama ako tapos susubuang mo ako ng matamis at masarap na pudding!?" Namumula ang mukhang kong singhal.
"What? You want me to wait for you to sing?" Nakangisi niyang tanong.
Pout.
"Hin--mn!"
Namilog ang mga mata ko at hindi na nakakurap pa nang maintindihan ang ginawa ng ngayo'y nakangisi kong amo.
"Don't be afraid. You have me." He said after leaving my lips burning with his hot and provoking kiss.
All of a sudden, the sweet taste of the pudding was overlapped by his sweet scent.
BINABASA MO ANG
My Grumpy Boss!
Historia CortaSi Lyka ay isang loyal maid pero dahil sa inosenteng kagandahan ay palagi niyang nakukuha ang atensyon ng kaniyang mga amo. Palaging napapalayas dahil sa mga maling paratang kaya nagpalipat-lipat na siya ng amo. Inakala niyang wala nang tatanggap sa...