Chapter 6

487 10 0
                                    

Pagkatapos kumain ng tanghalian, umakyat si Diana sa silid at binuksan ang isang built-in cabinet na naglalaman ng mga damit niya. Nirekisa niya ng tingin ang mga koleksyon sa paghahanap ng dinner dress na maisusuot para bukas.

Napagpasiyahan niyang pagbigyan ang request—o demand, sa mas tamang salita—ni Jake. Hindi dahil gusto nito, kundi dahil gusto niya. Sisiguraduhin niyang gagawa siya ng ikakapahiya ng asawa sa harap ng kaibigang sinasabi nito bilang kabayaran sa ginawa nitong pagdidikta.

Naiinis na siya sa kapapares-pares ng damit, ngunit wala pa rin siyang nakikitang bagay para sa okasyon. Isinarado niya ang pinto ng cabinet at napatingin sa side table na kinalalagyan ng perang ibinigay ni Jake sa kanya.

"Bakit hindi?" sabi niya sa sarili. Siya naman ang may gusto sa dinner na 'to, dapat talaga siyang gumastos. Ngunit sa tingin niya, sobra-sobra ang perang iyon sa isang damit lang kahit pa nga designer dress ang bilhin niya.

Sa huli, siya na rin ang tumutol sa naisip. Kung tatanggapin niya ang pera nito, para na rin niyang pinabayaran ang buhay ng papa niya. Never!

Mas gugustuhin niyang gastusin ang sariling pera kaysa magkautang-na-loob sa isang Villacorta.

Nagpahatid siya kay Mang Dencio sa Megamall at nagpunta sa isang boutique na alam niyang nagbebenta ng mga ready-made dresses na kailangan niya. Nagustuhan niya ang isang itim na gown na simple ang disenyo subalit malalim ang neckline. Seductive at hindi siya sanay magsuot ng gayong damit, pero binili na rin iyon ni Diana. She had to give in a little kung ibig niyang maging effective ang plano niya.

Naglibot-libot muna siya bago umuwi. Tutal naman ay naghihintay lang si Mang Dencio sa parking lot. Nang mapadaan siya sa moviehouse, pumila siya sa ticket booth ng isang banyagang pelikula. "Message in a Bottle" ang pamagat ng pelikulang pinangungunahan ni Kevin Costner.

Napaiyak siya sa huli dahil hindi nagkatuluyan ang mga bida. She could feel the sadness and the pain the heroine suffered nang mamatay ang bidang lalaki sa pagsagip ng buhay sa dagat. But most of all, she couldn't imagine herself under the same circumstances.

Ewan niya kung bakit, ngunit naisip niya si Jake. Isipin pa lang na mawawala sa buhay niya ang lalaki...

Ipinilig niya ang ulo sa tinatakbo ng isip. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Why should she care kung mawala man si Jake? After all, hindi ba't iyon din naman ang pinalidad ng kanilang pagsasama? Sooner or later, hihiwalayan niya rin ang lalaki. Hindi man ito mawawala in the sense na maglalaho ito sa mundo, ganoon din ang suma. Mawawala ito sa buhay niya.

Naaasar tuloy siyang lumabas ng sinehan.

Sinulyapan niya ang relo at nagulat siya nang matuklasang alas-sais na pala ng gabi. Siguradong naiinip na si Mang Dencio sa paghihintay sa kanya. Nagmamadali niyang tinahak ang daan patungo sa guarded parking lot.

Nadatnan niya itong nakatulog na sa driver's seat ng Pajero. Bahagyang nakabukas ang bintana kaya sariwang hangin ang nalalanghap. Gusto niyang maawa sa matanda ngunit wala na naman siyang magagawa kundi humingi na lang ng paumanhin.

Marahan niya itong ginising.

"Pasensya na po kayo at napaghintay ko kayo nang matagal," sabi niya agad sa matanda nang makaupo na siya sa passenger seat.

"Naku, Ma'am, wala hong anuman sa akin iyon. Trabaho ko naman 'to," nakangiti pang sagot nito. Pagkatapos ay pinaandar na nito ang sasakyan. Nahahapong isinandal niya ang ulo sa headrest ng Pajero.

Hanggang sa mayamaya lang, hindi niya namalayan na naidlip na pala siya.

Pakiramdam ni Diana ay idinuduyan siya sa ulap. Niyayakap siya ng mainit-init na sinag ng araw at hinihipan ng hanging amihan. She was so comfortable, she snuggled closer sa pinagmumulan ng kakaibang sensasyon.

Bitter Heart Loves Guilty Heart - Jesusa LopezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon