Chapter 3

646 11 0
                                    

"WHAT do you mean?" Nangunot ang noo ni Jake sa narinig.

"Marry me, Mister Villacorta," matatag na sagot ni Diana.

Sandaling natigilan ang lalaki, pagkuwa'y gumuhit ang isang mapanuyang ngiti sa mga labi.

"Oh, I see..." Dinampot nito ang envelope ng mga tseke. "Bakit, Miss Sandejas? Naliliitan ka pa ba sa halagang nakasulat sa mga tsekeng ito?"

Kamuntik nang mapahumindig si Diana. Para na ring sinabi ng lalaki na mukha siyang pera! Gayunma'y mabilis niyang nasaway ang sarili. Sa halip, tinitigan niya sa mga mata ang binata. Nagpakawala siya ng isang ngiting puno ng kompiyansa.

"Maybe," tanging sagot niya.

"Magkano ang kailangan mo? Half of my inheritance? Everything?"

"I want your freedom, Mr. Villacorta," ulit niya. "And don't ask me why. I can't tell you that."

"Are you crazy?" Sumabog na ang tinitimping iritasyon ni Jake. "I value my freedom but most of all, why should I give it to you? Hindi ako pakakasal sa babaeng puro hatred at bitterness ang nasa puso."

"I am what you said, thanks to your father," nagbabaga ang mga matang sabi ni Diana.

Natahimik si Jake at lihim na ikinagalak ng dalaga ang nakitang reaksiyon nito. Bago pa man ito makahagilap ng sasabihin, mabilis nang nakatayo si Diana. Tinungo niya ang pinto at sa huling pagkakataon'y lumingon sa binata.

"Consider my proposal, Mr. Villacorta. And have a nice day." At tuluyan niyang ipininid ang pinto.

Panalong ngiti ang pinakawalan ni Diana habang nakasakay sa elevator. For the first time mula nang mamatay ang papa niya, her adrenaline was rushing to her head.

The truth was, wala naman siyang balak na sabihin ang mga nasabi niya sa anak ni Don Rafael. It was a spur-of-the-moment idea, and she jumped right into it. To have his freedom was the utmost revenge. Kukunin niya ang kalayaan nito, ang kaligayahan, ang buhay sa tunay na kahulugan.

Lamang, duda siya kung kaya nitong ibigay ang hinihingi niya. Ang tipo ng lalaking iyon ang hindi maniniwala sa kasal lalo't may babae namang makukuha nang hindi na kailangang pumasok sa matrimonya. And boy, he could have any woman he desired! With that look, that face, and arrogance...

Pity him, naiiling na naisip niya. I am not just any woman...

Hindi makapaniwala si Jake sa narinig na kondisyon ng dalaga. Damn! Ni hindi nga siya kilala ng babaeng iyon. Kung tawagin siya ay "Mister," pagkatapos... pakakasalan niya?

Ipinatawag niya sa sekretarya ang kaibigang matalik at abogado ng ama—si Atty. Jose Felix Madrigal—na may sarili ring opisina sa gusali ng kompanya.

"Hijo, may ipaglilingkod ba ako sa iyo?" nakangiti nitong bungad habang papasok sa opisina niya. Naabutan siya nitong nakayuko at nag-iisip.

Tumayo siya, nakipagkamay at minuwestrahan itong maupo sa visitor's chair.

"Tito, ano'ng kasalanan ni Papa kay David Sandejas?" Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa.

Naramdaman niya ang tensiyong bumalot sa matanda. Ngunit saglit lang iyon. Mabilis nitong nahamig ang sarili.

"Malaki, hijo. Ipinadakip ng papa mo si David Sandejas sa kasong pagnanakaw sa pondo ng kompanya. May ebidensiya naman si Rafael laban kay Sandejas."

"Ano'ng malaking kasalanan ni Papa roon?" naguguluhang tanong niya.

"Namatay si David Sandejas on the way to the precinct. Inatake sa puso."

"Hindi na kasalanan ni Papa 'yon! It was standard official procedure."

Bitter Heart Loves Guilty Heart - Jesusa LopezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon